Mika's POV
.
.
Nagising ako dahil sa nakabibinging ingay ng alarm clock ko, tinignan ko yun at nakita kong 6 o'clock na. Agad akong napabangon sa kama ko dahil malelate na ako sa first day of school.
"Ma!bakit hindi mo ako ginising?" sabi ko habang bumababa ng hagdan.
"Hindi kita mapuntahan sa kwarto mo, inaasikaso ko ang kapatid mo." sabi ni mama habang inaayusan ang kapatid ko.
Binilisan ko ang pagkilos ko para umabot ako.
Buti mabilis akong kumilos kaya pinapasok pa ako nung security guard namin sa school.
Pagpasok ko sa gate, hinanap ko pa ang new classroom namin.
Naghanap ako ng bakanteng upuan at nakakita ako sa bandang likod ng classroom.
Inilapag ko ang bag ko at umupo ako.
Nakita ko si Miguel na papalapit sa akin.
"Ano ba yan Bes first day of school late ka....tsk tsk tsk!" pang-aasar sakin ni Miguel.
"Eh ano naman ngayon?!" bawi ko naman sa kanya.
"Buti magkaklase tayo noh?" tanong niya sakin.
"Hahaha!oo nga eh buti hindi ako napalipat sa star section noh?!" sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Magiging alone ako dito kapag nangyari yun." sabi niya at naging malungkot ang mukha niya.
Nag-ring na ang bell na hudyat na maguumpisa na ang klase.
First day of school ngayon kaya for sure wala pa kaming masyadong gagawin.
First two subjects namin wala kaming ginawa kundi magintroduce ng sarili namin sa unahan ng klase, kahit magkakakilala na kami, may isa lang kaming transferee.
Isang babae ang ganda niya parang manika, siya si Kate Cruz, pangalan pa lang halatang mayaman na.
Niyakag agad ako ni Bes na pumunta sa canteen gutom na gutom na daw siya."Bes pwede bang ilibre moko ng hotdog sandwich?" tanong niya
"Wala kana agad pera?!" tanong ko sa kanya.
"Wala na eh bumili kasi ako ng biscuit kaninang umaga, nagutom agad ako eh hehe." sabi nya na parang nang-aasar.
Wala na akong nagawa kundi ang ilibre siya. Wala ka talagang magagawa kapag may patay-gutom kang bestfriend.
Pero thankful na rin naman ako dahil nagkaroon ako ng bestfriend na tulad niya na mabait, palabiro, masarap kasama, at maintindihin....pero di maipagkakaila na gwapo tong si Bes.
Pagkabayad ko sa mga pagkain na binili ko pumunta kami ni Bes sa dati naming tambayan. Sa tambayan naming to kami lagi nagkukulitan. Sa ilalim lang naman ng puno ang tambayan namin, sa gilid ng open basketball court sa likod ng school namin.
"Eto na yung hotdog sandwich mo!" sabi ko sa kanya habang nakasimangot.
"Thank you Bes!ang bait mo talaga!kaya love na love kita eh!" sabi niya habang ngiting ngiti na nakatingin sa sandwich niya.
"Bes anong tingin mo kay Kate?" tanong niya sa akin.
"Huh?panong tingin?" gulat kong tanong sa kanya.
"Mabait kaya siya?" tanong niya uli.
"Bakit type mo noh?!" tanong ko sa kanyang may halong pang-aasar.
"Hindi kaya noh?!nagtatanong lang type na agad?hindi ba pwedeng curious lang?" sagot niya naman.
"Sa tingin ko mabait siya at matalino." sagot ko sa tanong niya.
"Edi kung ganun magkakaroon kana ng kalaban sa ranking?" sabi niya.
"Sa tingin ko mas matalino ako sa kanya." pabiro kong sagot.
"Yabang ah!" tinawanan nya lang ako.
Bumalik na kami sa pagkain.
Lagi kaming ganito tuwing recess at kapag lunchbreak. Sana lagi na lang ganito. Yung masaya, lagi kaming magkasama..sana wala nang magbago. Sana matanggap ko na hanggang sa pagiging bestfriend na lang nya talaga ako.
Bumalik na kami sa classroom dahil malapit na magbell.
Krinnnnggg!hudyat na mag-uumpisa na ang klase namin.
Dumating na ang magiging teacher namin sa English. Bagong hire ng school ang Teacher namin kaya nag-introduce lang uli kami infront of the class. Pagkatapos nun nakipagkwentuhan sa amin ang aming new subject Teacher na ang pangalan pala ay Ms.Ella Salazar. Pagkatapos niyang makipagkwentuhan sa amin pinagpasa niya kami ng 1/4 sheet of paper na may pangalan namin.
Science na. At dahil kilala na kami ng aming subject Teacher. Wala kaming ginawa.
Tumabi sa akin si Miguel at dahil wala pa kaming permanent sit kaya ok lang ngayon na lumipat kami ng upuan. Nagkwentuhan kami tungkol sa naging bakasyon namin, dahil hindi nga pala natuloy ang family vacation namin kasama ang pamilya ni Miguel dahil nagkaroon ng emergency sa lola niya.
Mabilis na lumipas ang oras kaya nagbell na para sa lunchbreak.
Ngayong lunchbreak sa classroom kami kakain.
"Bes walang kasamang kumain si Kate oh, tara yakagin nating sumabay satin." yakag ko sa kaniya.
"Ikaw na lang nahihiya ako." sabi niya sakin.
Tumayo ako at nilapitan ang nag-iisang si Kate.
"Kate gusto mong sumabay samin sa pagkain?" tanong ko sa kanya.
"A-ah sige, thank you sa pag-aalok ha." sagot niya
"Wala yun,tara!" sagot ko sa kanya.
To be continued....
Sana po mag-vote kayo.
BINABASA MO ANG
Bestfriends (On Hold/Re-Writing)
Fanfic"A bestfriend is like a four leaf clover, hard to find but lucky to have." Totoo kaya ang kasabihang ito matapos niyong masaktan ang isa't-isa? Ito ay kwento ng tatlong magkaka-ibigan na iba't-iba ang mga pinagdadaanan.Sa lahat ng mga kwento dapat...