'Di na akin.
Gwen's rumoured boyfriend sparks feud between co-member, Sheena.
— Start
The news broke out, the media exploded upon the rumors between singer Gwen and rumored bf from another boy band is seen borrowing clothes, exiting places together, and caught wearing matching bracelets.
Hindi naman na bago 'yun sa mga girls, lalo na kay Sheena, dahil nagusap sila tungkol do'n lahat.
At simula nung nag open forum sila tungkol sa mga lovelife, pag dating kay Gwen— tumahimik si Sheena sa isang tabi katabi ang ibang mga ate.
Habang ang iba naghihiyawan, nag "a-ayiee" sa mga kwento ni Gwen na lubos nang nagpapakilig sakaniya. Pero si Sheena? Natahimik. Hindi nakikisama sa mga pang aasar ng kaniyang mga ate kay Gwen.
"Uy uy, may nananahimik!" Her ate Maloi teased to Sheena, which she laughed off casually.
"Baliw! Sakit lang ng ulo 'ko." Sheena claimed, rolling her eyes playfully. Pero malalim na ang iniisip nito.
Pero sa isip-isipan niya, si Gwen lang ang makakapasok sa puso niya. Siya lang ang nakakuha kay Sheena ng ganun.
They both disclosed that, it was purely fan service. Pero kay Sheena, higit pa sa fan service yun. Hindi yun basta basta, hindi yun casual.
Sa patagong tinginan nila habang sumasayaw sa kanilang mga kanta, sa yakap nilang napapadalas offcam, sa call sign na 'bebe' na nagpapaalala sakanya sa tahanan niya.
Hindi kayang pakawalan ni Sheena yun, dahil alam niyang kailangan niyang lumayo kay Gwen.
Napansin naman ni Colet ang katahimikan ng bunsong ni minsan hindi natahimik.
"Shee? Okay ka lang? May gusto ka bang sabihin?" Colet whispered, squeezing her thigh for comfort.
Si Colet naman kasi palagi ang nakakapansin kung may tahimik o wala sa sarili sakanila, ateng ate talaga.
Deep inside, gustong gusto na ni Sheena aminin at ibuhos lahat sa ate Colet niya. Pero may pumipigil sakaniya, kaya sinabi niya nalang ng wala.
Hindi talaga nagkakaganito si Shee, at parang ngayon lang nilang nakita si Shee nang tahimik. Bago pa man nagstart ang open forum, buhay na buhay siya.
Sumisigaw, naglalaro, nag-yaya mag inom dahil rest day daw nila.
Pero parang naubos yung enerhiya niya nung tumama lahat ng rumors ng madla.
Kasi akala niya, mutual ang nararamdaman nilang dalawa. Parehas silang nagmamahalan ng patago. Pero parang siya lang ang nakaramdam.
Naglock si Shee ng pinto sa room niya pagkatapos ng open forum, siguro takot siya sa maari nyang magawa pag nakasama niya si Gwen.
Pero si Gwen din ang pinaka-protector niya, kaya't umakyat ito sa rooms at kinatok si Sheena.
"Bebe? Are you okay?" She said, with that soft voice that she always used when faced with Sheena.
The sound of the knock echoing in Sheena's room, but she made no effort to open the door. Wala siyang gana tumayo, wala siyang gana para sa lahat.
YOU ARE READING
BINI ONESHOT AUS
Romancethis story contains all ships, these stories are oneshots (its up to me if i want to make a special part)
