[Chapter 13]

33 3 0
                                    

Mika's POV

.

.

Malapit nang matapos ang School Year kaya sarap buhay na lang kami-- yung mga kumpleto lang pala ang requirements kagaya ko-- bago pa kasi mag-last periodical examination, kinokompleto ko na yung mga requirements ko para wala ng iintindihin.


Last 3 days na lang ang pasok namin, kaya masasaya at malulungkot na ang itsura ng mga kaklase ko kasi yung iba lilipat na ng school at ang iba gusto ng magbakasyon. Nandito kami ngayon sa respective classroom namin yung iba nakapaikot ang upuan at tinatapos ang requirements namin habang ang iba ay prenteng naka-upo sa mga upuan nila at kung ano ang ginagawa tulad ko, busy-ing nagi-instagram. Pwede na kasing magdala ng gadgets kasi wala na kaming klase sa lahat ng subjects. At Halfday na lang ang pasok namin.


"Mikay!" ayan nanaman po ang term of endearment sakin ni vince na sobrang unique.


Napalingon ako mula sa harapan. "Bakit?" hindi na ko masyadong masungit sa kanya kasi lagi nya kong sinasamahan tuwing mag-isa lang ako this last few days.


"Tara sa labas, tapos nanaman ako sa mga requirements ko." aya nya sakin.


"Ayoko nga, busy ako." sabay harap ko uli sa may blackboard, nang mahagip ng mga mata ko si Miguel na mag-isang naka-upo sa sulok at natutulog. Inilibot ko pa ang mga mata ko sa buong classroom ng makita ko si Kate na kasama ang mga kaibigan nya.


"Huy! kanina ka pa tulala." sabay tapat ng palad niya sa mukha ko at ginalaw-galaw iyon.


"Tara na kasi." sabay hawak nya sa braso ko at hinatak ako palabas ng classroom namin. Nakakainis talaga tong lalaking to', hindi ba nya alam na nakakaistorbo sya.


Habang naglalakad kami hawak parin ni Vince ang wrist ko. Nagtinginan samin lahat ng mga estudyante na nasasalubong namin na nagbubulungan. Ang tatalim ng mga tingin nila sakin para bang sa mga isip nila tinotorture na nila ko. Dahil nga sa sikat na model tong si Vince ng isang sikat din na brand ng damit.


"Sila ba ni Vince my loves?" sabi nung isang babae.


"Kelan pa sila naging close?" sabi pa nung isang mukhang taga kabilang section lang.


 Napadaan kami sa playground at nagyaya si Vince na doon tumambay sa swing. 


"Ayan! humina yung signal dito." biglang tayo ko sa swing habang hawak-hawak ang cellphone ko.


Tumayo si Vince at lumapit sakin. "Tama na muna kasi yan. May ikukwento ako sayo." sabay kuha nya sa cellphone ko.


"Hoy! akin na yan!" itinago nya sa bulsa nya ang cellphone ko at umupo sa swing. Ako naman pinilit ko paring kunin yung cellphone ko pero ayaw nya talagang ibigay.


"Hindi ko ibibigay sayo to' hangga't hindi ka nakikinig sa kwento ko." bigla naman akong natigilan at umupo na uli sa swing. Wala akong magagawa baka hindi nya ibigay ang cellphone ko, hindi ko pa naman kayang mabuhay ng walang cellphone.

Bestfriends (On Hold/Re-Writing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon