Alam mo ba kung gaano ka kamahal ng Lord? Alam mo ba kung ano iyong mga bagay na kaya Niyang isakripisyo para sayo? Samantalang ikaw ni hindi mo nga Siya napapansin. Oo, alam mong nandyan Siya, naniniwala ka sa kanya. Pero hanggang doon lang iyon. Tama lang na kilala mo Siya ganoon?
John 3:16 “For God so loved the world that He gave His only Son, that whoever believes in Him shall not perish but have eternal life.”
Can you imagine kung gaano kalaking sacrifice ang ginawa Niya dahil sa pagmamahal Niya satin, SAYO? Hindi madali sa Kanya pero kinaya Niyang tiisin iyong anak Niya na masaktan, maliitin, magutom, mahirapan, kutyain ng mga tao, ipahiya sa harap ng maraming tao. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon? Maraming tao ang hindi alam kung gaano kalaki ang sakripisyo ni God para lang satin, para lang ma-save tayo. Imagine habang ikaw kung ano-anong bagay lang ang ginagawa mo si Jesus pala nahirapan para lang sayo?
Siguro karaniwan na naririnig natin sa sino mang Nanay o Tatay na nakausap na natin, na handa silang makipagpatayan maipagtanggol lang iyong anak nila kapag inaapi sila. Kaya nilang ipahiya iyong mga sarili nila para lang huwag mapahiya iyong anak nila. Sobrang sakit sa isang magulang na makitang nahihirapan iyong mga anak nila, mas gugustohin pa nilang sila na lang iyong nasasaktan. Kung kaya nga lang nilang kuhanin iyong sakit na nararamdaman mo sa tuwing broken hearted ka, ginawa na nila. Para sila na lang iyong mahirapan, basta ikaw maayos ka. Kung kaya nga lang nilang ibluetooth iyong hirap na nararamdaman mo sa tuwing may lagnat ka, ginawa na nila. Ganoon ka protective ang mga magulang.
Kung hindi kayang tiisin ng magulang na mahirapan ang mga anak nila, siguro tinatanong mo na ngayon kung bakit hindi ipinatanggol ni Lord si Jesus na anak Niya. Siguro tinatanong mo na ngayon, kung hindi Niya ba kaya? Kaya Niya. Kayang-kaya. Kaya Niyang tapusin lahat ng paghihirap ni Jesus that time. Pero hindi Niya ginawa.
Alam mo ba kung bakit? Kasi kung hindi si Jesus ang mamamatay para sa atin, TAYO mismo ang kailangang magbayad ng lahat ng kasalanan natin. Babayaran natin lahat kung hindi dahil kay Jesus; sadya man o hindi, maliit man o malaki, the point is it is still a sin. And we have to know that the wages of sin is death. Pero dahil mahal tayo ng Lord, hinayaan Niya na iyong kaisa-isa Niyang anak ang magbayad ng lahat ng pagkakautang natin. Hinayaan Niyang masaktan ang anak Niya, huwag lang tayo ang mahirapan. Dahil kay Jesus, dahil sa pagkamatay Niya, nabura lahat ng naging kasalanan mo, at mga gagawin mo pang kasalan. At wala kang kailangang gawin kung hindi ang tanggapin lang si Jesus as your personal savior. Iyon lang, kailangan mo lang irecognize si Jesus. Para ma-claim mo iyong salvation na regalo sayo ni Lord kailangan mo lang tanggapin ni si Jesus ang nagligtas sayo. Wala kang exam o interview na kailangan ipasa para mapabilamg ka sa darating na kingdom ng Lord. ヽ(´▽`)/
May tanong ako sayo, kung maliligtas ka.. bakit ka sa tingin mo nailigtas?
Siguro ang sasabihin ng iba ay “Kasi mabait ako. Hindi ako nambubully sa school, minsan nga ako pa iyong nabubully. Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob sa kapwa ko. Hindi ako kumukuha ng gamit na hindi sa akin. Alam ko na maliligtas ako, kasi mabait naman ako.”
Alam mo ba na hindi basehan ng salvation ang bastang mabait lang? hindi ka maililigtas ng kabaitan mo, kailangan mong malaman iyan. Jesus is the only way para maligtas ka. Accept Him in your life. Alam mo ba sinabi sa akin ng spiritual Nanay ko na sa puso raw natin ay may isang upuan dyan, parang trono. Tayo ang nakaupo sa upuan na iyon. Ibig sabihin tayo ang namamahala sa lahat ng ating nararamdaman, naiisip, mga desisyon, mga emosyon, sa sarili natin tayo nag-rerely. Pero kung gusto mo talagang maligtas, tatayo ka sa upuan na iyon. Hahayaan mo na si Lord ang umupo sa trono na iyon. Pag sinabi mong trono, ibig sabihin iyong nakaupo doon iyong nag-cocontrol sa lahat, Siya iyong namamahala sa lahat. Siya na iyong mamahala sa mga nararamdaman mo, kaya hindi ka na magkakamali sa pagpili ng taong mamahalin mo, Siya kasi mismo iyong magtuturo sayo ng karapat-dapat para sayo. Siya na ang mamamahala sa mga naiisip mo, kaya kahit gusto mo pang mang-judge ng iba, hindi mo na magagawa kasi tuturuan ka Niya na isipin lang iyong mga dapat lang isipin. Dapat mag-celebrate ka kasi mapeperfect mo na iyong mga exams mo kasi wisdom na ni Lord ang dala-dala mo tuwing may exam ka. Iyon eh kung naniniwala ka sa Lord. Iyon eh kung naniniwala ka na kaya ka Niyang gawing victorious sa lahat ng bagay. (⌒▽⌒)
Napakalawak ng pagmamahal satin ng Lord. Mas marami pa sa pinagmulitply na patak ng ulan noong Yolanda, pati iyong stars, iyong buhok ng lahat ng tao, at lahat ng buhangin sa mundo. Ang pagmamahal ng Lord, hinding-hindi mo masusukat kahit anong galing mo sa math. Iyong pagmamahal ng Lord hinding-hindi mo kayang e-explain kahit na napakagaling mo pa na english professor. Kung kalian nagsimula ang Lord na mahalin ka, walang makakapagsabi, kahit ang pinakamagaling na historian pa. mahal ka Niya, to the point na magiging pinakamagaling na doctor Siya at pagagaligin Niya iyong puso mo na di lang sinugatan kung hindi binasag, pinagdurog-durog at ipinagiling pa ng taong minsan mo nang pinagkatiwaan. Mahal ka Niya, na kaya ka Niyang ipagtanggol sa kahit na sino, at wala nang mas gagaling na abogado sakanya sa pagtatanggol Niya sayo. Wala nang makakatalo pa sa pagbabantay Niya dyan sa puso mo huwag ka lang masaktan pa ulit, kahit ano pang title ng kahit sinong heneral ay hinding-hindi niya mapapantayan man lamang ang security and peace na ibibigay sayo ng Lord.
Alam ko marami pang doubts dyan sa puso at isip mo. Oo, naniniwala ka nga sa kanya, pero hindi lang dapat hanggang doon iyon. Kung kikilalanin mo Siya, malalaman mo na sa lahat ng minahal mo Siya lang iyong hinding-hindi ka iiwan. Masaktan mo man Siya, tatanggapin ka parin Niya, kahit iyong lahat sumuko na sayo. Kahit iyong iba nagsawa na sa pagbibigay ng chance sayo, si Lord hindi lang second chance ang ibibigay Niya sayo, kaya Niyang magbigay ng third chance, fourth chance, fifth chance hanggang hindi mo na mabibilang pa kung ilang beses na Siyang nagpasensya at nagpatawad dyan sa mga kapasawayan mo.
Mahal ka Niya, ano ba naman iyong kausapin mo Siya bago ka matulog at bago gumising, magpasalamat, maiparamdam mo man lang sa Kanya na na-aapreciate mo lahat ng ginagawa Niya para sayo. Kapatid, isang bagay lang ang dapat mong tandaan, God loves you.
ヾ(*´∀`*)ノ
09-16-15
✔ 100 days before Christmas! 。^‿^。