CHAPTER 7: Stranger

251 26 3
                                    

All Chapters are Edited...

N/A:
This Chapter is already Edited as of April 2018. Please do comment and let me know how you think my lovely readers. God bless ฅ'ω'ฅ _________________________________

🎸Khate

Kagabi hindi na nakabalik ng orphanage sila Sydney at Jill. Ang sabi lang sa amin ni Manang aksidenteng nahulog si Sydney sa tapunan ng basura. ^ω^ Halos matawa pa kami nila Janel nung pero nagworry din kami nung sinabi ni Manang na malalim yung hinukay nila Mang Ramon na hinulugan niya. Kaya naisip namin na nasaktan din si Syd. Late narin kami bumalik dito sa bahay ni Mrs. howard, kaya tulog na ng madatnan namin yung dalawa. Mausisa nga sila mamaya kung ano ang nangyari at lumanding si Syd malaking hukay.

Napalingon ako sa Alarm clock na nasa side table. Saka ako napatitig sa kisame. Maaga pa pala, Wala pang 7:30, sabi kasi nila Sister Gloria kahit mga 8 'oclock nalang daw kami magpunta ng foundation gawa nga ng 11:30 na ng gabi kami natapos kagabi. Can ypu imagine that? Bugbog na katawan ko 😭 Ni hindi na nga kami nakapag-linis ng katawan namin.

Umunat unat muna ako saka ako nagpakawala ng hikab. Hindi narin naman ako makatulog. Pumikit ako at napabuntong hininga.

Makaka-graduate pa kaya kami sa kolehiyo?

Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung dahilan kung bakit kami andito. At sana lang dumating yung araw magkaroon kam ng kalayaan. Sana naman malampasan namin 'to.

Huminga ako ng malalim saka ko inumpisahang tumagilid para umupo at mag-stretch ng kunti, Habang gumalaw ang mga paa ko sa ilalim ng kama ko at hinahanap ang flip flops ko. Agad-agad ko ring isunuot iyon ng maramdaman ko na iyon mula sa paa ko.

At dahil di ko narin maibalik ang tulog ko. Napagdesisyunan ko nalang na magluto ng almusal.

Teka! Si Denise in charge ngayon ah.

Napalingon ako sa hinigaan niya at bahagyang sumimangot sa kaniya.

Ayon nakanganga at tulo laway pa.

Wala talaga siya sa poise pag tulog. 😕

Tulog na tulog siya. Siguro sa panaginip nagdadaldal na naman ito. 😒

Napangisi ako at napailing ng biglang  makaisip ako ng kalokohan.

Picturan ko kaya 'to ^o^

Kaya lang baka bungangaan lang ako nito ng buong araw..

Wag na nga lang.. ≥﹏≤

Pero teka, kailan ba niya ako binungangaan?

Wala akong maisip kung kailan.

Napaangat ang sulok ng bibig ko dahil sa naalala ko.

Tumayo ako at diritsyong humarap muna sa salamin. Medyo nagulat pa ako pagkakita ko sa sarili ko. 😨

Kalat kalat na pala yung eyeliner ko. Para akong sinuntok ng sampung tao. Buhok kong nasa iba't ibang direksyon. Buhok kong sing-gulo ng ng buhay namin. Wow magic! 😥😒

Di ko na nagawang linisan sarili ko kagabi sa sobrang pagod sa foundation. Masisisi ba ako ng sino mang makita akong ganito? I rolled my eyes and lazily march behind the door.

Agad kong kinuha yung tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto at isinupbit sa balikat ko. Saka ako dumiritsyo sa C.r na meron kami dito sa kwarto namin. Minsan kasi tinotopak faucet dito. May mga pagkakataon na meron at may pagkakataon na wala. Sana lang talaga merong tubig dito para di na ako gagamit ng water pump. Nakakapagod din kayang umigib ng tubig. Humarap ako sa vasin na,may salamin at pinihit ang faucet. Una parang kay kumukulong ingay ang maririnig mula roon. Kasunod nun ay tubig na.

Ayos may tubig na!

Magtoothbrush nalang muna ako. Nilalagyan ko palang ng toothpaste yung toothbrush ko ng bigla nalang ulit mawala ang tubig.

Ay Luntian naman oh!!!

mahina ko pang pinatok-patok yung faucet baka magmiraglong maglabas ulit ng tubig.

Ilang patok pa, maya-maya ay naglabas din ito ng tubig. Ang kaso tulo tulo lang ang lumabas.

Ang saya ng umpisa ng araw ko 😦

kung aantayin kong mapuno ng tubig otong baso ko. Panigurado ubos oras ko nito.

Napagdesisyunan ko nalang na sa may likod nalang ako magtoothbrush at maghilamos muna ng mukha. Tamad na tamad akong lumabas ng C.R at naglakad hanggang sa pinto.

Humihikab pa ako ng buksan ko ang pinto. At saktong bukas din ng pinto sa tapat na pinto nitong kwarto namin.

('⊙o⊙') Bigla akong natigilan 😨 Nanlaki at namilog ang mata ko.

Bahagya ding nagulat yung taong  nagbukas ng pinto sa tapat pagkakita sa akin.

Namamalikmata ba ako.. ⊙_⊙

"H-Hi!" Bati nung lalakeng may dilaw na buhok at blue eyes. At rumehistro ng alanganing ngiti. Lalong nanlaki mata ko ng marealize ko na hindi ito malikmata kundi katotohanan.

Katotohanan na may lalake dito.

Dali-dali akong bumalik sa loob ng kwarto at ibinagsak pasara ang pinto.
Napasandal ako sa likod ng pinto.

Di ko namalayan nagising pala mga kasama ko sa ginawa kong pagsara ng pinto.

"Anong nangyari? Bakit ang ingay mo?" Tanong ni Jill na pakamot kamot pa.

"M-may l-lalake sa kabilang k-kwarto." Halos bulong na sabi ko.

"Ano? may lalake?" Tanong din ni Denise habang kinukoskos ang mata.

"And what do you mean? May inuwing lalake dito si Mrs. Howard?" Tanong naman ni Janel.

"Ewan... Siguro.." Tarantang sabi ko.

"Ano naman itsura? Matanda,bata?" Tanong ni Denise..

"Matangkad, na dilaw yung buhok tapos blue eyes tapos... Tapos... Hay ewan... Basta bakit may lalake dito?" Kunot nuong tanong ko. Nagkibit balikat sila. Maliban kina Jill at Syd na bahagyang nagtinginan.

May alam kaya sila tungkol dito?

*******

Sorry guys Short Chapter here
Wala na maisip eh

Tnx for reading my beautiful readers..

I just hope you can say anything.. anything..

(♡˙︶˙♡)٩(●˙-˙●)۶(♡˙︶˙♡)

Unexpectedly Mr. Famous (Tagalog/English)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon