MCL Chapter 9

283 7 2
                                    

Yuki's POV

Next day..

Monday..

Maaga akong pumasok ngayon for some reasons. Dami din kasing assignments eh. Si Angel kaya nakagawa na? Hay bahala siya. Speaking of Angel papasok kaya yun? Adik yun eh di man lang kinwento sa kin yung date nila ni Dan parang di kaibigan eh.

Speaking of Angel talaga. Ayan na siya. Buti naman maaga tong pumasok for sure wala pa tong assignments. Puro kasi Dan ang nasa isip niyan. Ewan ko ba diyan.

"Buti naman naisipan mong pumasok nang maaga" sabi ko sa kanya.

"Alam mo naman ang dahilan diba?" tanong niya. Anong ibig sabihin nito? Hay mangongopya na naman to.

"Nako alam ko na yan. DI pwede hirap kayang gawin nito" sabi ko sa kanya. Aba ano siya sinuswerte? Kwento muna niya sakin yung sa date nila ni Dan. Baka magbago pa ang isip ko.

"Dali na Yuki. Para di ka naman kaibigan eh" nagmamakaawang sabi niya. "Ikaw kasi eh puro na lang si Dan inaatupag mo. Pati assignments mo di mo magawa" sabi ko sa kanya. Bahala siya diyan.

"Eto naman. Diba gusto mo malaman kung anong nangyari sa date namin ni Dan?" aba hinahamon ako nito ah. Sabagay gusto ko rin naman malaman. Chismosa ako eh. HAHA

"Ano nga ba ang nangyari?" tanong ko. "Pakopya muna bago ko ikwento" sabi niya. Ang utak talaga nang babaeng ito. Di mo maisahan. Ano pa nga ba ang magagawa ko edi pakopyahin na. Tutal gusto ko din naman malaman yung sa date nila eh.

"Eto na nga. Kwento mo mamayang lunch ha. Lagot ka sakin kapag inisahan moko" pananakot ko sa kanya. "Salamat Yuki. Chika ko talaga sayo mamaya" sabay abot nang assignments sa kanya.

Maya-maya din dumating na din yung prof namin sa College Algebra. Hay nakakabobo talaga tong subject na to. Ewan ko ba kung bakit meron pa nito. Isa pa nakakantok magturo to. Halos lahat nang classmate ko nagdadaldalan lang kapag naglelecture siya. See ang boring diba?

Makalipas ang ilang subject namin. Sa wakas lunch break na. Ikukwento na din sakin ni Angel ang mga kaganapan sa date nila ni Dan.

"Tara na?" yaya ni Angel. Di naman siya excited sa ikukwento niya? Adik talaga to. "Sige"

"Start ka na" sabi ko. "Wait pwede? Bili muna tayo nang kakainin natin" hay bagal. Pabitin pa eh.

Pagtapos umorder pumunta agad kami sa dining table para magsimula na.

Habang kumakain. Kinwento na niya ang lahat lahat. Grabe pala si Dan may tama din kay Angel. Halata din naman kasi sa kinikilos nito eh. Ang saya saya tuloy ni Angel. MU na daw sila. Sus sana lang maging sila at sana wag siyang saktan ni Dan.

"Ang sweet naman pala ni Dan. Swerte mo may gusto din siya sayo. Ikaw na talaga girl" pangaasar  ko sa kanya. "Di ko nga alam eh. Sasagutin ko na ba? Tutal mahal ko naman siya eh. Bakit ko pa papatagalin?" sabi niya sakin.

"Abay depende sayo yun. Para sakin lang. Kung mahal mo naman. Go ka na. Pero kung di pa edi wait muna siya" advice ko sa kanya.

"Natatakot kasi ako eh" pangamba niya. "Ganyan talaga ang nagmamahal. Kakambal ng sakit. Sakit sa puso" advice ko ulit sa kanya. Hay ang kulit naman nito.

"Sige na nga. Mamaya magkikita kami eh. Siguro sasagutin ko na siya dun" masayang pagkasabi niya.

 "Boto ako para sa inyo. Tuloy mo lang yan. Sabihin mo sakin kapag pinaiyak ka niyan ha. Nako susugurin ko talaga yan. Kahit Captain pa yan nag SF Cheering Squad. Di ko siya sasantuhin" sabi ko sa kanya. Syempre concern ako kay Angel eh. Kaibigan eh. Natural lang naman yun sa magkakaibigan diba?

"Salamat talaga Yuki. Buti na lang may kaibigan ako na tulad mo. Salamat talaga" sambit niya. Syempre I'm always here for you. Kami dalawa lang naman ang magdadamayan eh.

"Wala yun. Friends tayo di ba? Syempre natural lang yun" sabi ko naman sa kanya. Buti na lang nakilala ko to. Kung hindi siguro loner pa din ako hanggang ngayon.

Chikahan lang kami nang chikahan hanggang magsimula na ulit ang klase.

Princess's POV

Boring today. Kanina pa text nang text si Dan pero di ko nirereplyan. Aba nagtatampo pa din ako sa ginawa niya. Nakailang missed calls din pero di ko din sinasagot. Bahala siya hanapin niya ko kung gusto niya.

Makapunta na nga lang sa SF Hall baka may ka-dance group ako dun.

SF Hall..

Good thing meron nga. Nagpraktis na lang ako nang ilang steps para sa training mamaya. Oo nga pala iisa lang ang place na pinagtetrainingan nang SF Cheering Squad at SF Dance Company. Yun ang name nang group namin. Hiphop ang genre nang sayaw namin kaya hiniwalay kami sa cheering squad.

"Ate Princess" tawag sa kin ng isang member nang squad. Mukang apprentice siya. "Yes?" sagot ko.

"Nakita niyo po ba si Kuya Dan?" tanong sakin nung apprentice. "Muka ba kong hanapan ng nawawalang tao?" inis na sagot ko sa kanya. Badtrip kasi ako kay Dan magtatanung pa siya. Edi yan nasungitan ko.

"Ay sorry po. Sige po" sabay alis niya.

Alam niyo ba kung bakit sakin niya hinanap si Dan? Alam kasi nilang lahat na boyfriend ko si Dan. Lakas kaya namin maka-PDA minsan. Minsan ako pa ang nagyaya.

Mahal ko siya eh. Hindi ako nahihiya na ipakita yun sa maraming tao. Ganun din naman siya. Kaya love na love ko yun eh. Kaso ngayon naiines ako sa kanya. Di man lang ako sinipot nung Saturday & Sunday. SIno ba ang hindi magagalit nun?

Dahil tinamad na ko. Umalis muna ako sa SF Hall. Makapglakad lakad muna. Baka mawala pa ang ines ko.

Paalis na sana ako nang biglang dumating siya.

Si Dan!

Hay sa dinami dami pa nang tao na makikita ko siya pa. Bwiset talaga! Di ko siya pinansin at nilagpasan ko lang siya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Bakit ba?" inis na sabi ko.

"May paguusapan pa tayo?" sambit niya. Seryoso ang mukha niya. Well I don't care.

"Wala tayong dapat pagusapan"

"MERON!" sigaw niya. Aba siya pa ang galit. Di ba dapat ako yun? Nakakaines ha.

"At ikaw pa ang may ganang magalit? Di ba dapat ako yun? Dahil mas pinili mo yang ginagawa mo kaysa sa akin" medyo paluha na ako. Pero pinipigilan ko. Ayoko magmukhang mahina sa harapan niya.

"Kung yun ang kinagagalit mo. Edi sorry na." sincere na pagkasabi niya. Bakit ba sa tuwing magsosorry siya nanglalambot ako. Ganito ko ba siya kamahal?

"Lagi ka na lang sorry nang sorry pero inuulit mo pa din" tuluyan na akong napaluha pagkabigkas ko nang mga salitang iyon.

Nagulat ako kasi di na siya nagsalita bagkus niyakap niya ako. Hinaplos naman niya ang mukha ko at pinunasan ang aking mga luha.

"Sorry na babe ha? Promise ko di na to mauulit?" sincere na sabi niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Mahal ko to eh di ko matiis.

Di na ko nakapagsalita dahil bigla na lang niya akong hinalikan. Di lang basta halik. A sweet passionate kiss came to the heart.

Isa lang talaga ang alam ko.

Sobrang mahal ko tong taong to. Kahit ano kaya kong isuko para lang sa kanya..

[AN:// VOTE.COMMENT&SHARE]

Princess at the side ------->>>>>

dearMayo13

My Cheerleader LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon