[Chapter 19]

24 2 0
                                    

Mika's POV

.

.

"Mika!Chazel!bilisan nyo baka dumating na sila Tito Michael nyo!" sigaw ni Mama mula sa salas. Na halata mong naiinis na sa bagal naming mag-ayos. Medyo maaga pa naman at may 45 minutes pa bago sumapit ang tinakdang nilang oras ng pagsundo nila samin dito.

Kinuha ko ang duffel bag ko na kahapon pa nakahanda para i-check kung wala ng kulang. Nung nasigurado ko na, na wala ng kulang ay bumaba na ako dala ang duffel bag at isang lightblue backpack.

Nang bumaba ako, nakita ko na ang mga bag nila na may lamang mga gamit nila na nakapatong sa sofa malapit sa pinto. Inilapag ko rin ang duffel bag ko roon. Nakita ko si Mama na nagpapack ng baon naming pagkain, medyo matagal din kasi ang  magiging byahe namin papuntang bangtangas.

"Mika, puntahan mo nga ang kapatid mo para madali." nang buksan ko ang pintuan ng kwarto ng kapatid ko ay bumungad na sya sakin na naka-ayos na at dala-dala na ang bag nya.

"Ate!Maganda ba yung suot ko?" sabi niya sakin at umikot pa para maipakita ang harap at likod ng damit nya.

"Oo, nakita ko na yan. Halika na at na ba-badtrip na si Mama." lumabas na kami at nilagay nya ang bag nya sa sofa saka umupo.

Napatingin ako sa sa itaas nang bumukas ang pintuan ng kwarto nina Mama. Lumabas si Papa na may suot na blue na tokong at white v-neck shirt. Nayon ko lang uli siya nakitang maaliwalas ang itsura, nitong mga nakaraang buwan kasi mukha syang stress sa trabaho nya. Bumaba na si Papa at dumiretso sa kusina para tulungan si Mama. Maya-maya lang ay may bumusinang sasakyan sa labas ng bahay, siguro ay sina Tito na iyon. Maigi na lang at tapos na kami sa pag-aayos nuon.

Lumabas na kami bitbit ang mga gamit namin. Paglabas namin ay nadatnan namin ang nakahintong van nina Miguel na si Tito Michael ang driver, nang binuksan ang side door ng van ay bumaba si Miguel para tulungan si Papa na ilagay sa likod ang aming mga bag, nakita namin si Tita Celin na naka-upo naman sa unang row ng upuan, habang si Michelle ay nakita ko sa sunod na row na may katabing panlalaking bag sa gilid niya na siguradong kay Miguel. Ang bakante na lang ay ang likod, ang passenger's seat. Pagkapasok namin sa van ay binati kami ni Tita Celin, Tito Michael at Michelle. Umupo kami ni Chazel sa likuran na row, si Mama at Papa naman ay sa tabi ni Tita Celin sa unahang row.

Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi sakin ni Mama kagabi, pagdatung ko sa bahay. Na pumunta sa amin si Miguel at hinahanap ako...bakit?

"Okay na? wala ng naiwan? may susunduin pa tayong dalawa ha." sabi sa amin ni Tito Michael. Siguro ay iyong dalawa ay 'yong sinasabi ni Tita Celin na kapatid niya.

"Tara na!" masiglang sabi ni Michelle.

Umandar na ang sasakyan at ilang minuto lang ay tumigil kami sa isang maganda, at malaking bahay. May nakasulat sa gate na "Castillo's" nanlaki ang mga mata ko. Ito ba yung bahay nina Vince?o ibang bahay to?sina Vince yung susunduin namin?

Nang bumukas ang gate ay nasagot ang mga tanong ko. Nagulat ako sa mga nakita ko maging sina Mama at Papa ay nagulat, si Chazel naman ay ngiting-ngiti. Tiningnan ko sina Miguel at Michelle pero hindi na sila nagulat. Wala silang nasasabi sakin na magpinsan sila, na maghalf-cousins sila. Pero hindi naman Castillo ang middle name nina Michelle at Miguel.

Nakita ko si Vince at isang lalaking may katangkaran, may kasing puti na balat tulad ng kay Vince, may malaking pangangatawan at hindi mapagkakaila na kahawig ito ni Vince, tantya ko ay nasa 47 na ang edad nito.

Bumaba si Tito Michael at tinulungan ang Papa  ni Vince sa paglalagay ng gamit nila sa likod. Nakita ko galing sa loob ng van si Vince na bubuksan ang side door. Nang buksan nya ang pinto ay nagulat sya nang makita si Mama at Papa, agad syang nagmano at bumati kina Tita, Michelle at Miguel. Napatingin sya sa akin at napangiti, umupo sya sa tabi namin ni Chazel, sya ang nasa gitna.

Bestfriends (On Hold/Re-Writing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon