After ng midterm exam namin na sobrang nagpasakit talaga ng ulo namin, heto na naman ang project namin na conversational analysis sa major subject . At dahil major-major to.. Power puyat na naman.
Alam niyo iyong pagkatapos makalagpas sa exam na humalukay sa ilang buwang kaalaman na sapilitan naming isinaksak sa aming mga isipan, tapos 20% pa lang yata ang recovery level ng utak ko, kakalkalin na naman. Tapos next week major-major exam naman. Haha. Hoh! Buti na lang matindi kapit ko kay Lord, kung hindi.. hay ewan na lang.
Okay lang naman lahat ng iyan, ginusto ko to eh. Hahaha. Magdusa ka jalayaaaaa! Buwahahaha. Minsan naaawa narin ako sa sarili ko, pati sa mga classmates ko. Ngayon kasi, kadalasan sa school akala mga rakista kami at may mga eye liner eh. Iyong totoo, eye bags talaga iyan. (=´∀`) Saya nuh! Bakit nga ulit ako nag english major?
Kasi makakatulong iyan sa misyon mo dito, Anak.
Di ko man makita ang Lord, alam kong gusto nyang sabihin sakin iyon. (^_^) Hays. Thank you, Lord sa encouragement..
Andito ako ngayon sa bahay, dapat nasa school ako eh para sa extension service, mag tututor kasi kami. Kaso, naka sched na talaga tong gawain ko, matagal na. Prior commitment talaga, at bawal baguhin. Hehe. Joke! Depende kung ano mas kailangang gawin.
Kasalukuyan akong nakaharap sa lap top, ang boyfriend ko. Karamay ko to sa lahat ng puyatan eh. Ready nang mag type iyong kamay ko, iyon nga lang.. walang idea ang pumapasok sa isip ko.. Problema to. Tss. Lord, wisdom please....
Hayss. Kahit anong kalkal ko wala talaga. Kinakausap na ako ng laptop.. Jalaya, ano na? Forever tulaley? Anyare sa creative mong utak nung nakaraan? Andami mong plano para pagandahin ang project na to ah. San na Bi?
Okayyyyyyy. Lord, naiimagine ko ng kinakausap ako ng laptop na to. Mababaliw na yata ako. Hindi! Hindi ako ganito eh. Ang lakas talaga ng hang over ko sa exam na iyon. Daig ko pa ang broken hearted, ang tagal ko maka move on eh. Kumulot na lalo iyong buhok ko kakaisip. Tss.
Okay. May mali eh. Parang di ko ramdam iyong dati kong nararamdaman sa tuwing gumagawa ako ng mga paper works. Mas mahihirap pa dito iyong mga gawain dati, pero parang hirap-hirap talaga ako ngayon. Hmmmm. Kailangan isipin ko kung bakit ganito.
Anak, kailangan mong ikundisyon iyong utak mo. Why don't you get some rest, so, you'lll feel better mukhang stress na stree ka eh. Hehehe.
Pinagtatawanan pa ako ng Lord. Pero oo nga nuh? Sge, tulog muna ako.
Zzzzzzzzzzzz. Zzzzzzzzzzzzzz.
~~~
Andito ako ngayon sa kwarto.. dapat gumagawa ako ng project ngayon eh. Pero dahil magaling naman ako, manunuod na lang muna ako ng movie. Hahahaha.
~~~
Ako ang pinaka magaling. Nirerespeto ako ng lahat, mabait kasi ako. Iyong project na iyon, chicken lang iyon! Ako pa ba? Nakita iyong reflection ko sa salamin, bakit ganoon parang iba ako. Ako ba to? Kayang-kaya kong gawin lahat iyon! Patuloy na sabi ko sa sarili ko. Hahahahahahahaha------⊙﹏⊙ ano iyon? Panaginip lang pala. Nakakatakot na panaginip. Salamat naman at di totoo. Kinabahan ako doon ah.
Lord, ako po ba talaga iyon? Kaya po ba sobrang nahirapan ako sa exam, pati po sa project dahil masyadong mataas na ang tingin ki sa sarili ko? Lord, ayaw ko po dumating sa point na iyong bilib ko po sa sarili ko ang maging dahilan para matisod ako, at makatisod rin ako ng kapwa ko. Help me, Lord. Kung ang utak ko po ang magpapahamak sakin, mad mabuti pang ako ng lang iyong klase ng estudyante na di napapansin ng lahat, at least humble naman po ang puso ko. Paluin mo po ako. Forgive me Lord for I have sinned. At huwag nyo na pong hahayaan na maging ganoon pa kasama iyong puso ko. In Jesus' name.