Hi guys! Ewan ko kung topic nyo din to pero ilalagay ko na din para naman makareview tayo anywhere. Pag dala ang phone. Good luck, august 6-7 na ata exam natin! :))
A. Pastoral- ang salitang pastoral ay mula sa salitang Latin na "Pastor". Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at nagpapastol. Ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag ibig at iba pa.
Ang mga sopistikadong alagad ng sining ang sumusulat ng tulang pastoral na nagpapalagay at dinarama ang katauhan ng isang simpleng tao. Maaring pag-aralan ang tulang pastoral bilang:
a. Isang alegorya na gumagamit ng simbolismo
b. panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na maranasan ang pagtakas sa magulong buhay at madama pansamantala ang malaya at walang kaguluhang buhay.
c. Paglagay ng kumplikado sa simple
Sa pilipinas ito'y tulang nag-lalahad ng buhay-buhay sa bukid at papapahalaga sa gawain at pamumuhay sa bukid.
B. Elehiya- isang tula na pamanglaw na madaling kilala ayon sa paksa, gaya ng kalungkutan, kamatayan at iba pa.
Maaring ito'y pagdaramdam o kahapisan para sa isang minamahal, pamimighati dahil sa isang yumao o nag-aagaw sa buhay pa lamang na dahil sa kalungkutan ay pagnanais na ang maligayang araw ay agad lumipas.
C. Soneto- tulang may labing apat na talud-tud hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao may malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao. Sa kabuuan, ito'y naghahatid ng aral sa mambabasa.
D. Oda- Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang uri ng damdamin, walnag tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtud sa isang saknong. Nagpapahayag ang oda ng matayag na damdamin at kaisipan ng makata: sa matandang pahulaan, karaniwan ito'y isang awit ng papuri patungkol sa mga pambihirang nagawa ng isang dakilang tao, bansa o ano mang bagay (Buhay man o patay) na maaring papurihan sa pamamagitan ng pagtula.
E. Awit- Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag ibig, kabiguan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.Tinatawag na kundiman na layon kay Jose Villa Panganiban ay isang awit hinggil sa pag-ibig o palasintahan. Ito'y nilapitan ng tugutugin, karaniwang maikli at punong-puno ng pagsamo at paghulog sa isang sinisinta.
F. Dalit- Noong araw na ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya. Nabibilang rin sa uring ito ang tula ng pagmamahal at nakalugod na ang layunin ay nagdakila at pagpaparangal. Sa panahon ng mga espanyol ang dalit samba at dalit bansa ay tinuturing nang iisa dahil kilala ang dalawa sa taguring dalit. Ang dalit samba ay patungkol sa Diyos samantalang ang dalit bansa ay pagpapahayag ng pag-ibig at pagkadakila sa bayan.
BINABASA MO ANG
Grade 10 Filipino Module
CasualeFor all coming grade 10 and grade 10 for now. Just to help ya.