Chapter 29: Bunch of worries

359 23 11
                                        

N/A:  Barry Allen ng "The Flash" sinong nakakarelate sa akin? 😍😘😘😘 hahaha I'm 3 nights of no sleep. Ang galing.. My mind was fully blocked of so many things. Mind blowing Tv series as far as I know hahaha well for me. Love the story.

Yung mga silent reader ko po diyang salamat po kahit iilan lang kayo.. You made my day. I dedicated this to my bebe Dixie_Alexa.

Share lang po.. 😂

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖

🍃Syd🍃

"Isa kang malaking kahihiyan!" Sigaw sa akin ni Mom. Napaatras ako habang dinuduro niya ako at pinanlalakihan ng mata.

" Ilang beses ko ng sinabi sayo wag na wag mo akong ipapahiya sa Lola mo, pero ginawa mo parin!" Yung sigaw niya nanunuot sa pandinig ko. Habang ako walang imik na nakatitig lang sa kaniya. Di ako makapagsalita. Parang may kung anong bagay ang pumipigil sa aking mag-salita.

"Sana hindi nalang kita ipinanganak!  Sana hindi ko na nakilala ang tatay mo!" Kitang kita ko ang galit sa anyo ni Mom. Bakit ganoon?  Bakit binabaling ni Mom yung galit niya kay Dad sa akin. Naninikip na dib-dib ko. Gusto ko ng umiyak. Nanggigilid na luha ko. Sumisikip na dib-dib ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko... Pero unti-unti naiibsan yun.. Anong nagyayari? Ipinikit ko nalang mata ko para din ko na makita ang galit na mukha ni Mom. Sinusubukan kong huminga ng malalim... 

Pakiramdam ko may kung anong mainit na hangin ang dumadaloy sa lalamunan ko.

Pakiramdam ko mauubo ako..

Di ko na maigalaw buong katawan ko.. Sinubukan kong imulat mata ko.. Pero di ko nagawang ibuka ng maigi iyon.. Malabo na ang nakikita ko habang parang nakasilip lang ako sa sariling mata ko.

Ayaw kong makita ang galit na mukha ni Mom.

"Syd!" Narinig kong tawag niya pero di ako umimik.

"S-Syd! " Tawag niya hanggang maramdaman ko nalang na may mainit na lumapat sa labi ko. Hind ko alam kung ilang beses yun pero hindi ko alam kung anong nangyayari..

"Come on Syd! you can do it. Please stay." Mom told me. Nangunot nuo ko. Anong sinasabi ni Mom?  Kanina lang nagagalit siya tapos ngayon..

"Syd.. Come on!...  Come on!" Naririnig ko pang sabi niya habang parang pinupwersa yung dibdib ko. Anong nangyayari? Bakit parang nag-babago  boses at mukha ni MOm..?

... Hanggang sa..

Bigla akong matauhan..

At bigla kong naimulat mata ko..
Nanlaki mata ko pagkakita ko kay Harry na nakalapat ang bibig sa akin..sandali lang yun dahil bigla akong umubo ng malakas at may mga lumabas na likido sa aking bibig.. Napaiyak na ako at napakapit sa kaniya..

"Thank God Y-you're alive... " Nakahinga siya ng maluwag ng makita niya akong nagmulat ng mata. Hinahaplos likod ko habang patuloy parin ako sa pag-ubo...

Anong nangyari?

Bigla nalang nag-flash back sa isip ko yung huling nangyari kanina. Napaiyak na naman ako. Di ko mkontrol panginginig ng katawan ko. Natatakot parin ako.
Pero dali din akong natauhan ng marealize kong nakasandal na pala ulo ko sa dibdib ni Harry habang nakaupo sa buhangin.

Mabilis akong lumayo sa kaniya ng upo.  At nanginginig kong niyakap mga hita at binti ko. Habang pilit kong tinatakpan sarili ko. Nawala na pala blazer ko. Naka sleeveless nalang ako na sobrang nipis ng strap kaya nakikita yung itim na bra ko. Pinilit ko ding takpan mga binti ko. Naiinis ako na naiilang na di ko alam. Gusto ko lang umiyak ng umiyak..

Unexpectedly Mr. Famous (Tagalog/English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon