Edited...
N/A:
This Chapter is already Edited as of April 2018. Please do comment and let me know how you think my lovely readers. God bless ฅ'ω'ฅ
*******
Sydney
"Aaaaahh!!"
Napasigaw nalang ako sa nakita ko.
M-mga engkanto ba nakikita ko? O isang engkanto na likha lang ng isip ko?
Oh diyos ko po! Nabagok na ata ng sobra ulo ko ng di ko namamalayan kaya kung anu ano na nakikita ko.
(º ロ º๑) ≥﹏≤ ╥﹏╥
Lalo pa akong napasigaw sa naiimagine ko na maari nilang gawin sa akin. Pero para silang nataranta sa pagsigaw ko ng bigla nalang takpan ng isang kung anong klaseng nilalang yung bibig ko, Yung nadaganan ko. Ano ba 'to nananaginip lang ba ako? Gusto ko ng magising!
〣( ºΔº )〣
"Syd!!....Syd!! A-ano nangyayari sa'yo diyan?!" Nag-aalalang tanong ni Jill sa akin. Pero di ako makasagot. Sisigaw nalang sana ako ulit kaya lang maguumpisa palang ako eh lalong diniinan ang pagkakatakip sa bibig ko nakasandal na ako sa dibdib niya.
"Ssssshhh.." Mahinang saway niya. Lalo akong nanginig ng maramdaman ko yung mainit na hininga niya malapit sa tenga ko. Pati paghinga niya ay nararamdaman ko sa likod ko. Pati tuhod ko nanginginig na.
Teka, h-hindi engkanto itong mga andito! 😨😭 t-tao tao sila. Yung pakiramdam palang ng braso na nakapalibot sa akin, yung tikas ng katawan na nakadikit sa akin. Obviously lalake ito. Hindi ko pa man naranasan na madikit sa lalake, alam kong lalake ito. Sa araw araw na ginawa ng diyos na puro babae kasama ko ngayon pa ba ako magkakamali?
Nanginginig na buong katawan ko. Para bang may isang kable ng kuryente sa katawan ko na nagumpisang sumiklab.
Oh diyos ko! papatayin na ako ng mga mga ito. Killer ba sila? takas sa kulungan?jusko ko baka rapist!
Lord iligtas niyo po ako.
"Syd?!! Bakit hindi ka nagsasalita?? Hoy! Natatakot na ako." Siguradong natatakot na siya. Kasi iba na yung tonation ng boses niya. Abah kung natatakot siya, anu pa kaya yung pakiramdam ko na andito sa ibaba at yakap ng kung sino at tinakpan pa ang bibig ko. Wag mo akong iwab dito Jill. Umiiyak na ako, pero di iyon marinig ni Jill.
"Syd!! Ano ka ba?! Ano ba 'to nasaan na ba yung flashlight?" Naririnig kong satsat niya mula sa taas at talagang taranta na siya. Nabitawan niya marahil nung mahulog ako.
"Syd! Ba-babalikan kita dito hah! Hihingi lang ako ng tulong! Syd?!"
Iiwan niya ako dito? Oh no! wag Jill pakiusap. Hindi parin ako makasagot. Hula ko pakamot-kamot narin ng ulo yun. Diri-dirityo na pagtulo ng luha ko sa takot.
Jill wag mo akong iwan sa mga ito!
Kung pwede ko nga lang isigaw, kaya lang wala talaga, hindi ko magawa. Nanginginig parin ako.
Maya-maya ay tahimik na sa taas. Nakaalis na marahil si Jill.
Biglang tinanggal ng yung palad niya sa bibig ko.
At dun napasigaw ako ulit
"Aaah!!! Aaaaaahhhh!!!" Nagsumigaw ako, habang yung luha sa mata ko tuloy parin sa pagtakas dito.
"Ssssshhh! Ssshhh!"
Pero di parin ako tumigil. Sumigaw ako ulit habang nakaupo sa putikan na umaatras ng kunti palayo sa kanila. Paanu ako makakaalis dito??
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Mr. Famous (Tagalog/English)
Fanfiction"Outdated Prisoners" yan na siguro ang akmang maitatawag kina Sydney, Jill, Khate, Janel at Denise. Pinili nilang pumayag sa lahat ng gagustuhan ng lola nila, including pumasok sa 'All-girls School' nito. Para lang hindi sila itakwil sa pamilya n...
