Alrish
Dinala ako ni Jhane sa condo nya ng wala kaming maisip na mapuntahan, as for my work, nakapag paalam naman ako kay ate Lindsay at pumayag naman ito dahil weekdays naman at expected namin na hindi naman masyadong magiging matao.
Si Sam at si Mia lang ang naiwan sa shop pero hindi ako sigurado kung pumasok nga ba si Sam dahil last thing I knew andun sya sa bahay ng girlfriend nya.
Alam na kaya nito na kinausap ako sa phone ni Roxy? Kahit kasi sobrang sakit, umaasa padin ako na nagsisinungaling ang babaeng yun at magpapaliwanag sakin si Sam.
Baka naman naiwan nya lang ang phone nya pero hindi doon natulog si sam, hays who knows?
"Mind sharing your thoughts?" nakalapit na pala si Jhane sa akin ng di ko namamalayan bitbit ang dalwang baso ng orange juice na kinuha nya sa kusina.
Maganda ang condo nya, it speaks for herself. It speaks elegance and wealth. Meron pa syang indoor pool at jacuzzi , nakakalula din ang display nya ng mga mamahaling wine sa counter sa kaliwang parte ng jacuzzi. manghang mangha ako kanina pagpasok ko, inaya nya muna akong mag lunch bago mag unwind sa pool pero ng may tumawag sa intercom mula sa entrance at binaba nya ito ay naudlot ang pag order nya ng pagkain kaya juice na muna ang ibinibigay nya sakin.
Ayos lang naman din hindi pa naman ako gutom, isa pa okupado ang isip ko tunglol kay Sam. Alam kong dapat kong isantabi ito dahil kasama ko si Jhane at unfair naman dahil ako nga ang naunang naisip ni Jhane na puntahan pagka uwing pagka uwi nya tapos ay ganito.
"Wala, naisip ko lang kung ayos lang ba si Mia sa shop ngayon",sabi ko saka kinuha ang juice at uminom mula dito.
Huminga sya ng malalim saka naupo sa katabing chaise lounge na inuupuan ko."Si Mia ba talaga ang iniisip mo?." makahulugan nyang tanong.
"Oo nga. Sino nga pala yung pinuntahan mo sa baba kanina?"
"Wala naman, just one of Papa's amigo. He just asked how my flight was if nagka jetlag daw ba ako". sagot nya. "Uhm oo nga pala , we're having chinese food. I wanted you to taste my favorite dish from the best restaurant ive been before, baka half an hour andito na yon".
"Sige." sagot ko
"I know you have something in mind kaya ka ganyan. Share mo naman".
"Sino ang kasama mo sa picture? ang ganda nya",tanong ko kay Jhane ng mapansin ang malaking frame na nakasabit sa wall ng bar counter nya, napaka random pero para nadin makaiwas sa pangungulit nya.
"Ahh. Si Graciella yan, yung late girlfriend ko.". nakangiti nyang sagot habang nakatingin nadin sa direksyon ng picture.
"Yung namatay?".
"Oo."
"After nya wala ka na bang naging girlfriend?".
"Wala , matagal na din mula ng mawala sya pero im not able to heal. Siguro dahil sa hindi namin nakamit ang hustisya ng pagkamatay nya".malungkot na ang tinig nya ng magbaba ng tingin mula sa pag kkwento ukol kay Graciella.
Nakaramdam din ako ng lungkot sa sinapit nila. Imagine na mawala sayo ang taong mahal mo for life? Mas ok na sana kung nawala sya dahil sa sakit o dahil naghiwalay kayo pero yung maaksidente sya ang hirap tanggapin. Sa sitwasyon pa ni Jhane at Graciella hindi nila naipakulong ang nakabangga dito.
"Nalaman nyo na aksidente or its a hit and run case?",usisa ko
"They said it is the latter." she shrugged.
"That did not convince you kasi sabi mo nga hindi kapa healed".
"Yep." tipid nyang sagot.
Natahimik kaming dalawa at nanatili syang nakatingin sa paanan nya, awang awa akong nakatingin sa kanya pero wala akong magawa"Sorry for your loss". was all I can say.
BINABASA MO ANG
Still Into You (Ongoing)
RomanceGirlsxGirls a story about two girls who want to get over with their past relationship. A good closure is what they wanted in able for them to move forward. While in the process of it something triggers them. Kung ikaw ang nasa kalagayang nagmomove...
