Nasayo na ang lahat :)

33 5 0
                                    

Sa sobrang busy ko di ko napansin na napakarami ko na palang mga bagay na dapat ipag pasalamat kay Lord. Siguro nasanay ako na laging binibless kaya nagkaroon na ng spirit of familiarity na tuwing may blessing ni-hindi ko na napapansin hindi man lang ako makapagpasalamat ng maayos lay Lord. Sa paraan na sobrang deserve Niya talaga.

Iyong mga kapansin-pansin na blessing syempre isa na ang nasurvive ko na naman ang isang semester ng pagiging english major. 3rd yr, 2nd sem na 3 kembot na lang graduate na! ( pwede bang ikembot na lang? Parang madali iyon eh kaysa sa mga pinagdadaanan namin) Hahahaha. Joke! Ay, ano ba yan. Ang corny ko talaga mag joke wag na nga.

Isa pa iyong nakilala ko iyong biological Lolo ko sa mother side ko. Hindi pa ako nagkakaroon ng relationship kay Lord winiwish ko na to sa mga kandila na hinihipan ko eh. Noong naging Born Again Christian naman ako, hindi ko na winish.. pinag pray ko na. At eto nga kani-kanilang ay katext ko po sys. Hindi ko pa sya nakikita in person pero iyong malaman ko na buhay pa sya ayos na sakin iyon.  Hanggang ngayon pinagyppray ko padin na makita ko sya nang walang nasasaltang damdamin na ibang myembro ng pamilya ko syempre.

Isa pa iyong pag-ayos ng Lord aa schedule ko. Simula noong sept 6 2015 ang nakakaattend na ako sa sunday service, last sunday (oct 18 2015) nga lang wala dahil may bagyo.. di ako pinayagang lumabas. Ang tagal ko ring pinag pray iyon, thank God nakakapagchurch na ako. Naiinvite ko rin iyong mga kaibigan ko.

Marami pa pala akong blessings na hindi na mabilang. Iyong pamilya ko, pag-aaral ko at sympre iyong pinaka gusto ko ay ang madala ko na din iyong pamilya ko kay Lord. Hindi pa talaga sya nangyayari pero MANGYAYARI IYON!  Kung will no Lord iyon, walang makakapigil doon.

Napakasaya pala, challenging, higit sa lahat fulfilling kapag kasama mo na si Jesus sa lahat-lahat mo. Mahirap ang buhay, Oo. Pero mahirapan man may resbak naman ako. Hahaha. Andyan si Lord para umalalay palagi sa akin.

Sapat na iyon. Kung si Lord lang ang mayroon ka, congrats! Kasi nasayo na ang lahat! :)

~~~~

Hello!  Salamat po kay littkemooselove na bagong reader at kay horhewafu na laging nagb-vote nitong All I Need Is You.  :) God bless.  :) pati sa mga dati na rin pong nagbabasa.  God loved us.  :) :*

All I Need is YOU ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon