[Chapter 14]

21 3 1
                                    

Vince's POV

.

.

Nauna nang bumalik si Mikay sa classroom namin para kunin yung gamit nya. Ako naman naipit sa mga babaeng nagkumpulan sa tabi ko para magpapicture at autograph dahil malapit na ngang matapos ang school year.



"Vince paselfie naman!"



"Papa Vince pa-kiss!"



"Oppa! pa-autograph."



Hindi na ako makagalaw sa sikip, at dahil sa pagtutulakan ng mga babaeng to. Mabuti na lang at napansin ng tindera dito sa canteen na nahihirapan na ako kaya sinaway nya yung mga babae at pinagbantaan sila na ipapa-office kung hindi pa tumigil. Natakot naman yung mga babae at pinadaan ako.



Dumiretso na agad ako sa classroom dahil baka habulin pa ako ng mga babaeng yun. Pagpasok ko sa classroom, wala ng tao sa loob at malamang ay nakauwi na si Mikay. Kukunin ko na sana ang bag ko ng may narinig akong humahagulgol.



"Sino yan?" tanong ko pero walang sumasagot. Inilibot ko ang tingin ko sa classroom at sa sulok nakita ko si Kate na naka-ubob na umiiyak. Nilapitan ko sya at umupo.



"Bakit ka umiiyak? dahil ba kay M--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla syang tumingin sakin.



"Hindi pa ba halata?!" pasigaw nyang sabi pero patuloy parin sya sa pag-iyak.



"Ano ba kasing nangyari sa inyo ha?"



"Can you please mind your own business?!" wow! ang harsh nya sakin.



"Ok ok, kung ayaw mo di wag." ani ko habang nakataas ang dalawang kamay. Tumayo na ako para kunin ang bag ko.



"Sige, ikaw na maglock ng classroom kung ayaw mong ilock kita dyan sa loob." sabi ko sa kanya habang naglalakad palabas ng classroom. Nakakainis sya, ayaw nya pala ng tulong ha. Magaling pa naman ako mag-advice.



Bago ako tuluyang lumabas ng gate ay isinuot ko muna ang cap at shades ko, hindi kasi ako masusundo ng driver namin ngayon kaya maglalakad o magbibyahe lang ako. Pagkasuot ko ng shades ay biglang may humawak sa braso ko na ikinagulat ko naman.



"Uy!" pabulong nyang sigaw.



Nilingon ko yung taong nagsalita. "Ang tagal mo ha." sabi nya at nagpout.



"Akala ko umuwi kana?"



"Hindi pa, hinihintay nga kita eh."



"Tara na, gusto ko ng kumain ng tanghalian." yaya ni Mikay sakin at hinila na ako palabas ng gate.



Habang naglalakad kami, walang umiimik, tahimik lang syang nagce-cellphone.



"Sinong katext mo?" tanong ko habang sinisilip kung sinong katext nya.



"Wala." sabay tago sa bulsa ng cellphone nya.



"Damot, di ba bestfriends na tayo. Hindi ka pala true friend. Hmp!" pagrereklamo ko sa kanya.



"Wala naman kasi akong ka-text. May sinulat lang ako sa Memo ko. Tsk!" pagpapaliwanag nya at kumamot pa sa ulo.



"Teka, san kaba nakatira?" tanong nya sakin.



"Secret." matipid kong sagot.



"Bahala ka nga." kung kanina magkatabi lang kami habang naglalakad, ngayon binilisan na nya ang paglakad na parang batang nainis sa magulang dahil hindi pinagbigyan sa gusto.



"Hoy! biro lang!" habol ko sa kanya.



Nung nahabol ko na sya ay bumagal na ang paglalakad nya. "Para kang bata, Mikay." natatawa kong sabi.



"Hindi ako bata." seryoso nyang sabi.



"Di ba ang sabi ko PARA lang, di ba?" sarkastiko kong sabi at inakbayan sya.



"Itong new Bestfriend ko talaga." at ginulo-gulo ang buhok nya.



"Oo na. Gusto mo bang maglunch sa bahay namin?" tanong nya.



"Gusto ko sana pero, may photoshoot pa ako mamaya. Next time na lang." nakangiti kong sabi.



"Sayang naman. Alam mo ba na ikinwento kita sa kapatid ko? kaya ayun naging fan mo na." nakangiti na sabi nya.



"Sabihin mo sa kapatid mo salamat."



"Sige sasabihin ko, bye." patakbo syang tumawid sa kalsada at kumaway-kaway sa akin, nginitian ko naman sya. Pumasok sya sa loob ng bahay nila ng nakatingin sa akin.



Tumawid ako saka pumara ng taxi dahil malayo-layo pa ang bahay namin at baka abutin ako ng ala una ng hapon kung lalakarin ko.



"Manong dito na po." sabi ko sa driver sabay abot ng bayad.



Pagkababa ko ng taxi ay nakita ko ang sasakyan ng Papa ko. Pumasok na ako sa loob.



"Hi po, Sir. Kanina pa po kayo hinihintay ni Ma'am, nasa Dining room po sila..." bati sa akin ni Manang Gina.





Inalis ko muna ang cap at shades ko bago dumiretso na ako sa Dining room para batiin si Mama at para kumain na rin. Pagpasok ko sa Dinig room nakita kong magkasabay kumain si Mama at si Papa.

"Good afternoon Ma." bati ko kay Mama at humalik sa pisnge nya. Ibinaling ko naman ang tingin kay Papa. "Good afternoon din po." at umupo sa upuan na katapat nya.



"How's your school anak?" tanong ni Mama sa akin.



"Ok naman po." tipid kong sagot at nagsimula ng kumain.



"Good. Naparito nga pala ang Papa mo para yayain ka."



"Saan po?"



"Oo anak, yayayain sana kita magbakasyon kasama ang pamilya ng pinsan mo at may kasama pa silang isang pamilya, sa iisang school lang kayo pumapasok ng pinsan mo kaya malamang ay magkakilala na kayo."



"Kasama po ba si Mama o si Tita po?" ang tinutukoy kong Tita ay ang legal nyang asawa.



"Ako at ikaw lang ang kasama. Para mabawi ko naman kahit papaano yung mga nasayang na taon na hindi kita nakasama.Ang half-brother mo naman ay may ibang lakad."



"Pag-iisipan ko po. Sige po maghahanda na po ako para sa photoshoot ko." tumayo na ako at pumunta na sa kwarto ko para magshower at mag-ayos na rin para sa photoshoot ko.



Hanggang ngayon may tampo parin ako kay Papa kung bakit ayaw nya pang makipaghiwalay sa totoo nyang asawa, nilinaw na naman nya sa amin na ang totoong mahal nya ay si Mama at fixed marriage lang sila ni Tita kaya sila nagpakasal at kung bakit nag-ampon lang sila.



Wala pang isang oras ay tapos na akong mag-ayos para sa photoshoot. Nakalagay na ang mga gamit na kailangan ko para sa photoshoot sa isang bag. Kinuha ko na ang bag at bumaba na para magpaalam kay Mama, nakaalis na rin si Papa dahil may meeting pa raw sya.



To be Continued...





Bestfriends (On Hold/Re-Writing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon