SAMANTHA
Umuwi akong nanlulumo at naguguluhan sa mga narinig kay Jhane ng magpunta ako sa condo nito para sana makita at makausap si Alrish. Alam kong hindi ako dapat magpadalos dalos sa paniniwala sa kanya cause after all she is still a stranger we barely knew.
But her story behind Graciella and Roxy is something I cant ignore. I knew Graciella from my girlfriend's stories back in States. She did not mention that the girl already died,and worse by accident.
Ang gusto kong iclarify is kung totoo ba ang paratang ni Jhane kay Roxy na ito ang pumatay dito.
I know I cant just run to Roxy and directly asked her about that, its possible for her to deny or pwedeng bluff lang yun na ikabigla pa nito at makasama pa sa kondisyon nya.
Tinanong ako ni ate Lindsay ng makita akong nasa bahay pero dire diretso lang ako umakyat sa kwarto ko , wala ako sa mood na makipag usap. Agad kong binagsak sa kama ang katawan ko at tumitig sa kawalan.
Hays anong gagawin ko ?
"Hoy, wala ka na bang tenga?". pumasok si ate sa room ko at hinampas ako ng hawak nyang pamaypay sa noo.
"Aray ano ba?". angal ko at umupo sa kama, eto at pinaiiral na naman nya ang pagkatigre nya. Hindi man lang sya marunong makisimpatya,kita ng wala sa mood ang tao eh.
"Tinatanong kita kung bat andito ka, Sino ang kasama ni Mia sa shop aber? alam mo namang naka off si alrish". naka pamewang at sunud sunod nitong tanong.
" Wala ako sa mood tumambay sa shop ate. I have a lot in mind so pwede ba? Iwan mo muna ako."padabog kong sagot dito saka humiga uli at nagtakip ng unan sa mukha.
"Lukaret ka talagang babae ka , may bago akong big client na pupunta doon para mag invest tapos iniwanan mo si Mia. Bwiset na to"at muli nya akong hinampas ng pamaypay, this time sa pwet.
"Go. Puntahan mo na wala ka naman ginagawa".
"May lakad ako sa isang branch ng coffee shop ko abnoy ka talaga. Isusumbong kita kay MOmmy pag di ka pumunta sa shop". gigil na gigil na banta nito.
"Oo na. Pero after today ayoko na pumunta sa jewelry shop mo ha?".tamad akong tumayo.
"At bakit?".
"Ayoko na munang makita si Alrish saka may aasikasuhin ako. Basta last na today, kahit magsumbong kapa kay mommy hindi mona ko mapapapasok". iyon lang at umalis na ako matapos syang irapan. Kaasar.
Habang daan ay naiisip ko si Alrish, pinag iisipan ko kung susubukan ko ba uli syang tawagan para magexpain at magpaalam na may kailangan akong asikasuhin kaya hindi na muna kami pwedeng magkita pero naisip ko din na sa sobrang galit nun baka nga ayaw nalang talaga nya ako makita.
Nagkibit balikat nalang ako at napag desisyunan na huwag nalang ipaalam dito ang plano ko. Siguro pag tapos naman ng lahat maiintindihan nya ako.
Isa pa, mabuti nadin talaga na hindi nya muna ako nakikita dahil wala pa akong napapatunayan, kailangan ko na ayusin ang gusot na meron samin para makapagsimula kami ng walang lamat.
Natapos and naiclose ko ang deal sa bagong investor ng golds ni ate. Isinantabi ko sa meeting na yun ang personal feelings ko, its business afterall. Alam kong in the future isa ito sa mga dapat ko ng makasanayan, ang mambola ng clients at pag aralan ang proseso ng investments. Hindi din biro ang mga business nila Daddy na nakaabang na maipasa sakin. Pasalamat na nga lang ako at malakas pa ang mommy at daddy kung hindi baka sinimulan na nila akong isabak sa mga negosyo.
Im making my way home driving my car ng mapahinto ako dahil sa stoplight. I unconciously looked at the left side of my window ng mapansin ko agad ang muka ni Alrish lulan ng isang black innova. Nakatingin ito sa harapan ng sasakyan pero tumatawa at payapa ang mukha.
BINABASA MO ANG
Still Into You (Ongoing)
RomanceGirlsxGirls a story about two girls who want to get over with their past relationship. A good closure is what they wanted in able for them to move forward. While in the process of it something triggers them. Kung ikaw ang nasa kalagayang nagmomove...
