MCL Chapter 12

254 8 4
                                    

 Dan's POV

Tulala pa din hanggang ngayon si Angel nang dahil sa ginawa ko. Ako din di ko inakala na nagawa ko yun. Bakit ganito pakiramdam ko? Ang saya ko.

Tulala pa din siya hanggang ngayon.

Bigla na lang nasira ang katahimikan nang bigla siya magsalita.

"Bakit mo ginawa yun?" sabi niya habang nakahawak siya sa labi niya? Don't tell me first kiss niya yun? Imposible.

"Di ko alam eh. Bigla ko na lang nagawa." sabi ko. Totoo di ko alam kung bakit ko nagawa yun.

"Bakit Dan? Ano ibig sabihin nun?" paluha na siya habang sinasabi ang mga salitang iyan. Iiyak na naman ba siya? Di ko na kaya. Please Angel wag ka na umiyak. Para din akong sinasaksak kapag nakita kang umiiyak.

"Ano Dan! Magsalita ka!" pasigaw na sabi niya. Di na rin nagtagal lumuha na naman siya. Na labis kong ikinalungkot.

"Mahal kita Angel. Ayoko kitang nakikita na umiiyak. Please Angel" sincere na sabi ko. Parang mapapaiyak na din ako ah.

"Dan. Sana madaling paniwalaan yang sinasabi mo. Di ko na kayang magtiwala pa sayo" sabi niya na ikinagunaw ng mundo ko. Bakit Angel di mo na ba ako mahal?

"Please Angel paniwalaan mo ko. Matagal na kitang mahal di ko lang maamin sa sarili ko. Pero ngayon alam ko na" di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Mahal kita. Sobra T_T

"Di ko na alam Dan kung ano ang totoo o hindi? Siguro wag muna tayong magusap. Kahit sa training. Please? Nagmamakaawa ako sayo." sabi niya.

"SIge kung yan ang magpapasaya sayo. Gagalangin ko yun"

"Salamat Dan." sabay pasok niya sa room niya.

Why Angel? I love you so much. Dapat bang makipaghiwalay na ako kay Princess? No! Alam ko di niya kakayanin yun. Mahal niya ako nang sobra at ramdam ko yun. Sana makapagfocus na lang ako sa kanya pero mahirap nang gawin yun lalo na hindi ko na siya mahal. I'm sorry Princess.

Dahil sa sobrang sama nang pakiramdam ko at sobrang sakit nito *sabay turo sa puso* di muna ako magtetraining. Wala akong pakialam. Siguro andyan naman si Coach. Kaya na niya yun.

Umuwi na lang ako sa dorm at natulog.

Angel's POV

Tulala lang ako sa klase habang inaabsorb pa lahat nang ginawa sakin ni Dan pati na rin yung mga sinabi niya.

Masaya ako dahil ito ang first time na magkiss kami. Pero dapat di ako magpaapekto sa halik niya. Di niya talaga ako mahal kasi kung mahal niya ako di niya gagawin yun.

Sana matapos na tong klase na to. Malapit na pala ang Prelim Exam namin. Pero tinatamad pa din ako. Bwiset.

"Ui Angel ayos ka lang?" sabi ni George na ka-block ko. "Ah Oo wag mo na akong pansinin." sabi ko.

Mga ilang minuto pa lang nagbell na din. Sa wakas.

Pumunta na lang agad ako sa SF Hall para makipagbonding sa mga ka-squad ko. Iilan lang ang kilala ko dun bukod kay Dan. Sino pa nga ba? Si Ghee yung ka-batch ko tapos...

.

Si Kevin!

Tama siya nga!

Dali dali akong pumunta sa SF Hall nagbabakasakali na nandun siya. Tumakbo pa nga ako na parang tangang may hinahabol.

SF Hall..

Tama andun nga siya. Kaso magisa lang siya. Bakit kaya? Aba himala walang akong ka-squad members dun. Dati rati kapag napunta ako dito ang dami nila. Nahihiya kasi ako makihalubilo sa kanila eh.

My Cheerleader Lover [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon