Paano manalo?

70 4 0
                                    

Alam mo ba kung paano manalo? Para manalo kailangan siguraduhin mong mayroon talagang laban, kasi mahirap lumaban kung sa umpisa palang wala ka naman palang dapat ipaglabam.  Para manalo ka kailangan mo munang maging handang matalo. Totoo iyong sinasabi nila na bago ka manalo kailangan mo munang maranasang ilang beses matalo para alam mo na dapat pinaghihirapan pala at pinahahalagahan ang mga tagumpay.

Para manalo ka, kailangan munang may laban. Tandaan mo hindi ka mananalo kung wala namang laban. Parang ganito lang, paano ka mananalo kung sa una pa lang wala naman talagang laban. O may laban nga wala ka namang karaparang lumaban. Gets po ba? Sana. :)

Isa pa, para manalo hindi pwedeng manunuod ka lang. Kailangan mong umaksyon. Manalo, matalo ayos lang basta alam mong gumawa ka ng paraan para manalo ka. Kung hindi naman, tigilan mo na. Huwag mong hihingiin ang mga bagay na inilaan ng Lord para sa iba.

Pero gusto mo bang manalo talaga? Kung ganoon sabihin mo iyan kay Lord.. isurrender mo na iyang laban na iyan. Lagi kang mananalo kung sa bawat laban ang hangad mo ay to glorify the Lord and not just to prove the world that you are the most intelligent person on earth.

Alam mo minsan hindi mahalaga iyong nakakuha ng premyo. Mas mahalaga kung kahit nahihirapan ka ay tatapusin mo parin ang laban not to show the world that you are that strong but to show them kung gaano kalalakas ang mga taong sumusunod kay Jesus.

Mas nakakaproud iyong natalo pero pinaghirapang matapos iyong laban kaysa sa taong nanalo nandaya naman.

Remember: Hindi man namin makita lahat ng galaw mo, si Lord kitang-kita nya iyon kahit magtalukbong ka pa ng kumot. Naiisip mo pa lang alam na Niya. 

Ikaw nanalo ka na ba sa isang laban? Sa paanong paraan? Sumaya ka ba sa pakiramdam na natapos mo, o masaya ka lang dahil nalaman mong may natalo ka dahil mas mgaling ka kaysa sa iba? :)

~~~
Come on don't just fight. Fight for the glory of God. Walang anak na duwag ang Lord. Pero hindi ibig sabihin na natalo ka eh panalo na sila. Dahil minsan mas mararamdaman mo po ang panalo kahit talo ka.


Salamat po kay horwewafu and kay mariemetrado! God bless sa lahat! Maraming maraming salamat po. May we really glorify our Lord. :)

All I Need is YOU ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon