God wants you to find your destiny.
We love adventures. As long as you live, there is a part of you longing to have something new. Kaya meron tayong mga "Bucket lists", meron jan ng may mga relationship goals na, o kung ano-ano pang magagandang goals. Marami tayong gustong gawin, habang ginagawa natin sila hindi sila nababawasan, nadadagdagan pa nga. Bakit??? Because we cannot deny the fact that we commit mistakes. Kaya minsan ang linya natin "Sana maulit muli", "sana di na lang kita nakilala", "sana tayo pa".
In 2 cor 5:17 with Chritst we are a new person. The old you is gone. Forget the past "Isiah". Sabi mismo sa Bible FORGET THE PAST! Hindi na si Marcelo Santos ang nagsasabi.. Bible na!
Alam mo ba ang story nina Samuel and Sol? 1sam 16 Si Samuel ang tumulong kay Sol to have his success. Nag effort si Samuel. Imagine na anak na ang turing ni Samuel kay Sol.. ang nangyari despite of all the efforts, nag rebelde. Imagine kung paano nasasaktan ang mga Tatay natin pag nagrerebelde tayo. Hinayang na hinayang sila kasi ayaw nilang magrebelde tayo, masaktan, masayang iyong mga kakayahan natin. Pero ang maganda dun sabi ng Lord kay Samuel.. Stop weeping because I have chosen another one.
We are so consumed with our past, that we cannot see that God is preparing something new for us. Akala natin porke nasaktan na tayo ending na natin iyon? NO! Hindi dapat mawalan ng pag-asa. Ang dapat mong gawin is concecrate to God again. Kay God mo ulit idedicate iyong buong pagkatao mo, iyong atensyon. Kaya ka kasi nasasaktan dahil lumalayo ka sa nag po-protekta sayo.
The 2nd key to new beginning is "Consecration".
Consecration=Dedication. There is no other function. No compromises. Be dedicated to God.
Gala5:1 "Freedom" We have been freed, huwag na tayong maging slave ulit ng kasalanan, ng mundo..
Sin is not your nature. Kung nature mo yan, bakit nasasaktan ka pag nakagawa ka ng kasalanan. Kung nature mo iyan eh di sana pag nagnakaw ka, di ka makokonsensya. Pero, hindi eh. Nakonsensya ka which only means na di ka sanay dyan. Hindi ikaw iyan. Di mo nature ang sin! Hindi totoo na natural sayo ang maging makasalanan.
Colo 3:1-10 put to death your worldly sides. Wag ka nang maging slave nun!
Whatever is true, noble, right, admirable, pure, dignified.. be it. Josh 3:5
If I perish, I perish. As long as I will die for the Lord. Hayaan mo na kung ano man ang mangyari di ka naman mag-iisa. Be confident na palagi kang safe in God's hands.
Alam mo ba ang story ni Jona? Iyung lalaking nilunok ng napakalaking isda, sinuway nya kasi si Lord.. minsan parang tayo rin sya eh.. alam mo na kung ano ang tama and yet you did not obey what is the God's will para sayo. Well gagawa at gagawa ng paraan ang Lord para gawin mo ang kailangan mong gawin. It is not a punishment, it is just a plain consequence. Kaya ka broken hearted, consequence yan sa katigasan ng ulo mo.
Sabi ng hindi pa yan eh. "Nagjo-jona". Pag sinabi nating nagjo-jona ibig sabihin nun ginagaya mo iyong pagkakali nyang sundon iyong will nya at hindi iyong will ng Lord. Gets? Good!
We just have to be consecrated, cry to the Lord.
Hindi kayang lamunin ng demonyo ang consecrated, masusuka sya!
2 advantages of consecration:
1. Brings about a new level of faith, confidence.
We have to believe. We do not doubt. If you come to God you have to believe. Kalaban nyan ang guilt. Alam mo kasing nakagawa ka ng kasalanan. Talunin mo ang guilt! Yes kaya mo iyan! Ibinubulong lang sayo iyan ng kalaban eh. Luke 10:19
2. Gives you supernatural strength.
To do things seem impossible to you. Have you ever heard the Story of Samson? He was once consecrated. But he started to sin, to compromise. When?
judges 15 Samson entertained Delila. He lost everything. He got blinded. He became a slave, nagpapaikot sa grinder. Maybe you are asking, sguro nag sorry na naman sya diba? Di ba sya napatawad? He was forgiven right away, but consecration is a process. Parang tiwala sa sarili, pag may sumira nyan mahirap maibalik iyan. Nakalipas ang maraming taon naging dedicated ulit sya.. nagbalik loob sya. Bulag sya pero dedicated na ulit sya! Time came, BUMALIK NA IYONG LAKAS NYA! CONCECRATED NA KASI SYA ULIT! ヽ(´▽`)/ Amen!
Sabihin mo sa sarili mo.. If I want God to bring me to a new beginning I have to grow my hair like Samson, I have to be CONSECRATED.
This is not my end, THIS IS MY NEW BEGINNING. Ang nangyari kay Samson, sinira nya iyong place kung saan nadoon sya kasama ang napakarami nyang kalaban. Namatay lahat doon, and because bulag sya.. namatay sya kasama doon. Pero di sya namatay ng talunan. He accomplished more when he was about to die. He did not die as a failure, but with a new beginning.