Kevin's POV
Maaga akong gumising para pumasok ng maaga. Di pa din ako maka-get over sa mga sinabi ko kay Dan. Bakit ko kaya nasabi yun? Siguro ayaw kong makita na nasasaktan si Angel kaya ko nasabi yun.
Gusto ko siyang protektahan. Alam kong lagi siyang nasasaktan sa piling ni Dan.
Bahala na si batman kung ano na mangyayari. Basta ako I'll do everything para di na siya masaktan.
Text ko na lang kaya siya.? Tama itetext ko na lang siya.
To: Angel
Saan ka? Kita tayo?
Sending.... Sent!
Sana magreply siya agad. Pero maya-maya lang nagreply na agad siya.
From: Angel
Suree. Saan ka ba? Madami kasi akong gustong itanong sayo eh.
Ha?? Ano kaya yun? Siguro nakahalata na yun. Simula nung nangyari kay Princess. Simula kasi nun iniiwasan na ni Dan si Angel. Tulad nga ng pinagusapan namin ni Dan.
Di ko pa masasabi na gusto ko si Angel pero ang gusto ko protektahan siya. I want her to be happy with me.
To: Angel
Sige kita na lang tayo sa SF Hall. Wala pa namang masyadong tao dun eh.
Sent!
Pagtapos ko itext kay Angel yun. Dali-dali ako pumunta sa SF Hall. Maaga pa naman eh mamayang 10:00AM pa naman first class ko eh. Baka nandun na yun.
SF Hall..
"Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko. Sabi na eh. Andito na yun.
"Ah.. Di naman halos kadadating ko lang din eh"
"Ah mabuti naman kala ko napaghintay kita ng matagal eh." Sabi ko. Habang nakakatitig lang siya sa akin. Ano ba to? Bakit niya ko tinititigan baka saan pa to mapunta eh.
Alam ko sa sarili ko na may feelings na ko para kay Angel ramdam ko na yun sa sarili ko pero di ko mapaliwanag.
"May sasabihin ka ba? Pwede ka na magsalita" pagbasag ko sa pagkatitig niya saken.
"Ano bang nangyayari na kay Dan? Lagi na niya iniiwasan mga tawag ko pati texts di na niya ko nirereplyan. Ano na ba talaga nangyayari ha? Iniiwasan niya ba ako? Di ba ka-dorm mo naman siya?" Habang sinasabi niya saken ang mga salitang yan. Di ako makasagot. Ano ba ang dapat kong isagot sa mga katanungan niya?
Sasabihin ko na ba? Kaso baka di niya kayanin. Ayoko kong makita siya na umiiyak.
"Bakit ka atat na hanapin yung Captain naten ha? Daig mo pa GF kung maghanap sa kanya eh" nagulat siya sa sinabi ko. Hanggang ngayon kasi di pa din alam ni Angel na alam ko na kung anong meron sa kanila ni Dan.
"Ah-h e-hh.. Wala naman bakit masama ba siyang hanapin?" Pagdedeny niya. Sus kunwari ka pa.
"Yun naman pala eh. Haha tara kaen na lang tayo since wala ka naman palang itatanong saken. Si Dan lang pala ang hanap mo." Di na siya sumagot di ko na rin tiningnan itsura niya baka namula mula pa ang pisngi nun. Baka mabuko ko pa siya na boyfriend niya si Dan kahit may Princess na si Dan. Hayyy kawawang Angel kung ako na lang kasi ang minahal mo edi sana masaya tayo ngayon.
Ayoko kasi na saken niya malalaman yung relasyon ni Dan at Princess gusto ko siya makayuklas nun. Para andito lang ako sa tabi niya sa oras na malaman niya yung bagay na yun.
Alam ko mahirap sa umpisa pero magagawa niya rin yun malampasan.
Handa na ba ako MAHALIN siya?
Oo. Handa na ko.
Cafeteria..
"Hoy Kevin bakit ang tahimik mo ngayon?" Pangungulit saken ni Angel habang pinipisil niya yung pisngi ko.
"Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya. Haha napalakas ata. Iniisip ko kasi kung paano ko aaminin kay Angel yung feelings ko sa kanya eh.
"Sungit naman neto. Arte mo ! Ang tahimik mo kasi eh kaya ayan tuloy nangyari sa pisngi mo." Sabi niya habang nakangiti siya.
Ang ganda ng ngiti niya. Ang sarap siguro niyang mahalin. Lakas ng tama ko dito sa babaeng to ah. Haha di naman pwede na ako lang ang may gusto sa kanya. Paano ko kaya siya mapapaibig? Haha korny ko na! Hmmm.
Kaso may Dan pa siya eh. Alam ko naman na baliw na baliw siya dun. Hayyy nako. Ang hirap ng sitwasyon ko. Bakit kasi nagmahal pa ko ng may mahal ng iba eh.
Asarin ko kaya? Haha tama! Meron kasing babae na naiinlove sa mapangasar na boyfriend eh. Naasar ko na dati to eh. At sa totoo lang ang sarap nga niyang asarin kasi sobrang pikon! Nalabas na ang sungay niya sa noo eh. Haha
"Ahhh ganun pala ha!" Sabay pisil ko sa ilong niya! Haha
"Aarrraayyy koooo!" Sigaw niya sabay takbo ko palabas ng cafeteria. Di na tuloy kami nakakaen. Kulit kasi netong si Angel eh sinimulan akong asarin ayan ikaw nagyon ang talo. Ako pa naman pagdating sa asaran no.1 sa kulitan.
Hinabol ng hinabol niya ako hanggang sa marating namin ang likod ng SF Hall. Napatigil ako sa pagtakbo sa mga nakita ko. Naramdaman ko din na nasa likod ko na si Angel at napatigil din siya sa pagtakbo.
Panahon na ba ?? Para malaman niya ang katotohanan??
Pagtapos kong tanungin ang salitang yan sa isip ko. Nilingon ko si Angel at nakita kong lumuluha na siya.
Sh*t ! Nakita ko na naman siyang umiiyak ang sakit pala pagnakikita mo ang mahal mo na umiiyak. Ganito pala yun.
Sorry Angel kung di kita maprotektahan sa mga panahon na nasasaktan ka. Gustong gusto kitang yakapin para patahanin pero di ko magawa kasi alam ko na siya ang mahal mo at siya lang ang magpapasaya sayo at di ako.
Sa sobrang tindi ng mga nakita niya tumakbo na lang siya palayo. Palayo kung saan di siya masasaktan nino man.
Wala na akong nagawa kundi hayaan siyang tumakbo kung saan makakapgisip siya ng payapa.
Na kahit ako di ko inakala na gagawin ni Dan yun.
Na halikan niya si Princess sa harap mismo namin ni Angel.
AN:// update! Enjoy!
dearMayo13
BINABASA MO ANG
My Cheerleader Lover [On-Going]
Teen FictionMeet Angel or commonly known as "Star Flyer" of Cheerleading World. She can still be a Star Flyer when she met this guy.? A guy who breaks her heart. She can still fly after all the heartbreaks? A lover that can bring her down and let her he...