CHAPTER 4: Unfortunate

491 32 8
                                    

All Chapters Edited...

N/A :

This Chapter is already edited as of April 2018 Please do comment and let me know any errors you'll notice. And I'm willing to know what you guys think. ฅ'ω'ฅ Thank you god bless.

**********************
Denise Pov

"Can I just back out and go home?" Maarteng reklamo ni Janel nasa orphanage Hall kami nung mga oras na iyon. Hawak nila ni Khate ang walis ting-ting, Si Jill naman ang nagtatanggal ng mga dekorasyon, Si Sydney naman ang namumulot ng mga disposable plate, cup, spoon and fork na nagkalat sa buong paligid. Habang ako naman inaayos ang upuan.
Katatapos lang kasi ng feeding Program para sa mga bata ng foundation at birthday celebration ni Sister Gloria kaya cleaning operation na naman kami ngayon.

"Pwede rin naman, tapos tumawid ka ng dagat languyin mo hanggang mapadpad ka na sa manila." Sagot ko kay Janel. Bigla napatawa sila Khate at Jill, Habang pailing-iling na pinipigilan naman ni Sydney ang pagtawa. >_< (*'∇`*)

"What is so funny? I'm serious! I really wanna go home." Halatang Badtrip na si Janel. Binitawan na nga ang walis ting ting na hawak niya.

"Tignan mo 'toh tinutopak ka na naman eh. Kung gusto mo nga umuwi ng manila makipagkaibigan ka sa mga lamang dagat. Malay mo may syokoy na willing tumulong sayo." Sabi ko ulit sa kaniya. Lalong lumakas tawa nila Jill.

Hindi ko alam kung anong masamang aura ng kalokohan ang pumasok sa isip ko at napagtitripan ko na naman ang kaartehan ni Janel.

"You guys are so much na! I hate you lalo ka na Denise! you're making fun with me." Nakabusangot ng sabi ni Janel. Ewan ba sa kaniya at tinopak na naman ng pagiging prinsesita niya.

"Gaga, Ikaw ang may sabing gusto mong umuwi. Ayon na ang tanging solusyon sa matagumpay na pag-uwi. Sa tingin mo meron pa bang iba?" Minsan talaga hindi ko mapigilan bibig ko. Siguro habang ipinapanganak ako ng nanay ko panay ang satsat. Napaisip si Janel at inis na napakamot kamot sa ulo niya.

"Ayoko na! I'm so tired na! wala naman bang mas magaan na gawin? yung I don't have to touch this dirty broom here" Maktol niya. Umiral na naman ang pagka-childish niya. Childish na maarte.

"Haay Naku, Janel kung ginawa mo nalang yan baka natapos ka na agad anu? puro ka kasi reklamo baka sa susunod na taon ka pa matapos niyan ang dami pang mga dahon dahon sa paligid oh." Si Khate naman iyon na nabibingi narin sa karereklamo niya.

"Saka halleeer... 9 days na kayong magkasama niyang walis na yan di pa ba niya nakuha loob mo?" Sabi ko saka ako bumalik sa ginagawa ko.

"Wala ka man lang bang masabing serious diyan, kaysa asarin mo ako." Asar na sabi niya sa akin.

"SERYus day" Sagot ko. Tonong visaya pa.

"Ay ewan kainis ka!" Kakamot-kamot paring sabi ni Janel. Tawa ng tawa sila Khate.

"Janel kung hindi mo tatapusin yang ginagawa mo, mas lalo lang madadagdagan yung punishment natin kapag nabigyan tayo ng hindi magandang record dito. Naiintindihan mo ba yun? OKAY, kaysa naman yung punishment sa St Mary sa Detention Room at pagsisilbihan mo mga ibang student during meal time. Gusto mo bang asarin ka lalo ni Chloe?" Mahabang litanya ni Sydney. Bigla nalang ulit pinulot ni Janel yung walis ting-ting at dadabog-dabog na nagwalis ulit.

Sino nga ba si Chloe?

Siya lang naman yung isa sa mga dahilan kung bakit kami andito ngayon sa Islang ito.

Unexpectedly Mr. Famous (Tagalog/English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon