May malaking impact sayo iyong tanong ko kanina kaya ginusto mo agad mag next level sa page na to.
Tinanong ka kanina "Do you believe that Jesus died on the cross?"
Ito iyong mga klase ng sagot na pwedenf naisagot mo sa tanong sayo.
1. No. Because first of all hindi ako naniniwala kay Jesus, so papabo pa ako maniniwala na namatay sya para sakin?
2. Maybe. Iyon kasi iyong alam ko eh. Christian ako, matagal na akong nags-serve kaya hindi pwede na hindi parin ako naniniwala.
Kung hindi ka naniniwala well you have to. Simple lang na sagot ano? Maraming tutulong sato if you really want to. Sa ayaw talaga? Sge, push mo yan. Habang tumatanggi ka kukulitin ka parin namin hanggang marindi ka at pakinggan mo na kami. Hahaga. XD Tama ba? Walang nakakatakas basta tinawag ka na ni Lord.
Doon naman sa mga malakas na ang loob at buong tapang na sumagot ng "Yes! I do believe!". Wow! Masaya ako sayo nanainiwala ka.. kaya lang after that ano na? Doon na ba natatapos iyon sa tanong na "Do you believe that Jesus died on the cross for you?"
NO.
May isa pang tanong.. "Ngayon na naniniwala ka na, ANONG GAGAWIN MO?"
Remember: Hindi tayo naniniwala for the sake na naniniwala lang tayo. Eh di parang nakisabay ka lang rin noon sa uso?
Dapat may galaw.
Tingin ka nga sa paligid mo. Marami pang mga souls na dapat pang masave. Marami ka pang nakikitang youth na parang naligaw na. Marami pang loner at bully sa school mo. Masyado pang makamundo ang mga kaibigan mo. Wala ka pang napapakilala kay Lord sa pamilya mo. Hindi tayo naniniwala para lang sa wala. Hindu tayo naniniwala para maging selfish. Wag mong sabihin na busy ka, na di ka papayagan.. idinahilan ko na rin iyan pero ngayon eto na ako. Wala talagang makakatakas kapag tinawag ka na ni Lord.
Kung naniniwala ka na Bro, Sis, why don't you share it with others? Hindi lang tayo ang nangangailangan ng salvation kundi LAHAT!
Go! Tara! Galaw tayo! Let's make a change! Let's end this wordly generation! In Jesus' name.. WALANG MAKAKAPIGIL SATIN. Wag tayong tamarin na magpagamit kay Lord. Hindi tayo tinawag para lang humiga, maupo, magpahing, at maghintay.
Naniniwala ka?
Ngayon naman..
THINK OF YOUR FAMILY, YOUR FRIENDS.. EVERYONE.