MCL Chapter 21

194 4 3
                                    

Angel's POV

Next day..

Maaga akong nagising kasi susunduin daw ako ni Dan. Sabay daw kame pumasok.

Ang kulit talaga ni Dan sabi ko wag na kasi baka may makakita pa samen. Ma-issue pa kami niyan. Pero ayaw pa din magpatinag. Kulit talaga.

Sabi ko baba na lang ako kapag malapit na sa school para di mahalata. Pumayag naman siya.

Teka anong oras na ba? 6:30AM pa lang. Magluluto muna ako ng breakfast. Mukhang tulog pa si Mama eh. Di ko muna aabalahin.

Simple lang naman yung niluto ko. Hotdog at scrambled egg tapos may sinangag din.

Maya-maya lang din bumaba na din si Jemz para kumain.

"Oh ate bakit ikaw nagluto? Bakit di mo ginising si Mama?" sabi niya. Bruha talaga tong kapatid ko. Parang galit lagi eh.

"Masarap ang tulog ni Mama wag mo nang gisingin. Kaya ko naman magluto" sagot ko naman sa kanya.

"Siguraduhin mo lang di maalat yang itlog at sinangag ah" aba ikaw na lang kakain ikaw pa nagrereklamo. Sabunutan kita diyan eh.

"Edi wag kang kumain. Arte pa" sabi ko. Kulit eh.

Pagtapos ko kumain. Naghanda na ako para pumasok.

Maya-maya pa lang narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Dan. Ang bilis naman niya. Di pa nga ako nakakapagayos eh.

"Hoy ate andyan na si Kuya Dan! Dalian mo diyan" sigaw ni Jemz. Hay talaga!

"Papasukin mo muna. Di pa ako tapos eh" sigaw ko naman kay Jemz.

Binilisan ko na yung pagaayos para naman di na maghintay si Dan. Kakahiya naman sa mahal kong boyfriend.

Hehe.

"Kanina ka pa?" tanong ko kay Dan. Ngayon nasa baba na ako para magready umalis.

"Di naman. Tara na?" sabi niya. Bigla ko naman hinawakan kamay niya.

Holding hands kami. AHYYIIEEE >\\\\\<

"Oh Jemz pakisabi na lang kay Mama umalis na ako" habilin ko kay Jemz.

"OK" sagot. Bruha talaga to! Sana magkaboyfriend na yan para mawala ang pagkabitter sakin. Inggitera kasi yan eh.

"Dan ha. Baba mo ako pagmalapit na tayo sa school ha" paalala ko kay Dan. Baka kasi makalimutan niya eh.

Hanggang suot suot ko pa din yung necklace na bigay sakin ni Dan. Sabi niya lagi ko daw tong suotin eh. Sinunod ko naman.

"Sige"

Malapit na kami sa school. Pababa na sana ako nang bigla ko naman nakita si...

Princess..

"Oh si Princess pala yun eh" sabi ko kay Dan. Alam ko magkakilala sila eh kaya ko sinabi sa kanya.

Di naman sumagot si Dan. 

Huh? Ano meron.

Nagiba kasi ang expresyon ng mukha niya eh. 

Nagulat siya sa nakita niya. Bakit kaya?

"Angel mamaya ka na bumaba" sabi niya sakin. Huh bakit naman?

Nacurious tuloy ako bigla. Anong meron sa kanila.

"Bakit naman? Male-late na ako eh" sabi ko.

"Wait lang" tapos bigla naman niya akong niyakap.

Bakit ganun parang may mali? Hinayaan ko lang siya na nakayakap sakin.

Maya-maya lang pumiglas na siya. Pagtingin ko sa bintana wala na si Princess.

My Cheerleader Lover [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon