[ Chapter 12]

35 3 0
                                    

Mika's POV

.

.

Oh my god, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Papasok na ako sa classroom at nakita ko sina Kate at Miguel na magkasamang nagrereview. Sa pangalawang hakbang ko papasok sa classroom...Boom! nagtama ang mga mata namin ni Miguel pero agad niyang inwas ang tingin niya sa akin.

"Hi Mika! Good morning." nagulat ako sa pagsalubong sakin ni Vince.

"Hello?..." nagatataka kong sagot. At dumiretso na ako sa upuan ko para magreview for the last minute.

*Rrrrrriiiinnnngggg*

"Okay class, let's start. Itabi niyo na ang mga reviewers nyo." sabi ng Adviser namin. Kinuha nya ang test papers namin at lumapit sa amin upang ibigay ang mga papers.

"Your time starts now."

Isinulat ko agad ang name ko sa test paper dahil baka mawili akong magsagot at makalimutan ko na ang unang bagay na dapat gawin tuwing exam. Binasa ko ang mga wuestion sa test 1 at mabuti na lang na nagreview ako ng maigi kahapon kahit na....ganun ang nangyari nung sabado. Haaayyy...

"10 minutes left." paalala ng adviser namin na malapit ng matapos ang unang test namin.

Ipinasa ko na agad ang test paper ko dahil tapos na akong magsagot. Umupo na lang uli ako para magreview para sa susunod na test namin, kailangan ko paring magreview syempre para sigurado.

"Pass your papers."hidyat na tapos na ang una naming test. Agad namang nagtayuan ang mga classmates ko at ipinasa ang mga papel nila. Ang iba ay lumabas na para magreccess at ang iba naman na tulad ko ay nanatili sa classroom para magreview. Kami kasi ay concern sa grades namin at sila naman ay concern sa tyan nila.

Inilabas ko na ang lecture note ko at mag-uumpisa na sanang magreview nang may kumulbit sa likuran ko.

Lumingon ako pero wala namang tao.

"Bulaga!" may taong biglang tumayo mula sa pagkaka-upo nya sa likuran ng upuan ko. Mabuti na lang at hindi ako napasigaw sa gulat.

"Ano ba?! hindi ka nakakatuwa."

"Sorry na, tara kumain? libre kita?" alok sa akin ni Vince.

"Ayoko, hindi mo ba nakikita na magrereview na sana ako kung hindi ka sumulpot?" inis na sabi ko sa kanya. Bigla namang nanlaki yung mata nya.

"Bumabalik kana sa dati Mika, nagiging masungit kana uli. Kaya lang hindi ka parin bumabalik sa palatawa at palangiti mong ugali." umayos na ako ng upo pero pumunta naman sya sa harapan ko.

"Please?samahan mo na akong kumain, ililibre naman kita." pangungulit nanaman nya sakin.

"Ano bang mangyayari sayo kapag nag-reccess ka mag-isa, mamamatay ka ba kapag kumain ka mag-isa?"

"Hindi naman sa ganun.... mas masaya kasi kapag may kasamang kumain. You know?" nakangiti nyang sabi. Dahil sa sobrang naiinis na talaga ako sa kakulitan nitong si Vince. Wala na akong nagawa kundi ang samahan sya, para matigil na.

"Oo na, sige na. Pero lagot ka sa akin kapag bumaba ang grades ko ng dahil sayo."

*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Matapos ang sapilitang pagsama ko kay Vince ay dumaan muna ako sa Restroom para syempre magbanyo.
Nagprisinta pa nga si Vince na hihintayin daw nya ako sa labas pero nahoya naman ako kaya pinaderetso ko na sya sa classroom. Pumasok agad ako sa isang cubicle.

"Narinig nyo ba na nagkakamalabuan na daw sina Kate at Miguel?" sabi nung babaeng nasa labas ng cubicle. Nanlaki agad ang mga mata ko sa narinig ko.

"Weh?! Hindi nga? Totoo ba yang sinasabi mo? Pero pano naman?" sabi pa nung kasama nyang babae.

Hindi muna ako lumabas ng cubicle dahil gusto ko ring marinig ang mga isasagot nung babae doon sa tanong na yon. Hindi alo chismosa. Curious lang.

"Ganito kasi yon, narinig kong nag-uusap sina Kate at ang mga kaibigan nya. Tapos nagku-kwento si Kate ng problema nila ni Miguel. Sabi nya nagtatampo daw sa kanya si Miguel dahil hindi sya nagrereply sa mga text nito at hindi rin sinasagot ang mga tawag ni Miguel at ang malala Monthsary pa nila nun. Ewan ko, pero sigurado ako na grabe yung problema nila." totoo kaya yun? pero sa tingin ko hindi naman gagawin yun ni Kate kay Miguel. Napatingin ako sa wristwatch ko at nakita kong malapit ng magbell kaya lumabas na ako nang makarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pintuan ng restroom.

Paglabas ko ng restroom, nakasalubong ko si Miguel na papasok naman ng boys restroom. Napatigil ako sa hindi ko malamang dahilan na ikinatigil din nya. Napayuko ako at dali-daling naglakad papunta sa classroom.

Ayoko na kasing gumawa pa ng bagay na alam kong makakasakit sa damdamin ko.

Habang naglalakad ako patungo sa room namin, napadaan ako sa canteen at nakita ko si Vince na papalapit sa akin.

"Mika!"nakangiting tawag nya sa akin at itinaas ang kamay nya.

Nginitian ko naman sya. "Akala ko bumalik kana sa room?"

"Oo nga bumalik na ako sa room, kaya lang nag-alala ako sayo kasi ang tagal mo sa restroom, kaya bumalik ako." sabi nya ng nakangiti.

"Ah ganun ba? ang dami kasing tao dun sa cr kanina kaya natagalan ako." pagpapalusot ko.

"Tara na sa classroom, baka nandun na si Ma'am." pagyayakag niya sa akin.

"Mika, salamat nga pala sa pagsama mo sakin kumain kanina kahit na napilitan ka lang." sincere na pagpapasalamat nya.

"Okay lang yun, pero basta kapag bumaba grades ko lagot ka sakin." seryoso kong pagbabanta sa kanya.

"Pero Mika, alam ko naman na kahit hindi kana magreview matataas parin ang makukuha mong grades." saby kindat sakin.

"Hay! ewan ko sayo, tara na nga." sabay hatak ko sa kamay niya dahil napapansin kong bumabagal na yung paglalakad niya.

Habang naglalakad kami papuntang classroom. Pinagtitinginan kami ng mga schoolmates namin na nasa corridor. Ano kayang trip ng mga to?

Pagpasok namin ng magkasabay ni Vince sa classroom ay biglang natahimik ang ma-ingay naming classroom at pinagtinginan kami ng mga classmates namin. Ano ba kasing meron?

Di ko na lang sila pinansin at bumalik na sa assigned sit ko. Naglakad naman palikod si Vince kung nasan ang assigned sit naman nya. Pagka-upo nya biglang naglapitan sa kanya yung mga tropa nyang lalaki pati n din yung mga chismosang kong kaklase. At bigla nanamang umingay ang classroom namin dahil sa mga bulungan nila doon sa likod.

Meron ba akong hindi nalalaman? Except dun sa nalaman ko kanina?

Bigla namang dumating ang aming adviser at nagsi-upuan na ang mga kaklase ko. Nagsalita naman ang Teacher namin at ipinatabi ang mga gamit namin na nakalagay sa ibabaw ng mga armchairs namin. At nag-umpisa na ang second exam namin ngayong araw.

Kapag talaga bumaba ang grades ko ng dahil kay Vince, malalagot sya sakin dahil sobrang kulit nya.

To be Continued...

Note: Sana po mag-comment, vote at i-share nyo po itaong story na to. At sana po subaybayan nyo pa ang mga mangyayari sa buhay ni Mika! :)

Bestfriends (On Hold/Re-Writing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon