[Chapter 4]

41 4 0
                                    

Miguel's POV

.

.

Nakatitig ako kay Mika masayang-masaya ang itsura niya, hindi ko alam kung bakit.

''Uhmmm...Bes?'' sabi ko sa kanya.

''Bakit?'' sabi niya habang nakatingin sa laptop.

''Kasi...nakalimutan ko may laro pala kami ng basketball nina Vince ngayon.''

Nakita ko na naging poker face sya.

''Huh?! Eh pano tong Project natin? Kailan natin tatapusin?"tanong nya.

''Pwede bang humingi ng Favor sayo?''

''Ano ba yun?''

''Pwede bang ikaw na lang gumawa ng project ko? magka-partner naman tayo eh.''

''Ang tamad mo ah! Pero sige na nga! Isend mo na lang sakin yung pictures mo, para madali tayo.'' inis ang tono ng boses nya.

''Yes!! Thank you! Thank you talaga Mikie!'' masaya kong sabi.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit pero, inalis agad niya ang pagkayakap ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.

"Ayy nako! wag mo nga akong yakapin dyan! Hindi libre yung pagpapagawa mo ng project ah! May kapalit to, akala mo sakin yaya mo?" inis parin sya.

"Sorry na. Promise kahit anong hingin mong kapalit bibigay ko." itinaas ko ang kaliwang kamay ko.

Niligpit na nya ang gamit nya. "Thank you Mikie! Ingat ka ah!" pagpapaalam ko sa kanya. Samantalang sya ay di man lang lumingon at umalis na. Maya-maya ay umulan ng malakas, bigla kong naalala si Mikie, naka-uwi na kaya agad yon? Dapat pala ay inihatid ko na sya.

Nagbihis na rin ako ng aking jersey. At nagpahatid sa aming driver papunta sa isang malapit na covered court. Pagdating ko ay nagsho-shooting na si Vince. Isa lang namang exercise game ang gagawin namin, dahil kaming dalawa lang.

~*~*~*~*~*~*~*

Nandito ako ngayon sa kwarto kasama ang aso kong si Em-em, dala siya ng kapatid ko kanina sa mall kaya hindi siya nakita ni Mika, sayang close na close pa naman sila nitong si Em-Em. 

''Sir Miguel?!'' rinig kong tawag sa akin ni Aling Celia.

''Bakit po?''

''Kakain na po Sir.''

''Okay po bababa na po ako.''

Pagbababa ko nakita kong nakaupo na si Mom at Dad sa harap ng Dining Table. Nilapitan ko sila at kinamusta ang kanilang araw.

''Mom, Dad, kumusta po araw niyo?'' tanong ko sa kanila. "Hi Mich!" bati ko pa sa kapatid ko.

''Well, ganun pa rin nakakapagod.'' sabi ni Mom.

"Hi Kuys!" bati sakin ni Mich.

''hmmm...tulad ng dati.'' sabi naman ni Dad.

Umupo na ako at kumain.Habang kumakain naitanong ni Mom kung kumusta daw ang aming project making ni Mika.

''Okay naman po? maaga ko po kasing pina-uwi si Mika, dahil nakalimutan ko pong may basketball game po pala kami ni Vince kanina.

''Paano ang project nyo?''

''Di ko nga po alam eh..'' hindi ko sinabi na magpapagawa ako sa kay Mikie.

Pagkatapos ni Mom si Dad naman ang nagtanong.

''Anak, bukas wala na akong masyadong gagawin sa opisina gusto mo golf tayo bukas ng hapon?'' tanong sa akin ni Dad.

''I'm not sure Dad eh, it depends, if we don't have assignments I will go with you but, if we have I will not.''

Bestfriends (On Hold/Re-Writing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon