Walang makakapigil sa will ng Lord! ٩(๑❛▽❛๑)۶ pagsinabi Niyang mangyayari, mangyayari talaga katulad ng nangyari sa John 25:28 "Kung nais kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano saiyo? Sumunod ka sa akin." sinbi Niya iyan noong may nagtanong kay Jesus kung mamamatay ba si Juan na sobrang mahal ni Lord.
Grabe ano? Kaya sabihin mo dyan sa mga pumipigil saiyo na magserve at mabuhay kasama si Lord. "Huwag na po kayong KJ. Dito ako tunay na masaya. Kung gusto ninyo makigaya narin kayo sa amin! Huwag na iyong mga crushes ninyo iyong ifollow ninyo. Dapat si Lord na lang! At hindi mo Siya sa twitter lang ifo-follow kundi ang mga gawa Niya mismo ang if-follow mo."
I don't know what you've been through this week or for these past fews days.. kung feeling mo napakasaya mo na mapapakanta kang "this is gon'na be the best day of my la-a-aa-life." ganoon! o di naman kung may mg grudges ka mang dinadala dyan sa puso mo. Kung broken hearted ka man ngayon. Kung sobra ka bang kinakawawa ng mundo. Kung nawawalan ka na ba ng pag-asa kasi sobrang napakadaming projects ang sabay-sabay na ipapasa. Kung nawawalan ka na ba ng tiwala sa sarili mo pati sa ibang tao dahil sa mga nangyayari sa paligid mo.
Kahit sino ka pa, alam ko pasok ka sa isa sa mga nabanggit ko kanina. Iyong di ko naman babanggit o basta iyon na po iyon, the point is kahit nasan ka mang sitwasyon alam mo bang hindi mo na kailangan pasanin iyan ng mag-isa? Masaya ka? Ishare mo iyong kasiyahan mo kay Lord at dodoblehin Niya pa iyan! Praise the Lord! Malungkot ka? Ishare mo kay Lord hindi ka Niya iiwan sa ere kahit gaano pa kabigat nyang problema mo. Iyong cross nga kinaya Niyang pasanin at magpapako doon para sayo diba? Iyan pa kayang problema mo? Maliit na bagay lang iyan kay Lord. Kaya ka Niyang tulungan. Ang tanong mo naman, hanggang kailan ka tutulungan at iintindihin ni Lord? Hanggang sa dulo ng forevermore! Sa lahat ng dumating dyan sa buhay mo.. kapag si Lord ang pinapasok mo dyan sa puso mo kahit kailan hindi ka Niya iiwan. RealTalk: Ikaw pa nga ang nang-iiwan kay Lord diba?
Sa lahat ng dumating, Siya lang iyong hindi aalis.
Sa lahat ng dumating, Siya lang iyong willing mag stay kasama ka.
Sa lahat ng dumating, Siya lang makakapagsave sayo.
Sa lahat ng dumating, Siya lang. Hindi mo kailangan ng boyfriend/girlfiend para sumaya. Sa pakikipag gf/bf temporary happiness lang ang makukuha mo nyan. Kadalasan imbes na inspirasyon, nagiging distraksyon pa sila. Kasi hindi mo pa naman season para magmahal, ginawa ko na. Pero walang nagsasabi na bawal. Ang dapat lang huwag kang magmamahal sa MALING PANAHON. Sa panahon lang dapat na inilaan ni Lord. Huwag kang magmamahal ng MALING TAO. Iyong tao na inilaan lang dapat sayo ni Lord. Kaya dapat maghintay. Kailangan iprove mo muna kay Lord na ready ka na, na kayang mo nang alagaan iyong taong iyon, na deserve mo na iyong taong iyon. Tandaan mo: Anak tayong lahat ni Lord at hinding-hindi Niya tayo ipagkakatiwala sa kung sino-sino lang. Kaya kalma lang tayo. Hayaan natinng iprepare tayo ni Lord para maging hinog na tayo at stable na tayo sa lahat ng aspeto ng buhay natin lalo na spiritually. :)
Sabi ng Lord, "Follow me!". Sabi sayo eh ifollow mo na si Lord pero higit sa alam mong pag-f-follow sa twitter ah? Iba yun. Hahaha.
Unahin mong i-satisfy si Lord, sinasabi ko sayo si Lord na ang mag-aayos ng lahat, gaano man iyan kahirap. Sa panahon na nahihirapan ka na huwag mong solohin iyan. Huwag kang mahiya na lumapit kay Lord. Magpa-alalay ka, kahit kailan hindi Siya hihindi. Ikaw lagi ang uunahin Niya. May planong maganda para sayo ang Lord (Jeremiah 29:11) Tapos na iyong plano! May blueprint na si Lord kung paano ka Niya ib-bless. Isipin mo iyon? Magkakaproblema ka pa lang yayakapin ka na ni Lord para ibigay sayo ang solusyon dyan sa problema mo. Magkakasakit ka pa lang, nag-aabang na ang gagamot sayo.
Ganoon ka Niya kamahal. Handa Siyang masaktan, mapahiya, husgahan, mabastos, huwag igalang at higit sa lahat bayaran ang mga kasalanan natin at mamatay para sa atin. Mayroon bang iba na kayang gawin iyon para sayo?