Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkalikha Mula sa primebal na hayop na Gayomart na hindi lalaki at babae. Nagmula ang ikaanim na paglikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang banda, si Ahriman Mainyu na sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na wasakin ang lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd. Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin si Gayomard kaya nagpadala siya ng demonesa sa katauhan ni Jeh. Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si Mah. Mula sa binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang bangkay ay may tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman. At dito nanggaling sina Mashya at Mashyana. Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu. Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15 kambal na kumalat sa buong daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan. - Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
BINABASA MO ANG
Grade 10 Filipino Module
RastgeleFor all coming grade 10 and grade 10 for now. Just to help ya.