MCL Chapter 14

253 8 8
                                    

Angel's POV

Next day..

Pagising ko wala na sa tabi ko si Dan. Siguro maaga yun nagising. Halata naman eh. Ang galing nga eh di ako nagising. Kalimitan kapag may naramdaman lang akong gumalaw nagigising na agad. Siguro sobrang antok ko lang kaya ayun.

Agad akong bumaba para maghanda. Ano oras na ba? 7:00AM na pala. Ok lang yun. 10:00AM pa naman ang klase namin eh. Absent kasi yung prof namin ng first subject.  Buti naman. Nakakatamad kasi magturo yun eh.

"Ma, anong oras umalis si Dan" tanong ko. Kilala naman siguro ni mama yun. Mukha lang hiindi.

"Mga 5:00AM. Bakit di na nagpaalam sayo?" tanong ni Mader.

"Tatanong ko ba kung nagpaalam sakin?" pilosopo ko sagot sa kanya. Babatukan na sana ako pero bigla na lang ako umiwas.

"Ikaw bata ka ha. Kahit 20 yrs old ka na. Mas matanda pa din ako sayo. Tandaan mo" pagbabanta niya. Ok fine.

Naghanda at nagbihis na lang ako para pumasok. Kahit maaga pa papasok na lang ako. Kesa naman dito sa bahay walang magawa.

Oo nga pala ngayon na pala ang araw na mangliligaw sakin si Dan. Iniisip ko pa lang kinikilig na agad ako. Kahit wala pa nga siyang gawin eh kinikilig na ako eh. Lalo pa kaya kung meron.

Pumasok ako na may ngiti sa aking mukha. Sarap talaga sa feeling na nagkaayos na kayo ng taong mahal mo noh? Parang nabunutan ako nang malaking tinik sa dibdib.

Sobrang mahal ko talaga si Dan. Na kaya kong isuko lahat para lamang sa kanya. Sana siya din ganun para maipagmalaki ko siya.

At Arco University.. (Room)

"Best! I miss you so much" yan ang bungad sakin ni Yuki. Bigla niya akong niyakap. Talagang pinanindigan na niya ang pagtawag sakin ng best ah.

"Aray naman! Di ako makahinga sa yakap mo" angal ko at sabay kalas niya sa pagkakayakap sakin.

"Eto naman. Na-miss lang kita."

"Sus kala mo ang tagal nating hindi nagkita. Eh kahapon lang naman yun" sabi niya. Pero infairness ha na-miss ko din tong bestfriend ko. Chikahin ko nga sa pinuntahan niya.

"Kwento ka naman diyan. Saan ka ba pumunta kahapon at di ka na pumasok ng afternoon class?" tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang napangiti.

"Ano kasi... May nanliligaw kasi sakin" sabi niya habang kinikilig kilig pa. Aba aba aba at sino naman ito ha?

"Sino naman yan at abot hanggang tenga ang ngiti mo?"

"Malalaman mo din. Soon" sus pabitin pa to eh. "Pangalan lang naman. Dali na sabihin mo na" pagpupumilit ko sa kanya.

"Saka na nga. Kulit naman ni best!" hay ayaw talagang sabihin. Ok fine di ko rin ikukwento yung mga nangyari samin kagabi ni Dan. Bahala siya.

"Ok. May ikukwento pa naman sana ako sayo. Kaso wag na lang" bigla naman siyang napatingin sakin.

"Tungkol kanino?" tanong niya. Sabi na eh tatanungin din nito. Pero hindi ko sasabihin.

"Kay Dan. Kaso wag na lang" sabi ko sabay upo sa upuan.

Dumating na kasi yung prof namin sa Music. May activity daw kami. Ano naman kaya yun. Hmmm sana naman exciting ang mga mangyayari.

"Ok class you need to choose one of your favorite song that you can dedicate to your girlfriend/boyfriend." sabi ni Ma'am. Hala wala naman akong boyfriend eh. Manliligaw kaya pwede?

Bigla naman akong napatingin kay Yuki at parang may naisip na kanta na gusto idedicate. Alam ko na. Dun sa manliligaw niya yun? Sino kaya yun? Nakakcurious naman. Eto kasi pabitin eh.

My Cheerleader Lover [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon