CHAPTER 15

694 10 0
                                        


Alrish

"May nakalimutan pa ba ko? Sunscreen. Check. Outfits. Check. Wallet phone charger headset make up check. Ahmmmm. Am i missing something?". Natataranta kong bulong sa sarili ko while checking my things. i can feel that im misising something. Ano ba yun di ko matandaan.

"Oo meron. Nasaan yung binili kong swimsuit para sayo? Yung terno tayong tatlo?". Biglang sumulpot mula sa likuran ko si ate Lindsay. Sinundo kasi nila ako sa bahay hindi na ako makahindi.

I almost forgot about the swimming kaya tulog pa ko ng dumating sila. Nakakahiya. Nag half bath na nga lang ako para mabilis. Pati si tito at tita naghihintay sa sala. Goodthing di pa nakapasok si mama at naaasikaso pa nya ang mga ito.

"Ahh. Oo nasa drawer.". Kinuha ko ang swimsuit sa drawer. Naalala pa talaga nya yun.

"Tara na Guys. Tatanghaliin tayo masyado." Sam signalled us making her way inside my room. Omg. Kakahiya. Ang kalat kalat pa ng room ko nag umpukan na sila dito.

"Ok tara na labas na". Tinaboy ko na sila bago pa makantyawan ang kwarto ko. Hindi ko na inalala kung ano pang kulang sa dala ko. Mas kailangang magmadali at nakakahiya kila tita.

Nagpaalam na kami kay mama at lumabas. Naghihintay na sa loob ng van si kuya Jas kasama ang girlfriend nya.

"Tabi na kayo ni Samantha sa backseat. Tabi nalang kaming tatlo nila mom and dad sa gitna". Sabi ni ate Lindsay na hindi na ko hinayaang umapila dahil sumakay na sa tabi nila tita.

"Una kana". Sam pointed the seat for me. This stunning girl. Bat nga ba ngayon ko lang napansin na napakasexy nya at walang wala ako sa outfit nya?

She's wearing a white crop top and trouser. Simpleng beach slippers at dark shades. No make up. Her hair is in a messy bun. Ganun pa man, She looks perfect. "Uy. Sakay na. Wag mo.kong titigan baka matunaw ako".

"Tse. Kapal ng muka". I gave her a deadly roll of an eye at umupo na ko sa loob ng van. Nakita ko namang nagngingitian lang ang mga tao sa loob dahilan para mag init ang mga pisngi ko.

"They can make a cute couple". Baling ng girlfriend ni kuya Jas kila ate Lindsay.

"I know. Bagay na bagay di ba?" segunda ni tita Marsha.

"You're blushing". Nangingiting sabi ni Sam. Hala. Totoo nga ba? Napahawak na tuloy ako sa pisngi ko.

"Hindi naman eh. Epal ka talaga". Sabi ko saka lumayo ng konti sa kanya dahil nadin sa hindi ako komportable sa pagkkadikit ng mga braso namin.

"Stop teasing her. BAka maging kamatis na yan dyan mamaya". nagtawanan muli ang mga nasa loob sa banat ni kuya Jas na lalo kong ikinainit ng mukha.

"Ok all set? Lets move". Then off we go.

Welcome soon Mailaya Beach. First time kitang mapupuntahan bilang pinakasikat na beach sa luzon.

Katahimikan. Bida talaga sya sa maraming scene pansin nyo? 😂 kidding aside. Si ate Lindsay nagpasak na ng headset sa tenga at pumikit. Si tita at tito ay magkasandal sa isat isa at pumikit narin. Si kuya Jas at ang gf nya ay mahinang nagkukwentuhan sa harapan. Si Sam naman busy sa pagpindot ng phone. Ako? Tunganga nalang muna sa bintana. Ganto kami mahigit isang oras na. Ang layo pala talaga ng pupuntahan namin. Nakakangawit sa pwet umupo.

"Pst". Narinig kong tinatawag ako ni Sam. Di ko sya pinansin.

"Uy". May kasama ng kalabit ngayon. Napakunot na ang noo ko. Ano na namang kaepalan ang pinaggagagawa nito?

"Al". Bulong nya sakin at nakalapit na pala sya sakin.

"Anu ba?". Bulong ko pabalik na masama ang tingin sa kanya. Umusog ako at nagitgit na ko sa bintana. Kung bakit ba naman kasi nya ako sinisiksik.

Still Into You (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon