Chapter 28: Boat to the new start

247 21 11
                                        

N/A:

So sorry tagal ko pong di nagupdate. Wow ganda nung song ni Louis Tomlinson ngayon haha nahohook lang ako "Just like you and Back to you. " 😍😍😍 puro tuyo.. Charrr.. Love you guys..

Share lang po. 😁

💗💗💗💗💗💗💗

SYD

Siguro nga sadyang kalakip na ng buhay ko ang salitang kamalasan. Kahit kailan wala na akong nagawang tama. Kay Mommy, kay Lola, sa foundation, sa mga pinsan ko, sa lahat!

"This life is such a bullshit! Why do I have to go thru this! Kulang pa ba?!  Lahat naman ginagawa ko!  Kulang pa ba? " Kasunod nun hinayaan ko na lang na bumuhos luha ko. Baka sakali mabawasan yung bigat na nararamdaman ko. Si Lola sigurado madidisappoint na naman siya, Lalo na si Mom. Lagi niyang sinasabi sa akin dati na sumunod lang ako lagi kay lola na ayaw niyang ipapahiya ko siya kay lola kasi sa kaniya lang kami umaasa. Lahat naman ginagawa ko. Pero bakit ganun? Minsan kulang parin.

Dati may mga nakukuha akong medals sa dating school namin. Pero laging sinsabi ni Mom na di sapat yun para kay lola. She's so perfectionist to the point na kinokontrol na niya lahat ng galaw namin. Kaya lahat ng anak niya parang puppet na pinapagalaw lang din niya sa mga palad niya. Kaya si Mom ganun din ginagawa sa akin. Pero lahat sinusunod at ginagawa ko, minsan lang naman nagkamali pero lahat nalang sobrang mali, Bakit ganito?!

"S-Syd?" Napaigtad ako pagkarinig ko sa boses na iyon. Dali-dali kong pinunasan luha ko. At walang lingong likod na bumaba ng bangkang iyon at nag-umpisang nagtakbo-lakad sa ibang direksyon.

Alam ko kung kanino ang boses na iyon.

"Syd wait! " Tawag niya.
Si Harry yun. 

Pero di ko siya nilingon.
Nagulat nalang ako ng bigalng sumulpot nalang siya sa harapan ko.
Ang bilis niyang nakasunod sa akin.
Bigla din sumama timpla ng itsura ko pagkakita ko sa kaniya kaya dali din akong umiwas ng tingin sa kaniya habang patuloy parin ako sa paglalakad.

"Can we talk please.." Sabi niya. Di ko alam kung seryoso siya kasi di ko siya nilingon.

Di ko parin siya inimikan. Tuloy-tuloy lang ako.

"Hey... talk to me, say something." Bigla akong napahinto.
Pati din siya huminto din sa harap ko.

"LEAVE... ME.. A-LONE... Contented?." Galit na sabi ko habang nakatingin ng masama sa kaniya. Saka ko na siya inirapan at nagpatuloy lang din ulit sa pagtakbo-lakad. Nalagpasan ko na siya.

"Syd... Can you... Can you atleast listen to me..." Sabi niya ulit. And obviously nakasunod siya ulit sa akin. Wala akong planong makipag-usap sa kaniya kahit pa buong araw kaming maghabolan ditong dalawa.

Habolan??  😒

Biglang akong napailing sa biglang pumasok sa isip ko.

"Syd... I know your mad.. So please stop and just listen."

"There's nothing we need to talk about! . Go back in there and leave me alone." Mataas ang boses kong sabi sa kaniya. Bakit ba sobrang kulit niya?  Para saan pa ang pag-uusap na sinasabi niya?  Para ano?  Pagtawanan lang ako.. kami at ipagduldulan na sila ang panalo.
Narinig ko nalang din na tumakbo siya papalapit sa akin hanggang maunahan na naman niya ako.

Ginawa niya ulit yung ginawa niya kanina paatras siyang naglalakad ng mabilis para bang ako ang nakasunod sa kaniya.

"Syd... I'm sorry."

Di ko alam kung bakit pero ni di man lang pumasok sa isip ko na seryoso siya sa sinsabi niya. Ang alam ko lang puro sila kalokohan. Di ko parin siya iniimikan. Diritsyo lang ako.

Unexpectedly Mr. Famous (Tagalog/English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon