[Chapter 2]

66 4 0
                                    

Mika's POV

.

.

"Wala yun, tara!" sagot ko sa kanya.

Kinuha niya ang pagkain niya. At pumunta na kami sa pwesto namin ni Miguel.

Habang kumakain kaming tatlo. Tinatanong ko si Kate ng mga tanong na tungkol sa sarili niya.

"Kate saang school ka galing?" panimula kong tanong.

"Galing ako sa Royal Academy." sagot nya.

"Wow!pang-mayaman. Eh saan ka naman nakatira?" tanong ko pa.

"Saan ka pinanganak?"

"Sinong nanay at ta-"

Hindi ko na naituloy ang tanong ko sa kanya dahil nakita kong nakatitig lang sakin si Kate at Miguel, narealize ko na sunod-sunod na pala ang tanong ko at hindi pa nasasagot ni Kate ang pangalawa kong tanong.

"Ah eh hehe pasensya na madaldal lang talaga ako." nahihiya kong sabi kay Kate.

Napakamot ako sa ulo ko.

"Okay lang sanay ako." sabi niya.

Baka isipan niya na chismosa ako kaya tanong ako ng tanong.

Teka bakit parang tahimik tong si Miggy?

"Miggy bakit tahimik ka yata?" tanong ko sabay siko sa braso niya.

Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya.

"Siguro nahihiya ka parin kay Kate noh?!"bulong ko sa kanya.

Tinignan naman ako ng masama ni Miggy.

Tinignan ko ang mga kinakain nila at nakita kong patapos na silang kumain habang ang pagkain ko ay wala pa sa kalahati ang nababawas.
Tumahimik na ako at tumuloy na ako sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain. Nagthank you sa amin si Kate dahil isinabay namin siyang kumain.
Dahil mahaba pa ang oras ng lunchbreak, lumabas muna kami ni Bes para tumambay. Sinubukan kong yakagin si Kate na sumama samin sa tambayan pero she refused my invitation.

"Bes nahihiya ako kay Kate." Sabi nya sakin.

"Halata nga kaya noh, di ka man lang nagsalita ng kahit na isang word." sabi ko.

"Miggy pwede bang ilibre moko ng candy?" pagiiba niya ng usapan.

"Libre nanaman? hindi kana naumay sa salitang libre? first day pa lang pero nauumay na ako." sagot ko.

"Please?"

"Sige na nga isa lang ha?"

"Yes!"

Bestfriend ko talaga kahit candy lang masaya na.

Pagkalibre ko sa kanya ng candy bumalik na kami sa classroom.

Saktong pagpasok namin sa classroom ay nagring na ang bell.

Math na.

As usual wala din kaming ginawa.
Pinili ko na lang na umub-ob at matulog dahil na puyat ako kagabi.
Habang di Bes naman nakikipagkwentuhan sa classmates naming lalaki.

Nagising ako ng dahil sa may nambato sakin ng papel.

Nakakainis naman yung nambato sakin ang ganda pa naman ng napanaginipan ko.

Sabay kaming naglakad pauwi ni Miguel dahil nakasanayan na namin ito mula nung elementary pa lang kami. Nakakatuwa ngang isipin na kahit mayaman sila pinapayagan siyang maglakad ng mga magulang niya pauwi.

Pagdating ko sa bahay syempre sa kwarto ang diretso ko. Kinuha ko ang cellphone ko at humiga sa kama ko tinext ko si Bes.

"Anong ginagawa mo?" text ko sa kaniya.

"Nanunuod ng TV bakit?"reply niya sakin.

At hindi na ako nagreply. Boring din yun ka Text eh. Gusto ko lang naman kasi malaman kung anong ginagawa nya.

Pagkalipas ng ilang minuto tinignan ko ang cellphone ko at may 1 message. Binasa ko yun at inakala kong si Miggy ang nagtext pero....

"Mika..kumusta kana?" text sa akin ng isang unknown number.

Ano ba'to akala ko naman importante wrong send lang yata. Baka ibang Mika ang tinutukoy nito? Di naman kasi nagpakilala.

"Sino po sila?" reply ko sa nagtext na may unknown number.

"Anak, Mika! kakain na tayo!" tawag sa akin ni papa.

"Opo!" malakas kong sagot.

Pagkaupo ko, napansin kong tatlo lang ang plato na nakahain sa mesa.

"Hindi daw makakauwi ng maaga ang mama niyo." sabi ni papa sa aming dalawa ni Chazel.

Wala si mama kaya ako ang nagligpit ng kinainan namin. Okay lang yun wala naman kaming assignment.

Nawrong send lang nga kaya yung nagtext sakin kanina? Hindi na naman kasi nagreply sa text ko eh. Siguro nga. tanong ko sarili ko habang nakahiga na ako sa kama ko at handa ng matulog.

Pinatay ko ang lampshade. At in-off ang cellphone ko.

To be continued...

Bestfriends (On Hold/Re-Writing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon