Bayani ng Bukid ni: Alejandrino Q. Perez Ako'y magsasakang bayani ng bukid Sandata'y araro matapang sa init Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang pilit. Ang kaibigan ko ay si Kalakian Laging nakahanda maging araw-araw Sa pag-aararo at paglilinang Upang maihanda ang lupang mayaman Ang haring araw di pa sumisikat Ako'y pupunta na sa napakalawak Na aking bukiring laging nasa hagap At tanging pag-asa ng taong masipag. Sa aking lupain doon nagmumula Lahat ng pagkain nitong ating bansa Ang lahat ng tao, mayaman o dukha Sila'y umaasa sa pawis ko't gawa. Sa aking paggawa ang tangi kong hangad Ang aki'y dumami ng para sa lahat Kapag ang balana'y may pagkaing tiyak Umaasa akong puso'y nagagalak. At pagmasdan ninyo ang aking bakuran Inyong makikita ang mga halaman Dito nagmumula masarap na gulay Paunang pampalakas sa ating katawan. Sa aming paligid namamalas pa rin Ang alagang hayop katulad ng kambing Baboy, manok, pato'y alay ay pagkain Nagdudulot lakas sa sariling atin. Ako'y gumagawa sa bawat panahon Na sa aking puso ang taos na layon Na sa bawat tao, ako'y makatulong At nang maiwasan ang pagkakagutom. Ako'y magsasakang bayani ng bukid Sandata'y araro matapang sa init Hindi natatakot kahit na sa lamig Sa buong maghapon gumagawang pilit.
BINABASA MO ANG
Grade 10 Filipino Module
NezařaditelnéFor all coming grade 10 and grade 10 for now. Just to help ya.
