Cнapтer 12
Sydney
Kinaumagahan pinilit ko sila Khate na wag nalang munang sumabay ng breakfast kina Liam. Pabor naman sila sa bagay na iyon. Pero syempre super taka naman sila. Kaya tinatadtad din nila ako ng mga katanungan kung bakit.
😑 Ayaw ko lang kasing makita yung bwisit na lalake na yun.
Sino pa eh di yung si kulot.
Panigurado naman na kasi na sasabay na yun sa kanila. Inagahan naming umalis sa bahay ni Mrs. Howard. Sinigurado namin na mauuna kami sa kanila dito sa foundation. Alam narin naman siguro ng mga yun kung paanu magpunta dito.
Gusto ko rin makausap si Mrs. Howard, hindi ko palalampasin yung ginawa nung hudas na yun sa akin. Kailangan makaalis na sila dito.
Pero bago pa man ako kumatok sa opisina ni Mrs. Howard, pinigilan ako ni Jill.
"Anu gagawin mo?" Tanong niya.
"Kakausapin ko si Mrs. Howard." Sabi ko.
"Para saan? antayin mo nalang sila dito." Sabi niya saka ulit bumalik ng upo.
"May sasabihin lang ako sa kaniya."
"Kahapon ka pa ganiyan Syd, may problema ba?" Tanong naman sa akin Khate.
"W-Wala may gusto lang akong sabihin sa kaniya." Saka ako ulit kumatok. Magsasalita pa sana si Jill ng biglang marinig ko na ang mahinang boses ni Mrs. Howard.
"Pasok." Saka ko na binuksan yung pinto at pumasok sa loob. Isinara ko ang pinto.
Huminga ako ng malalim. Habang si Mrs. Howard naman ay may sinusulat sa note niya.
Mag-uumpisa na sana akong magsalita ng biglang.
"Kumusta na pala yung pasyente mo Syd." Tanong niya. Napalunok ako.
"A-Ahm... maayos narin po lagay niya ngayon. Madam." Sagot ko.
"Ma----
"Mabuti kung ganun, makakatulong narin siya dito sa foundation. Habang nanatili sila dito." Putol n Mrs. Howard sa sanang sasabihin ko.
"O-Opo." Napayuko ako ng kunti.
"May sasabihin ka ba Syd?" Tanong niya. Bigla akong napatingin sa kaniya. Ewan ko ba pero parang kinakabahan ako.
"A-Ahm.. O-Opo, Madam anu po kasi-------
Bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok si Sister Mona. Madam dumating na po si Sir Arcy. Biglang nanlaki mata ni Mrs. Howard pagkarinig sa pangalan saka siya napangiti.
"Nasaan na siya ngayon?" Tanong niya.
"Andun na raw po sa bahay niyo." Sagot naman ni Sister Mona.
"Sige, sige pupuntahan ko na siya dun. Mamaya nalang tayo magusap Syd. Hah. Dumating na yung kapatid ko." Tuwang tuwang sabi n Mrs. Howard.
Napatango ako. "O-Opo Madam." Napabuntong hininga ako. Hay, anu ba yan di ko na tuloy nasabi yung sasabihin ko kay Mrs. Howard. Habang inaayos ni Mrs. Howard ang gamit niya. Nagpaalam na ako sa kaniya.
Pagkalabas ko ng pinto, parang bigla nalang nanigas paa ko, kinabahan ako at kasabay nun ang matinding inis sa loob ko.
Ang hudas na kulot andito na pala.
Kararaтιng-raтιng lang dιn nιla Lιaм nυn ĸaѕaмa ѕι нarry ng yaвang.
Sιnaмaan ĸo ѕιya ng тιngιn.
Pero ѕιya ngυмιтι ng alanganιn.
Bιgla dιn aĸong υмιwaѕ ng тιngιn ѕa ĸanιya. More approprιaтe aѕ ιnιrapan.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Mr. Famous (Tagalog/English)
Fanfiction"Outdated Prisoners" yan na siguro ang akmang maitatawag kina Sydney, Jill, Khate, Janel at Denise. Pinili nilang pumayag sa lahat ng gagustuhan ng lola nila, including pumasok sa 'All-girls School' nito. Para lang hindi sila itakwil sa pamilya n...
