Ang Pakikipagsapalaran ni Samson Mula sa Bibliya (Mga Hukom 16) Umibig si Samson kay Delilah na taga-Sorek na naging dahilan ng kaniyang pagbagsak. Nalaman ng mayaman at makapangyarihang mga Philistino ang kanilang ugnayan. Binigyan nila ng maraming salapi ang babae upang makipagsabwatan sa kanila. Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson kung saan nagmumula ang kaniyang pambihirang lakas. Gamit ang kaniyang kagandahan at husay sa panlilinlang, ilang beses niyang tinanong si Samson kung saan nanggagaling ang lakas nito. Hanggang sa ipagkatiwala ni Samson ang kaniyang sikreto sa dalaga. Ang Panginoon at mga magulang ni Samson ay may kasunduan na hindi maaaring gupitin ang buhok ni Samson kung hindi siya ay manghihina. Ang sikretong ito ay sinabi ni Delilah sa lider ng Philistino. Isang araw, habang natutulog si Samson sa kandungan ni Delilah tinawag nito ang kanilang kasabwat at ginupit ang mga buhok nito. Si Samson ay nanghina kaya't nahuli siya ng mga kalaban. Sa halip na siya ay patayin, mas pinili ng mga Philistino na ipahiya si Samson. Dinukot ang mga mata nito at pinagtrabaho ng mabigat sa kulungan sa Gaza. Habang siya ay nasa kulungan, humaba na ang kaniyang buhok na hindi pinansin ng mga kalaban. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin nang taimtim. Nagkaroon ng pagtitipon ang mga Philistino sa Gaza bilang pagsamba sa kanilang paganong diyos. Nakaugalian na nila na magparada ng isang bilanggo sa harap ng mga naghihiyawang manonood. Inunat ni Samson nang malakas ang kaniyang mga kamay kaya't nawasak ang mga haligi ng templo. Libo-libong Philistino ang namatay kabilang na si Samson. Sa kaniyang kamatayan, nalipol niya ang kaniyang mga kaaway sa pamamagitan ng pagbubuwis ng sarili niyang buhay.
BINABASA MO ANG
Grade 10 Filipino Module
DiversosFor all coming grade 10 and grade 10 for now. Just to help ya.