Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

31.6K 51 8
                                        

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Ang tinig ng ligaw na gansa

nahuli sa pain, umiyak

Ako'y hawak ng iyong pag-ibig,

hindi ako makaalpas.

Lambat ko ay aking itatabi,

subalit kay ina'y anong masasabi?

Sa araw-araw ako'y umuuwi,

karga ang aking mga huli

Di ko inilagay ang bitag

sapagkat sa pag-ibig mo'y nabihag.

Grade 10 Filipino ModuleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon