Epiko Ng Gilgamesh

30.1K 67 30
                                    

Actually guys di ko kasi mahanap yung epiko kaya ang source ko e si Mr. Wikipedia, nilagay ko nalang dito baka sakaling makatulong.

Tabletang una

Ang kuwento ay nagsisimula sa pagpapakilala kay na hari ng . Si Gilgamesh na 2/3 diyos at 1/3 tao ay umaapi sa kanyang mga tao na umiiyak sa mga diyos para tulungan. Para sa mga babae ng Uruk, ang pang-aaping ito ay may anyong — o "karapatan ng panginoon" na makipagsiping sa mga bagong ikinasal na babae sa kanilang gabi ng kasal. Para sa mga lalake (ang tableta ay napinsala sa puntong ito), ipinagpalagay na ang mga ito ay pinapagod ni Gilgamesh sa pamamagitan ng mga laro, pagsusubok ng lakas o marahil ay pwersahang pagtatrabaho sa mga proyekto ng pagtatayo. Ang mga ay tumugon sa mga pagsusumamo ng mga ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang katumbas kay Gilgamesh upang lituhin ito. Ang mga diyos ay lumikha ng isang primitibong tao na si na natatakpan ng buhok at nabubuhay sa parang kasama ng mga hayop. Siya ay nakita ng isang tagapagbitag na ang kabuhayan ay nawasak dahil binubunot ni Enkidu ang kanyang mga bitag. Sinabi ng tagapagbitag kay Gilgamesh ang tungkol sa lalake at inihanda kay Enkidu para akitin ang isang . Ang pang-aakit kay Enkidu ni na isang patutot ng templo ang kanyang unang hakbang tungo sa kabihasnan at pagkatapos ng pitong araw ng pakikipagtalik sa kanya, siya ay nagmungkahi na ibalik siya sa Uruk. Samantala, si Gilgamesh ay nagkaroon ng mga panaginip na nauukol sa malapit na pagdating ng isang minamahal na bagong kasama.

Tabletang dalawa

Pagkatapos magsiping nina Enkidu at Shamhat, ang mga mabangis na hayop ay hindi na tumutugon kay Enkidu gaya ng nakaraan. Inihayag ni Shamhat na si Enkidu ay naging tulad ng isang diyos. Tinuruan ni Shamhat si Enkidu kung paano manamit at kung paano kumain. Sa pagkakaalam mula sa isang dumadaang dayuhan tungkol sa pagtrato ni Gilgamesh sa mga bagong kasal, si Enkidu ay nagalit at naglakbay tungo sa Uruk upang mamagitan sa isang kasal. Nang tangkain ni Gilgamesh na dalawin ang silid ng kasalan, hinarang ni Enkidu ang kanyang daanan at sila ay nag-away. Pagkatapos ng mabangis na paglalaban, kinilala ni Enkidu ang superior na lakas ni Gilgamesh at sila ay naging magkaibigan. Si Gilgamesh ay nagmungkahi ng isang paglalakbay sa upang paslangin ang kalahating-diyos na si upang magkamit ng kasikatan at katanyagan. Sa kabila ng mga babala mula kay Enkidu at sa konseho ng mga Matatanda, si Gilgamesh ay hindi pipigilan.

Tabletang tatlo

Ang mga matanda ay nagbigay ng payo kay Gilgamesh para sa kanyang paglalakbay. Dinalaw ni Gilgamesh ang kanyang ina na diyosang si na naghahanap ng suporta at proteksiyon ng diyos na araw na si para sa kanilang paglalakbay. Inampon ni Ninsun si bilang kanyang anak at si Gilgamesh ay nag-iwan ng mga instruksiyon para sa pamamahala ng lungsod ng D sa kanyang kawalan.

Tabletang apat

Sina Gilgamesh at Enkidu ay naglakbay tungo sa ng . Sa bawat ilang mga araw, sila ay nagkakampo sa isang bundok at nagsasagawa ng isang ritwal ng panaginip. Si Gilgamesh ay nagkaroon ng limang mga nakakatakot na panaginip tungkol sa pagkahulog sa mga bundok, mga kulog, mga mababangis na toro at isang ibong kidlat na humihinga ng apoy. Sa kabila ng mga pagkakatulad sa pagitan ng mga pigura sa kanyang panaginip at sa mas naunang mga deskripsiyon ni Humbaba, binigyang kahulugan ni Enkidu ang mga panaginip na ito bilang mga mabubuting omen at itinanggi na ang nakakatakot na mga larawan ay kumakatawan sa bantay ng kagubatan. Habang sila ay papalapit sa bundok Cedar, kanilang narinig si Humbaba na sumisigaw at kinailangang hikayatin ang bawat isa na huwag matakot.

Tabletang lima

Ang mga bayani ay pumasok sa Kagubatang Cedar. Si Humbaba na bantay-ogre ng Kagubatan Cedar ay uminsulto at nagbanta sa kanila. Inakusahan niya si Enkidu ng pagtatraydor at nangakong aalisan ng lamang loob at ipapakain ang kanyang laman sa mga ibon. Natakot si Gilgamesh ngunit sa ilang nakakahikayat na mga salita ni Enkidu, ang labanan ay nagsimula. Ang mga kabundukan ay lumindol nang may kaguluhan at ang langit ay naging itim. Ang diyos na si ay nagpadala ng 13 mga hangin upang itali si Humbaba at siya ay nahuli. Ang halimaw ay nagsumamo para sa kanyang buhay at naawa si Gilgamesh sa kanya. Gayunpaman, si Enkidu ay nagalit at hiniling kay Gilgamesh na patayin ang halimaw. Sila ay parehong sinumpa ni Humbaba at pinatay siya ni Gilgamesh sa pamamagitan ng isang suntok sa leeg. Pinutol ng dalawang bayani ang maraming mga Cedar kabilang ang isang higanteng puno na pinaplano ni Enkidu na hugisin sa isang bakuran para sa templo ni . Sila ay gumawa ng isang balsa at naglayag pauwi sa kahabaan ng kasama ng isang higanteng puno at ulo ni Humbaba.

Grade 10 Filipino ModuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon