Real Wisdom II

81 4 0
                                    

Sobra akong umiyak after nun. Naging ganoon na pala iyong laman ng puso ko, di ko man lang napapansin. Praise the Lord, at di nya aki hinayaang tuloyang mapahamak. Loveyoumuch, Lord! ヽ(´▽`)/

Kinundisyon ko muna iyong isip ko. Hingi ng advice kay Lord, at napag desisyunan kong bumisita sa wattpad. Mahilig kasi  akong magbasa ng mga gawa dito, dati random stories lang pero ngayon mas gusto ko na iyong stories sa spiritual category lalo na iyong mga gawa ni ate ninesilos at kuya jerpie. Hehe. (Basahin nyo stories nila, pampa good vibes)

Okay sa ayos. Mukhang ayos na naman ako. Thank you, Lord. I pray thay you will always humble my heart. Humility, Lord. Let me master Humblelology. ヽ(´▽`)/

Nakakapagtaka, nung simulan kong ilapat iyong kamay ko sa keys ng laptop, hindi na sya mapigilan! Di lang umuulan ng ideas, bumabagyo! Tipong yolanda! Praise the, Lord. Siya iyong dahilan nito eh. Real wisdom comes from the Lord nga talaga  (*^_^*) ang kumontra di kasali, walang friends. Hahahahaha.

Minsan talaga ano, madadaya ka kasi sa sarili nating kakayanan tayo nag rerely, di tayo humihingi ng guidance ni Lord, pag nacompliment lalaki na ulo kasi akala natin pinakamagaling na tayo. Okay lang namn iyong confident ka sa sarili mo eh. Pero hindi iyan applicable all the time at dapat rin sa tamang lugar. Lahat mangyayari hindi sa tamang pagkakataon sa tamang panahon ni Lola ni Dora sa kalyeserye, ang totoo kasi sa perfect time sya ng Lord mangyayari lahat. Pag di pa nangyari, malay mo naman diba mas masaya pala kung bukas pa sya mangyayari.

Dati naniniwala ako na everything happens for  reason, kasi iyon ang sabi ng nakararami kaya nakiuso na lang rin ako Hahaha makisabay na lang sa agos. Pero noong nakilala ko ang Lord, may mas astig palang explanation sa bagay na iyan. Pag may mga struggles tayo, hinahayaan ni Lord iyon. Kasi He is just molding us. Isipin mo ah, kung iyong mga exams at projects matitisod na ako, ano pa kaya pag mas malakas na iyong gamiting panggulo sa atin ng kalaban (you know what I mean).

Hindi pa to eh. Simpleng mga bagay palang to.. pero kung dito pa lang bibigay na tayo, ano na lang pag sobrang lapit na ng kingdom, doon na sobra na tayong gigipitin, diba?

Nalaman ko rin sa challenge na to, na kahit ano pang pinag-aralan natin, mag masters man tayo, doctoral o kahit ano lang may ral parang coral at viral (Hahahaha joke iyon, pramis!) Wala parin eh. Di parin tayo uubra sa wisdom ng Lord. Kaya kahit tayo pa ay nagkamit na ng kung ano-anong karangalan, wala parin tayong karapatang magmalaki. Kasi sa lahat ng success natin, si Lord dapat iyong pinaparangalan. Praise the Lord! ヽ(´▽`)/

Ngayon alam ko na. REAL WISDOM COMES FROM JESUS.

Kung di iyan galing kay Lord, mag-ingat ka.. BAKA IKAPAHAMAK MO IYAN. ┌(˘⌣˘)ʃ

All I Need is YOU ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon