Miguel's POV
.
.
"Kailan mo ba balak na ipasa yung requirements mo?"tanong ko kay Kate.
Nandito kami ngayon sa classroom dahil mag-uumpisa na ang kalse namin.
"Mamayang Lunch, ikaw ba?"
"Ah ganun ba? sige sasabay na lang ako sayo magpasa."
"3 days na lang Periodical Examination na. Nag-uumpisa kana ba magreview?"tanong ni Kate.
"Hindi pa nga eh...baka bukas pa."sabay kamot sa ulo ko.
"Take your sit."nagulat kami dahil hindi namin namalayang pumasok na pala ng room ang Teacher namin.
"Good morning class!"bati ng Teacher namin.
"Good morning Ma'am."bati namin in chorus.
"Take a sit and let's start."
Nagdiscuss lang ang Teacher namin para sa monday. Puro discussion nakakabagot sa lahat ng subjects.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"Ma'am eto na po yung requirements namin."nandito kami ngayon sa classroom ng aming Math subject Teacher para ipsa ang requirements namin ni Kate.
"Paki patong na lang dito."
"Thank you po Ma'am."pagpapasalamat ni Kate at lumabas na ng classroom para dumiretso naman sa classroom ng Filipino subject Teacher. Wala sa room niya yung subject Teacher namin ipinatong na lang namin sa Teacher's desk ang requirements namin at ipinagbilin yun sa isang estudyante.
"Tara na sa room."sabay tingin sa wrist watch niya. "May konting oras pa, pwede pa tayong magreview." sabi pa niya at hinila ako papunta sa classroom.
Pagdating namin sa room ay umupo kami sa sa permanent seats namin at nakita ko si Mika na mag-isang nagrereview sa upuan niya sa harapan.
"May tanong pala ako."sabi ni Kate na biglang sumeryoso ang mukha. Bigla tuloy akong kinabahan.
"Ano naman yun?"tanong ko na may halong kaba.
"Nasan na yung book ko sa Social Studies?"tanong niya sabay ngiti na parang nakakaloko.
"Ah - nasa bag ko."
"Nakakaninis ka naman, akala ko kung ano ng itatanong mo sakin."sabay kuha ng libro na nasa bag ko.
"Hahahahaha!"tawa niya na sobrang lakas, nagtinginan tuloy samin ang iba naming classmates at mabuting na lang lumabas ang Teacher namin...kundi napagalitan na kami dahil sa lakas tumawa nitong si Kate.
"Oh eto na!"irita kong sabi pagkabigay ko ng libro sa kanya. Bigla naman siyang tumigil sa pagtawa.
"Hala?badtrip na agad."
"Hala sorry na? masyado ka kasing seryoso."sabi pa niya.
Hindi agad ako nagsalita para akalain niyang nagalit ako.....hahahaha!akala niya siya lang marunong magjoke.
"Uysorry na...please?"sunod-sunog niyang pangungulit.
"Hidni naman ako galit bakit ka nagsosorry?"
"Eh bakit ka natahimik?aber?"tanong niya na sumeryoso nanaman ang mukha.
"Binawian lang kita."sabay gulo ko sa buhok niya at ngumiti.
"Wag ka kasing masyadong seryoso, review na nga tayo."sabi niya na halatang natatawa-tawa pa.
"Parang ikaw hindi seryoso ha."
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"Babye!ingat ka sa paglalakad mo ha."pagpapaalam sa akin ni Kate na nakatayo sa harap ng gate nila.
"Text kita kapag naka-uwi na ako."
Habang naglalakad ako pauwinakita ko si Mika na bumibili sa malapit na tindahan. Nakatalikod siya pero sigurado akong siya yun.
Lalapitan ko ba siya?tatanungin ko ba siya?
Hindi ko alam ang gagawin ko pero hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako palapit kay Mika. Nang isang hakbang na lang ang layo ko sa kanya, bigla akong napahinto dahil humarap siya sa akin at nagtama ang mga tingin naminpero agad rin niyang iniwas ang tingin niya sa akin. Magsasalita pa lang sana ako ng bigla siyang umalis. Blang ko ang emosyon sa mukha niya. Balak ko sana siyang sundan pero kilala ko si Mika baka mas gusto niyang mapag-isa muna sa ngayon. Pero sa susunod tatanungin ko na siya, hindi ko na yon papalampasin pa uli.
Pagkarating ko sa bahay itinext ko si Kate para ipaalam na naka-uwi na ako. At nag-umpisa ng magreview para sa Periodical Examination.
*Knock Knock*
"Pasok po."sabi ko sa kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Kakain na ho kayo Sir."sabi ni Manang Sonia.
"Opo, susunod na po ako."sagot ko at lumabas na si Manang Sonia sa kwarto ko. Iniayos ko muna ang gamit ko at tsaka bumaba.
"Good evening Mom, Dad at....Wow!Mich himala sumabay ka saming magdinner ngayon."sabay upo ko sa katabing upuan ni Mich. Madalas kasing lumalabas si Mich at ang friends niya tuwing gabi kaya hindi namin siya madalas makasabay kumain ng dinner.
"Good evening Kuya! sa monday na kasi Periodical Examination namin eh kaya hindi muna kami lumabas."sani ni Mich na dala-dala si Shakespeare(ang aso niya).
"Kailan nga pala ang Fourth Periodical mo Miguel?"tanong ni Mom sakin.
"Sa Monday na din po. Nag-uumpisa na nga po akong magreview."
"Edi anak matutuloy na tayo next weekend sa paglalaro ng golf?"
"I think so Dad."
"Eh kailan mo naman ako sasamahan sa Mall Kuya?"tanong ni Michelle.
"Ayoko ngang sumama sayo magshopping, gagawin mo lang akong tagadala ng mga pinamili mo."sabi ko kay Mich.
"Ako na lang ang sasama sayo anak."sabi ni Mom sa kanya.
"Yay!Thanks Mom!"sabay irap sakin.
Ako naman tumayo na at kinuha ang pinagkainan ko para ilagay sa lababo.
"Tataas na po ako Mom, Dad at Mich."paalam ko sa kanila.
Pagpasok ko sa kwarto nagreview na uli ako ng isang oras pa at nahiga na sa kama ko. Itetext ko pa sana si Kate pero kusa ng pumikit ang mga mata ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
To Be Continued...
~*~
Thank you po ng marami sa mga nagbabasa ng story ko, sana po basahin niyo parin po ang story ko hanggang sa matapos. :)
BINABASA MO ANG
Bestfriends (On Hold/Re-Writing)
Fanfiction"A bestfriend is like a four leaf clover, hard to find but lucky to have." Totoo kaya ang kasabihang ito matapos niyong masaktan ang isa't-isa? Ito ay kwento ng tatlong magkaka-ibigan na iba't-iba ang mga pinagdadaanan.Sa lahat ng mga kwento dapat...