[Chapter 17]

27 2 2
                                    

Mika's POV

.

.

"Ang gwapo at talented talaga ni Kuya Vince! Ate!!" sabi ni Chazel sakin habang nanunuod kami sa tv ng guesting ni Vince. Si Chazel naka-upo sa sahig at ako naman ay prenteng nakahiga dito sa sofa namin.

"Oo na, kanina mo pa yan sinasabi sakin." ani ko habang tinititigan ang wallpaper ng cellphone ko.

" ani ko habang tinititigan ang wallpaper ng cellphone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oh ha! Di ba ang gwapo ni Ian Santos?

Nagde-daydreaming pa ako, nang may biglang kumatok sa pintuan. Tatayo na sana ako.. "Ate ako na magbubukas." 

Pagkabukas ng pinto ng kapatid ko ay bigla akong nagulat sa pag-irit nya. Bigla tuloy akong napatayo mula sa pagkakahiga ko at agad na pumunta sa may pinto para tignan kung sino yung nasa labas. Pati si Mama bigla ding napasilip mula sa kusina. "Bakit ba anak?" tarantang tanong ni Mama.

"Tita Vivian! namiss po kita! Mama! nandito si Tita Vivian!" dali-daling naglakad papunta sa amin si Mama at niyakap ang kapatid nya. "Kailan ka pa naka-uwi dito sa pilipinas? at hindi ka man lang nagpasundo sa amin."

"Pasensya kana Ate, gusto ko kasi kayong i-surprise. Ngayon lang ako umuwi, dumiretso na ako dito sa inyo. Wag nyo munang sasabihin kina Nanay na nandito na ako ha." sabi ni Tita at niyakap niya si Mama. Matagal din kasing nawalay sa amin si Tita Vivian dahil kailangan nyang magtrabaho sa U.S para narin sa pamilya nya na nasa probinsya kasama ni Lola.

"Pasok, kumain kana ba?" 

"Hindi pa nga Ate. Teka yung mga bagahe ko nasa labas pa ng gate. Mika paki-tulungan mo naman ako." tinulungan ko si Tita na ipasok yung mga bagahe nya habang si Mama ay nasa loob ng bahay at inaayos yung kwarto ni Chazel dahil doon matutulog pansamantala si Tita.

"Tita gusto nyo na po bang kumain? ipaghahanda ko na po kayo."

"Sige salamat." pumunta na ako sa kusina at pinaghanda si Tita ng makakain niya. "Tita kain na po kayo." sumunod na sa akin si Tita sa kusina at kumain. Ako naman ay tumabi sa kanya.

"Tita kumusta na po kayo?"

"Okay naman. Ikaw kumusta ka? naka-move on kana ba kay Kurvie?" diretsahang tanong sakin ni Tita. Natigilan ako sandali, nakamove-on na nga ba ako kay Kurvie? masyadong naging abala ang feelings ko dahil kay Miguel.

"H-hindi ko po alam eh, pero po matagal na yun baka po nawala na yung sakit sa tagal ng panahon."

"BAKA? baka nawala na yung sakit? paano kung BAKA pagnakita mo uli siya bumalik uli yung lahat ng sakit?" ani nya sabay subo ng kanin.

"A-aray ko naman Tita." ani ko sabay nagfake laugh.

"Oh sya sige, change topic halata ng natamaan ka. Mamaya pagka-ayos ko ng gamit ko samahan mo ako sa mall. Pasensya na kayo at hindi ko na kayo nauwian, kaya ibibili ko na lang kayo ng gusto nyo."

Bestfriends (On Hold/Re-Writing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon