CHAPTER 28

758 15 7
                                        

SAMANTHA

Good news for today? Hindi naman pala ganung kagalit si Alrish sakin. Plus? Wala ang asungot for a week. Sana mawalan na ng flight back sa pinas from france para di na sya makabalik. Hahaha.Plus plus? Pumayag nadin naman magpahatid at magpasundo sakin si Alrish.

Ganda points 3 times. Effective yung advice ng ate kong pandak woah. Kahit muntik na kong mahuli ni Alrish kagabi sa mga reunion kuno ko. Ayaw na kase ako halos pauwiin ni Roxy kagabi. Sinabi ko nalang nagagalit si mommy kaya pumayag. Nagpafake text at call pa ko kay mom para lang makauwi ako. Alas dos na nga ako nakauwi at si Al agad ang una kong tinawagan ng makauwi ako lahit alam kong tulog na sya.

Hindi ko lang talaga inasahan yung mga tanong nyang parang girlfriend na nanghuhuli. Buti nalang at hinayaan na lang nyang idrop ang topic.

Hindi ko din inasahan na masyado akong magiging obvious about sa nararamdaman ko to the point na tanungin ko sya kung tatanggapin nya ko if iniwan ko si Roxy. Para tuloy akong desperate masyado.

Pero ndrop ko naman ang topic na yun kaya lang parang lalo syang naasar nung tinigil ko . Nung tanungin ko naman sya kaninang umaga ayaw naman nyang magsabi Hm pabebe. Nevermind na nga lang atleast we are in good terms.

"Heart. Cupcakes galing dun sa coffee shop ni ate." Inabot ko ang paper bag sa kanya. Tinanggap naman nya at ngumiti.

"Thanks". Lang ang sabi nya at muling humarap.sa monitor.

"Oo nga pala. Nagtext sila Lorry sakin. Punta daw sa bar ni kuya Jas mamaya. Nag eemote daw yata si Aifa at nag aaya uminom." Sabi ko sa kanya.

"Ok ingat". She answered without looking at me. Kainis cold treatment na naman. Heller invitation yon hindi nagpapaalam lang.

"I want you to come po". Lumuhod ako sa gilid nya para lang sumama sya. Nag puppy eye pa ko para cute. Buti nalang naka.highwaist jeans ako kaya ok lang.

"Huy. Baliw. Tumayo ka nga dyan".

"Ayun naman. May paluhod luhod pa. Ano yan proposal? Ang babaduy nyo". Entrada na naman ni Mia. Di nalang ako nagpatinag gat di napayag si Al. Kahit deep inside natatawa na ko sa ginagawa ko at nasita pa ko ni Mia.

"Bitter mo Mia." Natatawang sabi ni Al. "Oo na tumayo ka na at sasama na ko mamaya". Hinayaan ko na syang alalayayan akong tumayo. Akala ko tatanggi pa eh.

"Wala naman si Jhane kaya wala ka namang excuse para di sumama eh. But then pinaluhod mo pa talaga ako bago ka umoo." May himig tampo akong binitawan para malaman nyang nagtatampo talaga ako.

"I never asked you to kneel. Stop that tantrums". Saway nya lang sakin at muling humarap sa monitor.

"Tamu nga kakasama mo kay Jhane naging ingleserang hilaw kana"

"Sam. I said stop. Or ill change my mind." Sungit. Para nalang aKong batang bumalik sa glass caBinet at naglinis linis kunware. Tatawa tawa naman si Mia habang pinapanuod kami. Nakapalumbaba pa nga sa tapat namin na parang enjoy manood ng sine. Itulak ko kaya to? 😬

Kagabi lang ang sweet tapos madaling araw galit tapos umaga ok na naman tapos ngayon beastmode na naman. Di malaman kung may mens ba o nag iinarte lang eh.

Ang bagal pa ng oras 3pm palang .. Mamayang 9 pa start ng party.

The rest of our afternoon remained silent. Alrish never threw a single look at me. Pakiramdam ko tuloy lalong naging mabagal ang oras. No flirting eh. Kahit si Mia mababakasan mo na sa mukha ang pagkabagot.

Nakaidlip yata ako ng bandang 6pm sa tabi ni Al sa table ng di ko namamalayan. Tinapik tapik nalang nya ko para magising ako. Nananaginip pa naman ako ng magkikiss kami tapos d pa natuloy. 10cm nalang naputol pa haha.

Still Into You (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon