CHAPTER 19

661 14 1
                                        


Alrish

After alot of silence di ko na kinaya so I finally tried to talk some sense pero ang lumabas lang sa bibig ko ay " Mauna na po ako matulog." Which causes them all to look at me approving expreesions.

dahan dahan na kong tumayo at bahagyang yumuko saka tuluyang umakyat sa hagdan paakyat ng kwarto.

Mabilis akong kumilos upang mag shower. Ugali ko na itong gawin bago matulog. Para na din macleanse ang utak ko at pakiramdam ko.

For about 20 minutes im all set and done. I make my way to the pavements where a single foam and a pillow are placed far from the bed really set just for me. Tumayo ulit pala ako upang kumuha ng blanket sa drawer na nasa kwarto saka muling bumalik sa foam.

I plugged my earphones and scroll down my music library then tap the song of paramore titled crushcrushcrush.

Di ko na namalayan na nakatulog ako. Para akong napasok sa kakaibang mundo. Sa mundo kung san nakahiga ako sa sahig habang may dalawang tao sa taas ng kama ang panay naglalampungan at naghahagikhikan. Masaya sila habang ako nakatingin lang. Naramdaman ko nag iinit ang mga mata ko. Ang bigat nadin ng dibdib ko. Nahihirapan na kong huminga. Parang di ko na kaya.

Tapos naramdaman kong tumayo akong kusa at binitbit ang unan at kumot ko pati ang phone ko saka lumabas ng kwarto. Wala akong paalam sa dalawang mga hitad na naglalandian na dire diretso lang ako at humiga sa sofa.

Hindi na pala ito panaginip. Totoo na palang bumaba ako dahil naalimpungatan ako sa ingay ng magjowa sa taas na nagkikilitian. Hindi din panaginip na nasasaktan ako. Buti nalang at wala ng tao sa paligid. Mga tulog na yata lahat.

Bakit ba affected pa din ako? Kahit pigilan ko naman wala akong magawa. Kusa kong nararamdaman ang sakit at inggit.

Na dapat ako ang kinikiliti nya. Na dapat ako ang tumatawa sa mga bisig nya. Ako ang dapat katabi nya sa kama. Ako dapat ang girlfriend nya at dapat ay sa akin sya.

Kasalanan ko naman ang lahat kung bakit sya nawala. Dahil hindi ko sya inintindi. Hinayaan ko syang mawala sa akin. Ako din pala ang mag sasuffer sa lahat ng ito.

Habang alam kong patuloy ko pa din syang minamahal ay tinitiis ko ang sarili ko para sa kaligayahan nya sa piling ni Roxy.

Pwede bang umiyak kahit sa huling pagkakataon? I should be singing and rocking because of the song pero kabaliktaran nito ang nangyari dahil andito ako sa sofa,nakahiga umiiyak at pinanggigigilan ang kumot sa pamamagitan ng pagkagat at pagpisil dito.

One last time okay? I just need to let it all go bago ko buksan ang panibagong chapter ng buhay ko. At iyon ay ang tanggapin ang katotohanan na hindi na babalik sakin si Sam. Wala ng kami.

Its just me,myself and i. Period.

-------------

Paulit ulit tila may yumuyugyog sakin para bumalik sa kamalayan. I want to sleep more my head and eyes are both aching . Madaling araw na kase di pa ko nakatulog kagabi. I want to protest and shoo ate Lindsay but she is too decided to wake me up.

"Morning sleepyhead. Wakey wakey. Lets prep for the picnic." Para syang nag uuga ng puno ng niyog kaya wala na kong magawa kundi bumangon. "Come on girl. 10 am na. Naka isandaang pic na yata ako sayo habang tulog ka . Kung bakit ba kasi dito ka natulog sa sofa."

"Im on it. Im in the process of waking up will you just. For a moment. Ugh. Leave me alone ate?". I make it sound irritated so she'll let me. Nagtalukbong din ako ng kumot para tantanan nya ko. Pero hindi gumana.

"Pag di ka bumangon Al. May pic akong iaupload wahahahahahaha". Evil laugh.

"WHAT?". Napabalikwas ako ng bangon. Sa tono ng masama nyang tawa ramdam ko ang masama nyang balak. "Anu na namang pic yan?".

Still Into You (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon