I am a Warrior!

138 7 0
                                    

Sobraaaaaaaaaaang hirap ng exam kanina. Iyong tipong kay Lord ka na lang talaga aasa. Haha. Grabe!

Iyong tipong inaral mo (iyong iba, sobrang dami kasi eh #informationoverload) pero nung nagsaaagot ka na halos itaktak mo na iyong ulo may mahalungkat ka lang na sagot, PERO WALA TALAGA.

Pag labas ng examination room iyong mukha mo, parang pinagkaitan ng karapatan.

Hahaha.  Iyong gusto mong magsumbong kay Lord..

Lord, bakit po ganoon iyong exam? Akala ko midterm lang po iyon? Di naman po ako nainform na LET na pala iyon. Hays. Pero, okay lang po iyon.

Natatawa na lang ako eh. Halos lahat nagsinimangot pagkatapos. Hahaha. Magpapacheck-up nga ako bukas eh. Pakiramdam ko kasi nawala kulobot ng utak ko, na unat yata lahat kakasagot.

Hooooh! Exam pa moreeeee! Buti na lang may Jesus ako. ❤

May exam pa ulit kami bukas! Kahit na sobrang nahirapan iyong nervous system ko sa exam na iyon, di parin ako mawawalan ng gana para mag review ulit para sa mga susunod pang exam.

Ngayon pa ba ako susuko? Hah! NEVER! I am a warrior, at kahit ano, sino pang kalaban.. mananalo parin ako!

Naman! Anak ako ni Lord eh.

O kaya kayo diyan, push lang tayo ng push.

Huwag kang mag-alala. Lagi mong karamay si Lord sa lahat ng iyanHoh! Kaya aral pa more! God's wisdom pa more, Lord!

Papel lang iyan. Si Lord parin ang mag d'decide kung ano tayo sa future. But that doesn't mean na 'wag na tayo mag review.

Sabi nga,

NAKAY LORD ANG AWA.. NASA TAO ANG GAWA.

Laban lang, kapatid! God bless.

We are loved by the king. Di niya tayo pababayaan. O sya, aral na muna ulit si Ako. Hahaha.

#PrayersForAll
#IAmAWarrior

All I Need is YOU ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon