[Chapter 8]

37 5 1
                                    

Miguel's POV

.

.

Last Grading na para sa taong ito kaya di na pwedeng papeteks-peteks na lang kami.Kaya nga hindi na kami masydaong nakakalabas ni Kate, pero malapit na namang magbakasyon kaya okay lang.

"Okay class next monday na ang 4th Periodical Examination niyo, kaya this week puro discussion ang gagawin niyo sa lahat ng subjects at asahan niyo na rin ang mahihirap na questions sa test papers niyo."pagbibilin ng Teacher namin.

"Yung mga requirements niyo para sa clearance niyo dapat niyo din yun asikasuhin, eh nakapasa nga kayo sa exams kulang naman requirements niyo....edi wala rin."pagpalatuloy pa ng Teacher namin.

Habang mga classmates ko ayun namomroblema na.

Mabuti na lang, konti lang yung kulang ko sa requirements namin, siguro dalawa o tatlo lang?

Nabaling ang tingin ko kay Kate na nakaupo sa harapan ko at nakahawak sa ulo niya, kinulbit ko siya at itinanong kung ilan ang kulang niya.

"Dalawa lang."sagot niya na may halong pag-aalala.

"Okay lang yan ako nga eh hindi sigurado kung ilan ang kulang ko."sabi ko sa kanya para kahit papaano hindi na siya mag-alala.

"Si Ms.Villanueva lang ang nakakumpleto ng requirements sa inyong lahat. Mukhang siya lang din ang makakapag-review ng maayos. Sige Goodluck na lang sa inyong lahat."

"Class dismiss."pagkasabi ng Teacher namin ng dalawang salitang yun ay agad akong napatingin kay Mika, nakumpleto nga niya yung requirements para sa clearance pero grabe sa lungkot tignan yung mukha niya. Siguro may problema talaga si Bes. Hindi pa nga pala kami uli nakakapag-usap ni Mika mula nung ligawan ko si Kate.

"Tara na sa canteen...uy!"nagulat ako ng magsalita si Kate at gulatin ako.

"Ah o-oo, tara na nga."sagot ko.

*~*~*~*~*~*~*~

Habang kumakain kami ng sandwich na binili namin sa canteen, napapa-isip parin ako kung bakit bigla na lang naging ganun si Mika, ang hirap isipan na dati sobrang masayahin at makulit siya tapos ngayon ni hindi na siya ngumingiti, kahit makipag-usap sa seatmates niya hindi niya na rin ginagawa. Naririnig lang namin ang boses niya kapag tinatanong siya ng Teachers namin or kapag may activities.

"Uy!"sigaw ni Kate sakin na ikinagulat ko naman.

"Oh?!"sagot ko ng pasigaw dahil sa gulat.

"Bakit ba kanina ka pa tulala?ayan tignan mo yang sandwich mo pinapapak na ng mga langaw."sabi ni Kate.

Napatingin ako sa sandwich ko at nakita kong ang dami na ng langaw na nakadapo sa sandwich ko.

"Ano ba yan...mga bargas na langaw...may iniisip lang kasi ako."sabi ko at tumayo para itapon sa basurahan ang sandwich ko na pinapak na ng mga langaw. -.-

"Eh ano naman yun?" tanong niya habang pabalik ako sa tabi niya.

"Tungkol kay Mika." sagot ko na may halong lungkot.

"Ako nga rin eh, nagtataka sa biglang pagbabago niya."

"Oh siya sige na...change topic na bago pa tayo mahawa sa kanya." pagbibiro ko para maiba na ang usapan.

"Ang bad mo." sabi ni Kate sakin.

"Ubusin mo na yang sandwich mo, para makabalik na tayo sa classroom."

"Eto na po..."sabi niya habang mual na mual na ngumunguya.

"Oh!baka mabilaukan ka, dahan-dahan nga lang."pag-aalala ko.

Habang nginunguya niya ng dahan-dahan ang pagkain na nasa bibig niya ay naglakad na kami pabalik ng classroom.

*~*~*~*~*~*~*~

Hindi muna kami umuwi ni Kate, dahil naisipan naming pumunta muna dito sa library para gawin ang mga requirements namin sa clearance. Malapit na kaming matapos, pero kailangan na naming umuwi dahil mag-aalasais na ng gabi at pauwi na ang guard ng school.

"Tara na. Baka makauwi na si Kuya Elmer." pagyayaya ko kay Kate. Agad naman niyang nilikom ang gamit niya at tumayo.

"Tara."

Lumabas na kami sa library at nilock ang pinto. Lumapit kami kay Kuya Elmer na nakaupo sa tabi nggate para ibalik ang susi ng library.

"Kuya Elmer, eto na po yung susi....salamat po."pagkabigay ko kay Kuya Elmer ng susi ay lumabas na kami ng gate at naglakad pauwi.

*~*~*~*~*~*~*~

Buti hindi kami napagaljtan ni Tita at Tito ng ihatid ko si Kate dahil 6:20pm ko na naihatid si Kate sa kanila.

Ako naman 7:35pm na nakauwi dito sa amin, dahil dumaan pa ako kina Mika para sana kausapin siya, pero sabi ni Tita nagrereview daw kaya hindi ko na lang siya kinausap at baka maistorbo ko pa siya.

Kumain muna ako at nagreview saglit. Tinext ko muna si Kate para mag-Goodnight at natulog na rin.

To be Continued...

Bestfriends (On Hold/Re-Writing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon