Mika's POV
.
.
Sa wakas last day na! Hindi lang yon, magpa-practice na din kami ngayon para sa Graduation. Oo, ga-graduate na nga kami ng Grade 12 bukas. Ang saya-saya ko dahil nalaman ko na Valedictorian ako. Okay lang naman kahit Valedictorian lang ako, kasi may mas deserving sa kabilang section.Naka-upo ako ngayon dito sa isa sa mga bench na nakalagay sa campus sa gilid ng mga classrooms.
"Congrats Mikay! ang galing naman ng bestfriend ko." biglang sulpot ni Vince sa harapan ko. At ginulo-gulo ang buhok ko.
"Salamat." with matching smile na sabi ko. Bigla namang tumunog yung speaker na nakalagay sa campus. "To all Grade 12 students, please proceed to the school gymnasium." sabi nung boses na galing dun sa speaker, pero parang boses ng principal namin yun.
Agad kaming nagtungo sa school gym. Pagkarating namin so loob, may mga upuan na, na naka-ayos sa gitna ng gym at nandito narin ang iba naming classmate pati na rin mga Teachers.
"Students, please fall in line alphabetically and by section." sabi ng Teacher namin na may hawak na mic. Sumunod kami sa pinapagawa ng Teacher namin. Sunod ay pina-upo na kami alphabetically at by section. Tapos ay nagpractice na kami para sa ceremony.
"Students maglunch na muna kayo. Bumalik kayo mamayang 1pm." sabi ng principal namin. Biruin mo hindi na pala kami nakapagbreak kanina.
Nagsi-tayuan naman kami agad sa mga kina-uupuan namin dahil gutom na gutom na kami.
"Mikay! Tara sa canteen libre kita!" sigaw na sabi sakin ni Vince habang patakbong papalapit sakin.
"Wag na, may baon akong lunch."
"Edi, sabay tayong kumain. Hintayin mo ko bibili lang ako sa canteen ha." ani nya at patakbong umalis. Nakakapagtaka talaga minsan, sikat ba talaga ang lalaking yan? parang hindi eh. Tsaka hindi parin ako makapaniwala na may bestfriend akong sikat.
Pumunta na ako sa classroom. Pagpasok ko nag-iiyakan at nagyayakapan na yung mga classmates ko. Pwede nang bukas na nila ireserved yung luha nila diba, akin nga bukas pa pagkatapos ng graduation tutulo, yun yung scheduled time nya eh. Umupo na ako sa upuan kung saan nakalagay ang bag ko tsaka kinuha ang baon kong lunch.
"Mikay!" natataranta at patakbong pagpasok ni Vince sa pintuan na may hawak na isang plato ng pagkain.
"Magdahan-dahan ka nga."
"Pinagkaguluhan nanaman kasi ako dun." ani nya at umupo sa katabi kong upuan. At nag-umpisa na kaming kumain.
"Mikay, yung ikinwento ko nga pala sayo tungkol dun sa alam mo na. Pwede bang isikreto mo yun? Hindi pa kasi alam ng publiko ang tungkol dun."
"Oo naman, di ba bestfriends na tayo. Tsaka alam kong may tiwala ka sakin kaya mo ikinwento yun sakin."
"Salamat." ngumunguya nyang sabi at ngumiti.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik sa kami sa school gym dahil halos mag-1pm na kami nakatapos kumain ni Vince dahil sa daldal nya. Nagpratice uli kami hanggang sa mag-uwian na. Pero bago kami umuwi ay pinaalalahanan muna kami ng Teachers namin tungkol bukas.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Graduation na!!!
"Anak, tandaan mo na proud na proud kami sayo." sabi ni Mama habang masayang-masayang hinihimas ang pisnge ko.
"Congrats anak, Ga-graduate kana." bati sakin ni Papa at nag-group hug kaming apat.
"Ate, mamaya na kita babatiin di ka pa naman graduate eh." kapatid ko talaga minsan panira ng moment.
"Ikaw talagang bata ka." umupo ako at niyakap ang kapatid ko.
"Tara na at baka malate pa tayo." sabi ni Papa.
Lumabas kami ng bahay at pumara ng taxi. Pagkarating namin sa school gym ay marami nang tao ang nasa loob at maghahanda na para sa ceremony maya-maya. Nakita ko na si Vince, Miguel at Kate kasama ang mga magulang nila. Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ang Ceremony. Pangatlong umakyat si Vince sa stage at sunod naman nya si Miguel. Pangatlo ding umakyat si Kate sa stage at ako naman ay panghuli. Sunod ay ang awarding of medals. Pangatlo akong umakyat at isinabit sa akin ni Mama ang apat na medals.
Pagkatapos ng Graduation Ceremony ay nagpicture taking pa. Si Mama ay kausap sina Tita Celin at Tito Michael na mga magulang ni Miguel.
"Mikay!" hinanap ko agad kung saan nanggagaling ang boses na yun at nakita ko si Vince sa di kalayuan.
"Ma, puntahan ko lang po yung kaibigan ko." pagpapaalam ko kay Mama. Tumango naman sya kaya pinuntahan ko na si Vince.
"Congrats satin." sabi ko sa kanya. May kinuha sya sa bulsa nya. "Selfie tayo. Wala pa tayong picture na magksama eh."
"Oh sige, ako na yata ang artista satin ngayon ah." tumawa sya at nagpicture na kami.
"Ate!" narinig ko ang boses ng kapatid ko sa bandang likuran namin. Humarap ako at nakita kong papalapit sya samin.
"Halika Chazel. Eto si Kuya Vince." pagkalapit nya ay humarap si Vince.
"Kuya Vince Castillo?! Kayo po ba talaga yan?" hindi makapaniwalang sabi ng kapatid ko.
"Hello, ikaw pala si Chazel ang ikinukwento sakin ng Ate mo. Hindi mo ba ako nakita kanina nung umakyat ako sa stage?" sabi ni Vince habang nakangiti.
"Hindi po eh, umalis po kasi kami ni Papa kanina saglit."
"Kuya Vince, pwede po bang papicture sa inyo?" pahabol pa ni Chazel.
"Oo naman." kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ko silang dalawa. Nakaakbay si Vince kay Chazel at ang kapatid ko naman ay ngiting-ngiti.
"Selfie naman po tayo kasama si Ate." lumapit ako sa kanila para magkipag-selfie.
"Salamat po Kuya Vince."
"Wala yun. Sige kailangan ko ng umalis baka pagkaguluhan pa ako dito saka naghihintay na si Mama sa kotse. Paalam. Tawagan na lang kita Mikay." pagpapaalam nya samin at umalis na.
Kami naman ay bumalik na kina Mama na kausap parin sina Tita Celin, at ikinuwento ni Chazel ang nangyari.
"Mika, Congratulations." bati sa akin ni Tita Celin at nagbeso kami.
"Salamat po Tita."
"Sa isang araw nga pala pupunta ako sa inyo para mapagplanuhan iyong bakasyon natin. Pakipaalala sa Mama mo."
"Opo, Tita."
"Oh sige, aalis na kami." paalam sa amin nina Tita Celin at Tito Michael pati narin si Michelle si Miguel naman ay hindi na lumingon sa amin.
Pagkarating namin sa bahay ay naghanda si Mama ng kaunting salo-salo at nag-imbita ng mga kapotbahay at kamag-anak. Hindi makakapunta si Lola dahil nasa probinsya sya at hindi na nya kayang makapagbyahe ng malayo at si Tita Vivian dahil sa next week pa ang uwi nya galing US.
Next school year College na kami at ilang taon na lang makakapagtrabaho na ako.
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
Bestfriends (On Hold/Re-Writing)
Fanfiction"A bestfriend is like a four leaf clover, hard to find but lucky to have." Totoo kaya ang kasabihang ito matapos niyong masaktan ang isa't-isa? Ito ay kwento ng tatlong magkaka-ibigan na iba't-iba ang mga pinagdadaanan.Sa lahat ng mga kwento dapat...