Angel's POV
Sana panaginip lang ang lahat ng nakita ko! Gusto ko nang magising! Sa bangungot na to. Bakit Dan? Paano mo nagawa saken to? Di ba sabi mo mahal mo ko? Bakit niya nagawa yun? Di ko siya maintindihan!
Kailangan ko makausap si Yuki baka kung ano pa magawa ko sa sarili ko.
Calling Yuki...
"Hello? Bakit ka napatawag Gel?" Buti naman sinagot mo. Ngayon kita kailangan Yuki.
"I need you know. Punta ka sa bahay. Please? Yuki" sabi ko habang nanginginig ang boses ko. Di ko alam ang sinagot niya dahil binaba ko na yung linya. Sana pumunta ka. Ngayon ko kailangan ang karamay.
"Angel! Andito na ko!" Sigaw ni Yuki. Buti naman pumunta siya. Maya-maya pa lang bumaba na ako sa kwarto para puntahan siya. Habang papalapit na ako sa kanya di ko na napigilan ang paghagulgol ko at niyakap ko siya ng mahigpit!
"Ayoko na Yuki. Suko na ko. Grabe na!" Sabi ko habang nakayakap ako sa kanya. Alam ko na dapat ko na i-let go si Dan pero ang hirap. Ilang beses na niya akong sinaktan pero bakit ganun mahal ko pa din siya?
"Tahan na Gel. Andito lang ako. Sabi ko na nga ba siya na naman ang dahilan ng pagiyak mo eh." Eh tanga kasi tong kaibigan mo eh. Alam ko na nga na masasaktan lang ako sa kanya pero tinuloy ko pa din. Ganito siguro kapag nagmamahal kayang maging tanga.
"Ang sakit na Yuki. Tagos sa sakit eh." Sabi ko habang nakayakap pa din kay Yuki.
"Alam ko na mahal niya ako pero bakit niya nagawa yun? May relasyon ba sila?! Ha?!" Pagpatuloy ko habang umiiyak sa balikat ni Yuki.
Kumalas na sa pagkakayakap saken si Yuki at tinignan niya ako sa mata. "Tumingin ka saken ng diretso Angel." Tumingin naman ako. Mukhang seryoso siya sa sasabihin niya. Di ko pa nakikita si Yuki ng ganyang kaseryoso.
"Hanggang kailan mo balak maging tanga Angel? Ha! Sagutin moko!" Sigaw niya saken. Hanggang kailan nga ba?? Siguro hanggang andito pa siya sa puso ko. Gusto ko na siyang iwanan pero di ko kaya.
"Hindi ko alam Yuki." Yun na lamang ang nasagot ko sa tanong niya. Alam ko na naiines na saken si Yuki. Martir kasi ako eh. Sorry.
"Ewan ko sayo Angel! Alam mo kung ako sayo iwanan mo na yan si Dan wala naman magandang idudulot sayo yan. Eh ano naman kung captain siya sa cheering squad niyo edi iwasan mo siya. Alam kong hindi madaling gawin yun pero sana subukan mo!" Payo niya saken.
"Salamat Yuki dahil andyan ka para damayan ako. Sige ako ng bahala bukas kung anong mangyayari samen. Sana lang maging tama ang desisyon ko" pagtapos kong banggitin ang salitang yan napawi na ang luha ko. Siguro pansamantala lang to mawawala dahil alam kong madami pang luha na tutulo mula sa mata ko.
Hangga't minamahal ko pa si Dan patuloy lang ang aking pagluha. Cause loving him was RED.
"Sana sundin mo yung advice ko sayo. Kaibigan kita at ayaw kitang nakikitang nasasaktan ng dahil sa walang kwentang tao." Sabi niya. Thankful talaga ako cause I have a friend like you Yuki.
"O sha una nako. Mukhang ayos ka naman na eh. Sana mapawi man lang ang lungkot mo kahit ngayong gabi lang. Sana nakatulong ako"
"Sobrang nakatulong ka. Kahit papaano napawi mo ang lungkot na nararamdaman ko. Hayaan mo bukas. Kakausapin ko na siya para mapanatag na ako" sabi ko. Sana bukas ok na ako? Sana talaga pero mukhang malabo pang mangyari yun.
"Dapat lang noh! O Sige bye na Angel. Matulog ka na !" Sabi niya at tuluyan na siyang umalis pauwe sa kanyang bahay.
Kaya ko ba? Na iwan na siya? Di ko alam. Basta isa lang ang alam ko.
BINABASA MO ANG
My Cheerleader Lover [On-Going]
Teen FictionMeet Angel or commonly known as "Star Flyer" of Cheerleading World. She can still be a Star Flyer when she met this guy.? A guy who breaks her heart. She can still fly after all the heartbreaks? A lover that can bring her down and let her he...