Ako ay Ikaw

7.6K 12 2
                                    

Ako ay Ikaw ni Hans Roemar T. Salum "Ako'y isang Pinoy, sa puso't diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako'y hindi sanay sa mga wikang banyaga, ako'y Pinoy na may sariling wika. Wikang Pambansa, ang gamit kong salita..." Hay, napakaganda sa pandinig ang awiting ito ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin. Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Manuel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin, at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Sa totoo lang, ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon. Patunay nito, sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa. Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Sa katunayan, ang wika ng kabataan ngayon ay tinatawag na Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga kabataan, ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong wika kung iyan ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang ating patuloy na pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong wika kung iyan ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang ating patuloy na pag-unlad.

Grade 10 Filipino ModuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon