[Chapter 6]

38 4 0
                                    

Mika's POV

.

.

Grabe nakaka-friendzone...

Syempre ngayong lunch kasabay ko si Bes kumain sa classroom. Kaya lang tumayo siya at lumapit kay Kate para yayain na sumabay sa aming kumain. Pumayag si Kate at umupo sa tabi namin.

''I smell something fishy!'' rinig kong sabi ng mga kaklase naming chismosa.

''Ano to? love triangle?!'' sabi pa nung isa.

''Wag mo na lang sila pansinin.''sabi ni Miguel kay Kate.

Bakit hindi man lang din niya ako sinabihan ng ganun?

Nakita kong nginitian ni Kate si Miguel.

Tingin ko invisible lang ako na pinapanuod ang kilig scene nila sa harap ko. Binilisan ko na lang ang pagkain ko at hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso ako sa Library para magbasa ng libro. Ito kasi ang way ko para makalimot man lang ng mga problema ko sa lovelife o kung saan man.

Niyakag naman ako ni Miguel na sumama sa kanila ni Kate pero...ayoko ng makita ang masasaya nilang mukha habang magkasamang naglalambingan.

*Rrrrrrrriiiiiiiiinnnnnnnnggggggg!!!*

Ang bilis talaga ng oras kapag may ginagawa. Hindi ko pa natapos basahin yung libro, kaya hiniram ko muna ito sa librarian. Bumalik ako sa classroom ng dala ang libro.

Pagpasok ko sa classroom nakita kong magkatabing nakaupo si Kate at Miguel sa sulok ng classroom at nag-uusap.

Nakakapagselos...pero alam kong wala akong karapatan na magselos kasi Bestfriend ko lang naman siya at Bestfriend niya lang din ako. Ang sakit!

Kung pwede nga lang na lumipat na lang ako sa ibang school pero hindi pwede, itong school lang na ito ang afford namin...ayaw naman nina Mama at Papa na sa Public School ako pumasok.

~*~*~*~*~*~*~*

''Hi Ma!'' bati ko kay Mama na nanunuod ng paborito niyang teleserye.

''Oh anak, bakit ang aga mo yatang umuwi ngayon?''

''Nagbiyahe na po kasi ako.''

''Nasan si Miguel?''

''Ayun, kasama ni Kate...yung nililigawan niya.'' pagkasabi ko nun tumaas na agad ako sa kwarto ko at nagbihis. Binasa ko ang librong hiniram ko sa librarian dahil, hanggang bukas lang ng umaga ang paalam ko dito. Pagkatapos kong magbasa ng libro, ginawa ko naman ang sandamakmak kong assginments. Ang sisipag kasing magbigay ng assignments ng mga Teacher namin. Tsk !Pero atleast pampalipas oras din 'to.

Buti nakaya ng powers ko yung mga assignments kaya natapos ko agad. Bumaba ako para tulungan si Mama na magluto ng hapunan namin. Ito ang epekto sa akin ng pagiging Brokenhearted...nagiging masipag o di kaya gusto ko laging may ginagawa.

Eksaktong pagdating ni Papa ay nakahanda na ang mesa. Tinawag ko si Chazel para kumain. Umupo na kami sa harap ng lamesa at sabay-sabay nagpray. Syempre dapat magpasalamat tayo sa Diyos dahil kahit papaano may makakain kami ngayong gabi kahit na laging sawi sa pag-ibig.

Dahil by schedule na ang pagliligpit namin, si Chazel ang naka-assign ngayon kaya tumaas na uli ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop namin para magyoutube at manuod ng music videos ng 1D, mga songs kasi nila ang nagpapaganda ng mapapangit kong araw. Habang nakikinig ako ng kanta ng One Direction binuksan ko sa New Tab ang Facebook account ko. May nagfriend request at ang daming notifications. Nagulat ako ng makita ako ang nagfriend request sa akin...si Kurvie Ocampo ang ex-boyfriend ko, pwede ko rin siyang tawagin na First Love ko pero ang lalaking nanakit sa akin ng sobra. Sa pagkakatanda ko...inunfriend ko siya nung araw na yun...

-Flashback-

Naging kami ni Kurvie nung 2nd year highschool kami. Nagkakilala kami dahil sa get together ng mga magulang namin sa Tagaytay. Niligawan niya ako for almost 4 months....pinayagan na ako nina Mama nung time na yun magboyfriend dahil may tiwala naman sila sa pamilya ni Kurvie at lalo na kay Kurvie syempre. Ang sweet niyang maging boyfriend pero kahit nung getting to know each other pa lang kami ganun na din siya ka-sweet, kabait at ka-concern sa akin pero ang pinakanagustuhan ko sa kanya ay ang sarap-sarap niyang kasama at kausap.T umagal ng 9 months ang relasyon namin pero pagkatapos ng 9th monthsary namin sinabi niya sa akin na hindi na niya ako mahal at may iba na siyang mahal, sinampal ko siya pagkasabi niya ng mga salitang yun....syempre ang sakit-sakit kaya nun...lumupagi ako sa damuhan at humagulgol ng iyak, umalis siya sa harapan ko pero bago siya umalis ay nagsorry siya sa akin. Pero anong magagawa ng sorry niya? makakaalis ba yun ng sakit?! Pagka-alis niya sa harapan ko ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Nung araw na yun akala ko mamamatay na ako dahil sa sakit na nararamdaman ng buong katawan ko lalo na ng puso ko pero mali pala ako, unti-unti kong nakakalimutan ang mga sakit nararamdaman ko dahil kay Miguel siya yung laging nasa tabi ko kapag iniiyakan ko si Kurvie.

-End of Flashback-

Dinilete ko ang friend request niya sa akin dahil galit parin sa kanya.Oo, inaamin ko na bitter ako pagdating sa kanya .Sino ba namang hindi magiging bitter sa taong nanakit sayo ng sobra?

To be continued...

Bestfriends (On Hold/Re-Writing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon