Usapang ka-ASTIGan tayo!
Astig ka na bang Christian? Hindi iyong astig na asitgin lang sa panlabas ah.. may hikaw na dala-dalawa, laging naka leather jacket kahit napakainit na at kung ano-ano pa. Maiintindihan mo ako kung astig ka talaga!
Iyong astig na Christian iyong si Jesus ang una sa buhay nya.
Iyong pag nahihirapan kay Lord nagpapaalalay at hindi sa kung kani-kanino..
Iyong hindi pag nag e-emote hindi kamay ng iba ang hinahanap para may ka-holding hands sya.. kundi hinahanap nya ang sarili nyang kamay, sabay pikit ng mga mata at mangungusap ng "Lord, busy ka po ba? Paiyak naman po sa balikat Ninyo medyo parang di ko na po kadi kaya.. (ToT)
GANOON!
IN SHORT..
Ang Krsitiyanong astig ay ang may astig ding relasyon kay Lord.. iyong sobrang sanggang dikit!
Alam ko naman ganoon ka...
Pero ngayon na nakakilala ka na, ngayon na maayos ka na.. sana huwag mong kalimutan iyong mga leaders mo na naghirap matulungan ka lang na makakilala kay Lord.
Diba naalala mo ayaw mo pa dati eh, sadyang makulit lang talaga sila. Kinukulit ka.. tinetext ka gabi-gabi.. "uy, invite kita sa church ah? "
Iyong gumabay din sayo sa walk mo bago ka pa maging astig na kristiyano.. kilala mo sila.
Huwag mo silang kalimutan. Ipag pray mo na madami pa silang matulungan tulad mo. Ipag pray mo na bigyan sila ng more annoinment, strength, wisdom, peace, love para mas makapag serve pa sila lalo.
Dapat isipin mo rin, ngayon na okay na ako siguro panahon na rin para ako naman ang tumulong. Hindi lang dapat ako tumatanggap.. nagbibigay rin dapat ako. Hindi na ako bata. Ngayon na kaya ko na, inihanda na naman na ako ng Lord.. ako naman ang tutulong. Ipag p'pray ko ang mga leaders ko, family and friends ko.. simula ngayon na rin mangingisda (mag w-win ng souls para matulungang makakilala) narin ako.
Iyon ang astig na christian..
IKAW, ASTIG KA BA?