Alrish
Home atlast. Hindi ko namalayan ang bilis ng byahe sa mga agam agam na nasa utak ko. We left at 6pm and arrived at my place at 12. Katabi ko sa 3rd row ng van ang magjowa. Mahimbing silang natutulog na magkayakap. Sweet no? Sarap bagsakan ng libo libong antik.
Pero ngayon Naguguilty ako. Para akong kumabit. Nagpadala sa tukso. Higad. Malandi. Kanina lang muntik ko ng ibigay ang sarili ko kay Sam. Without stopping her. Anung pumasok sa kukote ko?
Even though im convincing myself na dala lang iyon ng alcohol ay di ko pa din maiwasang maguilty. What if its only a trap to measure me? E di nakakahiya ako?
Pati si Jhane ay hindi kona naasikaso dahil sa mga nangyri. What the fuck is that ?
"Alrish. Sleep tight 'kay? See you tomorrow". Nagpaalam pa si Sam bago ako makababa ng van. Pang asar lang talaga? Tumango nalang ako at mabilis na pumasok sa bahay.
Madilim na at tulog na si mama. Ayoko na syang istorbohin pa kaya tahimik nalang akong pumasok sa kwarto ko at binalibag sa marumihan ang bag kong may laman na mga damit na nagamit ko sa out of town.
Pagkatapos kong magritual (halfbathing) ay humiga na ko sa kama at kahit gustuhin ko pang matulog na ay hindi ako dalawin ng antok dahil sa paulit ulit na pagpa flashback sa utak ko ng mga nangyari sa cabin.
Anong ibig sabihin ng mga ginawa namin ? ahh ang sakit na ng utak ko.
---------------
"GoodMorning Alrish. Kwento naman jan". si Mia.
Ano naman kayang gusto nyang malaman? E alam naman na siguro nya ang dapat maexperience pag nag outing. Enjoy relax chill un lang.
"Ang boss natin? Wala pa ba?". Iniba ko nalang ang topic at tinanong kung nasan si Sam. Nilagay ko na din ang bag ko sa table sa sulok since kadadating ko lang. Na.late pa nga ko dahil sa puyat at pilit ko din tinakpan ng concealer ang pamamaga ng eye bags ko..
"Ay. Di sinagot ang tanung ko? Hmp. Dumating na sya pero nagpaalam na may bibilhin muna. Bakit nga pala hindi ka nya sinundo?". Napaka usi talaga ng babaeng to. Kahit nagsusulat na sa log ng inventory nakukuha pang mag gossip sakin.
Pero nagtataka din ako. For the first time since she work here ay hindi nya ko sinundo sa bahay. Kaya nga din mas na.late ako eh kakahintay sa kanya
Wait. God may kinalaman ba dun ung nangyari kahapon? Baka naman nandidiri na sya sakin dahil iniisip nya gano ako ka easy to get.
Di ko naman ginusto ang naging reaction ng katawan ko doon.Pati number man lang ga ni Jhane ay hindi ko nakuha.Masyado kaseng naoccupied ang isip ko . Lalo na nung nakita kong pagbalik ni Sam sa tent after what happened ay binalewala na nya ako at naging mas extra sweet sya kay Roxy na para bang wala syang pakialam sa muntik ng mangyare samin . Well as for me, all I did was to hide what i felt and go on.
"Hoy ano ng nangyari sa muka mo? Para kang natuklaw ng ahas jan". Tinignan ako ng may pag aalala ni Mia ng hindi ako nakasagot sa tanong nya.
"Nothing. I think i just left something at home. Hindi ko lang maalala". Pagpapalusot ko nalang so she'll stop.
"Signs of aging sister. Masyado ka kasing seryoso sa buhay". Sabi nya at muling binalik ang atensyon sa inventory.
"Sinong tumatanda na?". From the sliding door umentra sa usapan namin si Sam kaya napatingin kami ni Mia sa kanya. May dala pa syang dalawang malaking paper bag.
"Eto si Alrish. May nakalimutan sa bahay na hindi matandaan. Napaka UL eh". Si Mia ang sumagot. Hindi din naman ako interasado sa topic kaya hinayaan ko na silang mag usap at pumunta na ko sa harap ng computer to start checking the mails.
BINABASA MO ANG
Still Into You (Ongoing)
RomanceGirlsxGirls a story about two girls who want to get over with their past relationship. A good closure is what they wanted in able for them to move forward. While in the process of it something triggers them. Kung ikaw ang nasa kalagayang nagmomove...
