[Chapter 18]

18 2 0
                                    

Mika's POV

.

.

"Mika!Chazel!Mag-ayos na kayo ng mga dadalhin nyong damit para sa pag-alis natin bukas!" pasigaw na utos sa amin ni Mama. Bukas na nga pala ang alis namin papunta sa isang mamahaling resort sa Batangas kasama namin ang pamilya nina Miguel at ang sabi ni Mama kasama daw yung Tito ni Miguel at yung totoong anak nito. Iniiisp ko tuloy na huwag ng sumama pero nakakahiya kina Tita Celin at Tito Michael, sila ang nagdecide at nag-asikaso sa outing namin.

Oo nga pala umuwi na si Tita Vivian sa probinsya para doon na magbakasyon kina Lola, at para makasama ang mga anak nya, dun na sya manggagaling sa pag-alis nya.

Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang isang color pink na duffel bag sa drawer ng cabinet, hindi naman kami masyadong magtatagal doon, okay na siguro ang ganito kalaking bag. Nag-umpisa na akong maglagay ng mga dadalhin kong damit at gamit sa bag. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalagay ng gamit sa bag nang may narinig akong irit na nanggaling sa salas. Bakit nitong mga nakaraang-araw lagi na lang may umiirit? sa malamang ay si Chazel nanaman iyon at nanunuod lang ng videos ni Vince.

"Ate!Ate!Mama!Papa!" rinig kong tawag ni Chazel. Iniayos ko muna ang mga gamit na nasa loob na ng bag at nagtagal pa saglit sa loob ng kwarto ko saka iritadong bumaba.

"Oh?!Bakit ba?nag-aayos ako ng gamit doon eh!" sabi ko habang pababa ng hagdan at kumakamot sa ulo dahil sa pagka-irita. Natigil ako ng makita ko si Chazel na katabi si Vince sa sofa habang si Mama at Papa naman ay nakatingin sa akin na parang may hindi ako sinasabi sa kanila. Mabuti na lang at maayos ang suot-suot kong pambahay ngayon.

"V-Vince bakit nandito ka?Kanina ka pa?" tanong ko na may gulat na ekspresyon sa mukha.

"Naisipan ko kasing bisitahin ka, di na kasi kita naii-text o chat man lang. Ngayon-ngayon lang ako." nakangiti nyang sabi. Si Mama't Papa naman ay nakatayo parin doon sa sulok habang pinapanuod kami ni Vince. Habang ang kapatid ko naman ay nakatitig lang kay Vince.

"Dapat nagtext ka muna sakin na pupunta ka dito samin. Nakakain kana ba ng lunch?" umupo ako sa tabi niya.

"Hindi pa. Sa totoo lang yayayain sana kita na kumain ng lunch sa labas, kung okay lang sa Mama at Papa mo." napabaling sya ng tingin kay Mama at Papa. Ngumiti naman si Papa at si Mama ay nag-thumbs up pa.

"Close na agad kayo?" pabulong kong tanong sa kanya.

"Ah. Hehe" ngumiti sya ng parang nakakaloko at kumamot sa likod ng ulo nya.

"Kuya Vince pwede po ba akong sumama sa inyo ni Ate?" tanong ni Chazel. Sasagot na sana si Vince ng biglang "Anak, hindi mo pa naaayos yung gamit mo." sabi ni Mama. Napasimangot si Chazel at tumaas sa kwarto nya.

"Mag-aayos lang ako ha." sabi ko sabay turo sa kwarto ko at tumayo na. Tumango naman sya. Pagakataas ko ay nakita ko si Mama na tumabi kay Vince at kinausap ito.

Pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis, nagsuot lang ako ng printed black t-shirt, jeans at black flat shoes. Kinuha ko ang nakasabit na white sling bag sa likuran ng pintuan ng kwarto ko at inilagay doon ang mga personal kong gamit saka isinakbit ito sa balikat ko. Humarap ako sa salamin para ayusin naman ang buhok ko. Di nagtagal ay bumaba na rin ako. Nang makita ko si Vince ay wala na syang kasama doon at hawak-hawak ang cellphone niya. Napatayo siya ng makita ako.

"Ok kana?" tanong niya agad sa akin.

Tumango lang ako. "Magpapaalam lang ako." hinanap ko si Mama at nakita ko sila sa kusina na may pinag-uusapan.

"Ma. Aalis na po kami" bigla silang natigil at lumapit sa amin.

"Sige anak. Ingat kayo ni Vince ha." nakangiting sabi ni Mama at siniko si Papa. "A-ah o-oo, Vince ingatan mo ang anak namin."

Bestfriends (On Hold/Re-Writing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon