Angel's POV
Ang sakit. DI ko kinaya ang mga nakita ko kahapon. Bakit inulit na naman niya yung mga ginawa niya? Dapat bang minahal ko pa siya? O nagkamali ba ako nang minahal? Andito ako ngayon sa bahay umiiyak. Di ako nagtraining kagabi nang dahil sa nakita ko.
Ano nga ba ang nakita ko?
Flasback..
Papunta na ako sa SF Hall para magready sa training mamaya. Tutal wala din naman akong ginagawa kaya pumunta na lang ako dun ng maaga. May natambay din dun na mga squad memebers ko. Kaya di ako mabobore.
Habang naglalakad ako malapit dun. May nakita ako naguusap. Mag gf bf ata? Halatang LQ sila. Naiyak si girl eh. Nung papalapit na ako nakita ko ang mukha nung lalaki. Nagulat ako sa nakita ko. Kilala ko yung lalaki. Di lang kilala. Kilalang kilala kamo. Dahil..
Si Dan yun. Tama ako di ako nagkamali.
Nagulat ako sa ginawa ni Dan. Niyakap niya yung babae. Di lang yakap. Sobrang higpit na yakap. At eto pa pagtapos niyang yakapin hinaplos pa ang mukha para punasan ang mga luha nito na siyang kinakirot nang puso ko. Bakit ganito..
Nagseselos ako.
Tama lang naman na magselos ako di ba? Mahal ko siya eh. Kahit papaano may commitment kaming dalawa. Sabi niya mamahalin daw niya ako katulad nang pagmamahal ko sa kanya. Bakit ang sakit. Pinipigilan ko lang ang pagtulo nang aking luha.
At may sumunod pa na pangyayari na mas kinagunaw nang mundo ko.
because Dan is kissing again to the same girl she kissed before. O_O
Bakit mo ba to ginagawa sa kin. Ang sakit. Sa sobrang intense na ng mga pangyayari Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha. Di lang basta iyak. Hagulgol pa. Dahil sa mga nakita ko nagdecide muna ako na di magtraining. Text ko na lang si Coach na masama ang pakiramdam ko.
End of flashback..
Pumasok ako nang maga ang aking mata kakaiyak. Nako pano kapag nakita to ni Yuki. Baka sugudin niya ito nang wala sa oras. War freak pa naman yung babaeng yun.
Late na ako pumasok dahil nga sa mga nangyari. Biglang sinita nang prof ko yung pagpasok ko nang late.
"Ms. Tenito why are you late?" tanong nang magaling kong prof sa Algebra.
"Na-late po ako nang gising eh. Sorry po ma'am" sabi ko. Actually di naman talaga ako na-late nang gising. Nagpa-late talaga ako. Di ko kasi feel pumasok talaga ngayon.
"O sige maupo ka na. Next time pumasok ka nang maaga ha" sus kala mo naman interesado ako sa subject mo. "Opo"
Pagkaupo ko. Tinanung agad ako ni Yuki. Syempre ang bilis nitong makaramdam eh. Mas nauuna pa to sa Mama ko eh. Di ko naman siya pinansin dahil nakatingin siya sa akin na kala mo may iniimbestigahan.
"Spill it" sabi bigla ni Yuki. Yah nahalata niya agad yung mugto ko sa mata.
"Ha? Anong pinagsasabi mo?" pag-deny ko sa kanya. "Wag mo akong lokohin. Kilala kita. Ikwento mo sakin yan mamayang lunch break" na nanakot na sabi niya. Hay ano pa nga ba ang magagawa ko? Edi sabihin na ang totoo. Di ko rin naman to matatago sa kanya eh.
Makalipas ang ilang subjects nag bell na din.
"Lunch break na din" sabi ni Yuki. Excited siya malaman? Grabe ha.
Habang naglalakad kami papuntang Caf. sabi ko sa garden na lang kami kumain. Pumayag naman siya. Pagka-order namin ng foods sabay punta na namin sa garden.
Campus Garden..
"Sabihin mo na" bigla niyang sabi. Hay pano ko ba to sisimulan? Nag-sigh lang ako.
BINABASA MO ANG
My Cheerleader Lover [On-Going]
Teen FictionMeet Angel or commonly known as "Star Flyer" of Cheerleading World. She can still be a Star Flyer when she met this guy.? A guy who breaks her heart. She can still fly after all the heartbreaks? A lover that can bring her down and let her he...